CHAPTER 22: Officially Yours

1K 37 2
                                    


Nancy

"Bonbon ko, here's your milk. Dede ka na, baby ko." Isinubo ko sa bibig ni bonbon ang baby's bottle na may lamang gatas. 

Masyado pa kasi siyang baby at kailangan niya pa rin talaga ng gatas. Hindi pa siya p'wede ng kanin o ng dog food dahil baka hindi siya matunawan.

"Ano ba 'yan, ate? Ginawa mo naman baby 'yan, eh aso 'yan, eh," sabi ni Niana habang nagsusulat ng aralin niya sa mesa dito sa sala.

Kami naman ni baby bonbon ko ay naririto sa sofa.

Kaagad kong sinamaan ng tingin si Niana.

"Hindi ito aso! Baby tuta pa 'to!"

"Aso kaya 'yan!" sagot naman ni Nuke.

Aba't itong kambal na 'to. Pinagtutulungan ako, ah!

"Saan ba galing 'yang aso na 'yan? Ba't kailangan sa bote pa ng bata dumede 'yan?" tanong naman ni Papa na nasa kusina at naghuhugas ng mga plato.

"Hindi nga po siya aso! Naman, eh. Hindi pa nga po niya kayang uminom ng gatas sa plato. Tsupon talaga ang gusto niya," nakasimangot kong sagot sa kanila habang yakap-yakap ko ang baby bonbon ko na patuloy sa pagdede niya.

"Ang mahal-mahal pa ng gatas niyang aso na 'yan. P'wede namang kape na lang," sabat din ni Mama mula sa tindahan.

Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Kape?! Ano ba 'yan, Mama? Hindi naman ako papayag na kape ang iinumin niya. Kung may gatas nga lang ako, eh sa akin ko na lang siya pinadede. Saka hindi nga po siya aso! Baby siya, baby tuta! Halika na nga, baby ko. Doon na tayo sa room natin. Pinagtutulungan ka nila. Hindi ako makakapayag na apihin ka nila dito!"

Inis akong tumayo at umakyat ng hagdan habang bitbit ko siya.

"Nababaliw na siguro ang ate niyo," dinig kong sabi ni Papa mula sa ibaba.

"Baka po nahawa na no'ng boyfriend niyang sumusulat," sagot din naman ni Nuke.

"Boyfriend??!!" sabay na sigaw nila Mama at Papa.

"Opo, nabasa po namin 'yong sulat ni kuya Prince. Eto po, oh. Bigay kanina ni kuya Ed."

Namilog bigla ang mga mata ko sa narinig kong iyon. Kaagad ko silang sinilip sa ibaba at nakita kong may iniaabot ng puting sobre si Nuke kay Papa!

"Nukeeee!!!"

Kaagad akong napatakbo paibaba. Kamuntik ko pang mabitawan ang baby bonbon ko!

Nakita kong aabutin na ni Papa ang sobre kaya mabilis ko itong inagaw.

"Boyfriend mo na 'yong lalaking 'yon, Nancy?!" pasigaw na tanong ni Mama mula sa tindahan. Mukha siyang galit. 

Lagot.

"Aba, eh dalaga na talaga ang anak mo, Ka Mayeth, ano? May boyfriend na pala, eh," biglang sabat nang ususerang bumibili sa labas ng tindahan namin.

"Lalaking kaibigan po!" inis kong sagot sa kanila bago ako muling tumakbo paakyat ng hagdan.

"Ipakilala mo sa akin ang lalaki na 'yan, Nancy! Para makilatis ko kung magaling ba 'yan!" sigaw ni Papa mula sa ibaba ngunit hindi ko na siya pinansin pa.

Kaagad kaming pumasok ni bonbon sa silid namin at nagkulong.

                                            February 20, 2017

Mahal kong Prinsesa,

       You know what? In all the world, there's no heart for me like yours. In all the world, there's no love for you like mine.

       I wish I was kissing you, instead of missing you.

       I wish I could show up at your doorstep right now and spend the whole night with you.

      You have no idea how happy I am right now, my Princess forgiving me a chance to show my love for you.

      My promise to you mahal ko, I'll always love you and keep you happy.

                                       Loving you so much,

                                            Prince J

"I'm officially yours now, my Prince."

Napahiga ako habang sapo sa dibdib ko ang letter niya. Hindi mapantayan ang sayang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Sana lang, makita na kita. 

Ang pangarap mo ay pangarap ko din. Ang mahagkan ka at mayakap...nang hindi sa panaginip lang.

Behind Those Sweet Words (Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant