CHAPTER 24: Escaped Prisoner

1K 41 1
                                    

Johannes

Damn! She's so fuckin' beautiful. She's even more beautiful now than before.

Nagwawala na ang bawat himaymay ko at hindi na ako makapaghintay pa na malapitan siya at mayakap siya ng mahigpit.

But still the same as before. I don't know how to do that to her now. How do I approach her? How can I talk to her? How do I get started?

Maraming pangamba ang bumabalot sa pagkatao ko ngayon. Paano niya ako matatanggap? O magagawa ba niya talaga akong tanggapin?

I'm a Prince without a crown.

Kung noong medyo maayos pa ang kalagayan ko ay hindi ko na siya magawang lapitan. Paano pa kaya ngayon?

I took a deep breath before staring at her again. Damn it. What am I gonna do now?

Napansin ko ang pagtayo na ni Cail at paglabas ng restaurant. Ako naman ay nanatili lang dito sa labas habang nakasandal sa motorsiklong ibinigay sa akin ni Cedric at walang magawa kundin ang tanawin lang ang pinakamamahal kong babae sa buhay ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ngayon ay naririto na ako sa labas at napakabilis ng mga naging pangyayari.

"Oras na ng pagkain!" paulit-ulit na sigaw ng taga-bantay sa labas habang naglalakad siya sa bawat selda na madaanan niya. Kasabay niyon ay ang pagkalang niya sa rehas ng batuta niyang dala na siyang nagbibigay ingay upang mabulabog kaming lahat at magising ang ibang natutulog.

We all stood up quickly. May oras ang lahat ng gawain dito kaya hindi p'wedeng babagal-bagal sa pagkilos.

Ngayon ang araw na nakatakda kaya naman inihanda ko na ang sarili ko. I don't know how they will do this, as long as I just follow all their signals.

Hindi na nasundan ang pagdalaw sa akin ni Cail. Cedric was the last person I talked to recently. He taught me only a few things.

We walked to the inmates' huge dining hall. If you count, thousands will add up to all of us here. That's why each cell has only time for food. Hindi p'wedeng sabay-sabay dahil hindi kami kakasyang lahat sa hapagkainan.

Pagdating namin sa loob ay mahabang pila na kaagad ang naabutan namin. Pila sa pagkuha ng pagkain.

There are so many guards in every corner of this area so double caution is needed. Not only to the guards but also to my fellow prisoners, who when they found out about my escape plan, maaaring mabulilyaso ang lahat. Dahil ang iba ay hindi papayag na hindi sila sasama o ang iba naman ay maaaring makapagsumbong kaagad.

It took me a few minutes in line before I got close to the two people providing food. They just keep scooping up the dish and rice. Kami naman ay may kanya-kanya nang hawak na tray para sa lagayan ng mga pagkain namin.

Nang ako na ang lalagyan ng ulam at kanin ay doon pa lang nila ako sinulyapan bilang isang senyales.

Ang kusinera nila dito ay kilala na at dekada nang nagtatrabaho sa lugar na ito. So if you don't know them, or if you just focus on your surroundings or the food, you won't notice that something is wrong.

They put vegetables on top of my rice. Five pieces of okra which means it only takes five minutes to execute the plan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa mesang nakagawian ko nang kainan.

I tried to finish my food immediately.

Nang matapos ay tumayo na ako at nagdiretso sa lagayan ng mga pinagkainan. May mga nakatoka para sa paghuhugas dito at isa ako sa mga 'yon sa araw na ito.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago matapos ang iba at magsimula na kaming magligpit at maghugas ng mga plato.

We only have six people assigned to it, pero sandamakmak ang hugasan. 

Washing needs to be done quickly 'cause there will be another batch to eat.

Naramdaman ko ang pagpasok dito sa loob ng isang kusinera na nagbibigay ng pagkain sa labas kanina.

Napansin ko na kanina pa ang malaking drum na lagayan ng basura dito sa loob ng hugasan na ngayon ay wala pang laman. Ang iba nito ay nasa gawing likuran nakap'westo. Kung susumahin mo ay kakasya ang isang tao sa loob. Maluwag pa.

It will not be noticed 'cause it's in the right habitual place. Kaya sinuman ay hindi iisipin na mamaya ay tao ang magiging laman niyan.

My chest was pounding so hard but I had a lot of trust in them.

Nang matapos na kami sa paghuhugas ng mga pinagkainan ay nauna na ang apat na mga kasama ko sa sa paglabas. Naiwan pa ang isa na nagpupunas pa ng mga kamay niya at handa na rin umalis.

Ngunit bigla na lang namatay ang lahat ng ilaw sa buong paligid.

"Ooopss! Browout!" dinig kong sigaw ng isang presong naiwan pa dito sa loob.

Ako naman ay mabilis ang naging pagkilos. Kaagad akong nagtungo sa drum at pumasok sa loob.

Sa saglit na pagkawala ng kuryente ay saglit ding didilim at mawawalan ng bisa ang mga cctv monitor sa lahat ng sulok dito sa loob ng bilibid. Gayundin dito sa kusina.

As soon as I stepped inside the drum, a huge amount of garbage poured out on me. Fuck!

Mabilis kong kinapa ang maliit na tubo na nakakabit sa maliit na butas nitong drum na pagdadaanan ng munting hangin mula sa labas at maaari kong hingahan.

I immediately put it in my mouth so I could breathe.

May kasama kasing mga kaning baboy ang basura at mga sabaw-sabaw. Pupunuin nila ito at kailangan ko ang limang minutong tagal sa ilalim hanggang sa makalabas kami.

Wala na akong marinig sa labas dahil sa palagay ko ay nakalubog na ako sa isang kumunoy. I closed my eyes tightly and covered both my ears.

Tiniis ko ang lahat ng lagkit, amoy, alisangsang at pandidiri.

Naramdaman ko na lang na gumagalaw na ang kinalalagyan ko.

Long walks. 

Stop for a few minutes. We may be at the entrance/exit and the garbage will be checked to get out.

Maaaring naghintay pa sila nang pagbabalik ng liwanag bago kami tuluyang makalabas. Mahigpit ang mga bantay at walang makakalabas-pasok sa panahong walang ilaw.

Dahil nakakadiri ang basura para sa kanila ay hindi tumagal ng minuto ang pagche-check.

Itinaon din na gabi ang plano dahil mas madaling kumilos sa gabi. Iilan lang ang bantay at sa gabi lang inilalabas ang basura sa buong maghapon. Kaya naman ganoon karami at kayang pumuno ng sampung drum na basura bawat araw.

Nagpatuloy sa paggalaw ang kinalalagyan ko. Hanggang sa huminto at naramdaman kong napahiga ang katawan ko at pag-agos paitaas sa uluhan ko ng sangkaterbang basura at malapot na mga sabaw-sabaw.

Nabawasan na ang laman sa loob. Mabilis akong lumabas sa malaking drum ng basura.

"Fuck! Wala na ba kayong naisip na ibang paraan bukod dito?!" inis kong sigaw sa apat na taong nasa harapan ko ngayon.

But they just laughed at me as they covered their mouths and noses with their hands.

"Atleast you're finally free now," nakangising sabi ni Cedric.

"Tsk."

Not totally...dahil hindi magtatagal ay matutuklasan nilang may isang takas na bilanggo.


Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon