Kabanata 25

5.2K 127 29
                                    

Deanna

I woke up because Mafe's calling so i answered it.

On the phone.

"Hello Mafe!" bungad ko

"Dito na ako unit mo ate. Pagbuksan mo naman ako." angal nito

"Sige sige." and ended the call

Nasabi pala nito na dadalaw siya ngayon dahil bakasyon nila pinayagan naman daw siya nila Tita.

Pinagbuksan ko naman siya ng pinto at mukhang naiinip na.

"Ang tagal ate a." angal nito at dirediretsong pumasok

Aba! Hanep na bata to a.

Simula nang una akong pumunta sa kanila naging malapit na ako sa pamilya nila kay Jema nalang hindi. Haha

"Pinabibigay pala ni Mama." sabi niya sabay abot ng bibingka

Pagkaabot nito ay nilibot ang unit ko. Hanggang sa makarating siya sa kusina.

"Grabe ka ate! Umagang umaga alak nilalaklak mo." sabi nito sa kusina

Kaya pinuntahan ko ito. Hindi ko pala naligpit ang mga ito kagabi.

"Tapos puro bacon, ham, egg at beer nasa ref mo." dagdag pa nito

"Aba! Nanay kita Mafe." natatawang sabi ko

"E bakit ba naglalasing ka umagang umaga ate." seryosong sabi nito

Umupo akong maayos at kwinento lahat dito. Mula nang makita at makilala ang ate nito. Kung paano ako nahulog sa kanya. Hanggang sa minahal ko na kahit may mahal nang iba. At ang ginawa ko na surprise kagabi para sa kapatid ko. At yung mga nakita ko. Alam ko kasi na mapagkakatiwalaan ko ito kaya nagkwento ako. At nag unahan na naman ang mga luha ko.

"Wag ka mag alala ate. Boto ako sayo. Tama na yan ang pangit mo umiyak." asar na sabi nito at tumawa

Kaya natawa na rin ako. Loko talagang bata to.

"Alam ba ng ate mo na nandito ka?" tanong ko

"Hindi." nakangiting sabi nito

"Diyan sa kabila lang unit niya. Bisitahin mo na." sabi ko rito

"Mamaya na. Gusto ko rito e." sabi nito

"Ewan ko sayong bata ka. Jan ka lang magbibihis lang ako may pupuntahan tayo." sabi ko dito at pumasok sa kwarto para magbihis



Nagcommute kami at pumunta sa isang car shop.


After 45 mins nakarating na nga kami at pumasok dito. Nagtingin tingin kami ng car. At tuwang tuwa si Mafe sa mga nakikita.

Tinest ko naman yung isang car at tinignan ang loob nito. Maganda naman siya.

"Ah, Miss, kukunin ko na to." sabi ko sa babae at binigay ang credit card ko

"Wow! Ang yaman mo talaga ate." sulpot ni Mafe

"Hindi a." sagot ko

"Hindi pa sa lagay na yan ate a. Pero infairness hindi halata na mayaman ka kasi ang simple mong tae. Mas bagay ka kay ate kesa dun sa kambal mo." natatawang sabi nito

"Baliw! Tara na nga." sabi ko

Yung bagong car ko na ang gagamitin namin. Sobrang nasira kasi yung car ko nung na accident ako at di pala alam nito ni Mafe dahil nawala na rin mga galos ko sa katawan.

Authentic LoveWhere stories live. Discover now