CHAPTER 29: Each other's Arms/WARNING! RATED SPG!

1.6K 47 0
                                    


"Anong sinabi sa 'yo ni Mama at Papa kanina?" tanong ko sa kanya habang nasa biyahe na kami.

Natawa siya kaya napaisip ako na baka may sinabing kalokohan sa kanya si Papa.

"Inom daw kami sabi ni Papa," nakangiti niyang sagot.

Namilog namang bigla ang mga mata ko sa huli niyang sinabi.

Papa?

"Umiinom ka ba?" tanong ko naman sa kanya.

Nagkibit-balikat siya habang tutok ang paningin niya sa unahan at patuloy siya sa pagmamaneho niya.

Gusto ko na siya ngayong umpisahang usisain. Nagkasama man kami noon sa school pero matagal na 'yon. Four years na ang nakalipas at siguradong marami nang nangyari at mga nagbago sa haba ng panahong 'yon sa kanya.

"Nope," sagot niya bago siya saglit na lumingon sa akin.

Napangiti ako habang nakatitig sa kanya.

"Ang goodboy naman ng Prince ko." 

Ngumiti siya bago niya kinuha ang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri.

Hinalik-halikan niya ang kamay ko habang nasa manibela naman ang kaliwa niyang kamay at patuloy sa pagmamaneho.

***
Nakarating kami sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho.

"Kiss ko?" aniya nang akma na akong lalabas ng kotse.

Napahinto naman ako at dahan-dahang humarap sa kanya.

"Aah." 

Muling lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko malaman kung ako ba ang hahalik sa kanya o siya?

Ngunit nanatili lang siyang nakatitig sa akin at tila naghihintay. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya na siyang mas lalong nagppahulog sa akin sa kanya!

Mas lalo akong nafo-fall sa mga ganyan niyang ngiti habang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko ay napigtas na naman ang kaliwang bahagi naman ng panty kong suot.

Tumaas ang pareho niyang kilay na parang sinasabi niyang ano na?

Lumunok ako at dahan-dahan nang lumapit sa kanya. 

Para nang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito! Nangangatal na din pala ang mga kamay ko!

Nang malapit nang lumapat ang mga labi ko sa kanya ay bigla na lamang siyang bumaling sa kaliwa kaya naman ang mga labi ko ay sa pisngi niya lang lumapat.

Napahinto ako at napasimangot sa ginawa niya. Hinampas ko siya sa braso niya at mabilis na tumalikod upang buksan ang pinto ng kotse.

Narinig ko ang pagtawa niya mula sa likuran ko. Ang walanghiya! Tinawanan pa ako!

"Princess," tawag niya kasunod ang paghawak niya sa batok ko at muli akong kinabig paharap sa kanya. 

"Uhmn," napaungol ako sa gulat nang ang mga labi na niya ang sumalubong sa akin at maalab na inangkin ang mga labi ko.

Ginugulat ako ng lalaking 'to!

Hinapit niya pang lalo ang baywang ko at mas inilapit ako sa kanya hanggang sa maglapat na nang tuluyan ang aming mga katawan.

Lumalim ang mga halik niya hanggang sa malapit na akong maubusan ng hangin sa dibdib.

"Uhmm." Lumapat na ang mga palad ko sa dibdib niya upang sana ay itulak siya ngunit kusa na niyang pinaghiwalay ang aming mga labi at sumandal ang noon niya sa aking noo.

Behind Those Sweet Words (Editing)Where stories live. Discover now