CHAPTER 1: Another Chance

6.2K 83 2
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, and places are purely coincidental. Some events and incidents are purely products of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events, is purely coincidental.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the author's permission.

Plagiarism is a crime.

This story is unedited and there are purely grammatical errors and some typos so please bear with the author.


PROLOGUE:

Paano mo nga ba masasabing totoo ang pag-ibig kung sa simula pa lang, pinaniwala ka na nito sa isang kasinungalingan?

PRINCE J's POV

                                                                                                                                                                     April 6, 2018

Mahal kong Prinsipe,

Patawad mahal ko kung ngayon lang ulit ako nakasulat. Narito nga pala kami ngayon sa bakasyon sa probinsya ng Mindoro. Isinama ako ng mga kasamahan ko sa trabaho. Pero huwag kang mag-alala mahal ko. Walang araw ang lumipas na hindi kita naiisip.

Siguro nga pagod na pagod ka na ngayon, palagi ka kasing tumatakbo sa isipan ko. Hihihi. Korni ko na talaga mahal ko. Nahahawa na ako sa 'yo. Hmp!

Anyway myway. Ahm...pang 3 days na kami dito at sa three days na 'yon. Super enjoy kasi marami na kaming nagawa. Nanguha kami ng fruits like santol, buko, mangga, langka, bayabas, balimbing, papaya, saging, sinturis at kung ano-ano pa. Ang dami talaga nilang fruits dito, mahal ko. Ang sarap dito tumira, promise.

Alam mo ba 'yong sinturis, mahal ko? Dalandan 'yon sa atin sa Manila. Dito sinturis. Hihihi. Nakakatuwa 'yong name kasi parang sintu-sintu. Tapos putragis. Hahahah!

Tapos naligo kami sa batis, mahal ko. Pero huwag kang mag-alala hindi ako nag-two piece. My body is only for your eyes. Hihihi. Tagal mo kasi magpakita eh.

Then, may mga inuman na nangyari pero 'di ako uminom, mahal ko. Behave lang talaga ako eh, isang baso lang naman. Meheheh.

So, ayon and then ngayon narito kami sa beach. Nagkayayaan sila, sumama lang ako pero idea ko talaga 'yon.

May nangyaring hindi maganda dito kani-kanina lang. Pero 'di ko na lang ikukwento sa 'yo para hindi ka na mag-alala. Hindi naman kasi ako kasali doon sa incident eh.

So, ayon lang mahal ko. I love you. I wanna see you badly. Lagi kang mag-iingat, mahal. Ako din dito para sa 'yo, yiiiiiieeehhh. Mwaah! Mwaah! Tsuupp!

                                                                                                                                                            Ang iyong Prinsesa,

                                                                                                                                                            Nancy

Nangingiti na lang ako habang itinutupi ko na ang napaka-sweet niyang liham.

You have no idea how much I want to see you and hug you tightly, my Princes. I really want to kiss you in these fucking moments and just call you mine. I want to hold you forever and I can't wait to do all that to you.

Kung mabibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon.














Behind Those Sweet Words (Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora