CHAPTER 35: Pregnant

1K 40 11
                                    


Third person

"Boss, namatyagan namin noong nakaraang gabi na magkasama ang anak ni Mr. Marcial at si Zorilla.  Paano kapag kumanta ang gagong 'yon?" tanong ng isang lalaking nakaupo sa harapan ng boss nilang nakahiga naman sa isang single bed. 

Minamasahe ng isang babae ang ulo niya, isang babae naman ang sa mga braso niya at isa pang babae sa mga binti niya.

"Siguraduhin niya lang na nasa tono ang pagkanta niya. Dahil kung hindi, baka ihampas ko sa kanya ang mikroponong hawak niya!" sagot niya bago humithit sa hawak niyang tabako. Ibinuga niya ang makapal na usok nito sa mukha ng babaeng nasa ulunan niya na nagmamasahe naman sa sentido niya.

Wala namang nagawa ang babae. Maluwag nitong nilanghap ang usok na nasa harapan niya. Napapangisi-ngisi naman ang lalaki  kaya naman hindi maiwasang kumislap ang isang ngipin nitong yari sa ginto.

Pinagpaplanuhan pa niyang ipaginto na rin lahat ng ngipin niya.

"Tawagin mo silang lahat. May maganda akong plano," utos nito sa lalaking nakaupo sa kanyang harapan. Tumango naman ito at mabilis na lumabas.

Nang makalabas ang lalaki ay bigla niyang dinaklot ang dibdib ng babaeng nagmamasahe ng kanyang mga braso. Nagulat naman ang babae pero wala itong nagawa kundi hayaan ang ulol na lalaki.

"Babae ka ba talaga?" tanong niya sa babaeng dakot-dakot ang kaliwang dibdib. Tumango naman agad ang babae kahit naiilang dahil sa dalawa pang babaeng kasama nila sa loob.

"Eh, bat wala akong mahawakan?" tanong niyang muli sa babae. 

Yumuko na lang ang babae dahil sa hiya.


"Ikaw, lumapit ka dito!" utos niya sa babaeng nagmamasahe naman sa kanyang mga binti. 

Agad namang tumalima ang babae at lumapit sa kanya sa kaliwang bahagi. Agad niyang dinakot ang kanang dibdib ng babae at pinisil-pisil.

"Dapat ganito!  Malusog!" aniya sa babaeng walang dibdib.

Ngiting-ngiti naman ang babaeng malusog ang dibdib.

"Anong pills ang iniinom mo?" tanong niya sa babaeng malusog ang dibdib.
Bigla namang napasimangot ang babae sa tinuran ng lalaki. Sasagot na sana siya nang pumasok na ang mga kalalakihan sa loob ng silid.

Mga nasa sampu ka-tao sila at medyo napanganga sila nang maaktuhan nila ang boss nilang nakadakot pa din sa magkabilang dibdib ng dalawang babaeng nasa magkabilang bahagi nito. At hanggang ngayon ay pinipisil-pisil pa rin.

"Sana all," bulong ng dalawang lalaking tauhan.

Maya-maya ay binitawan na rin nito ang dibdib ng dalawang babae nang magsawa na.

"Okay, makinig kayo sa 'kin. Ganito ang plano. Dzhhzjzvzbzlznbzbzjsnszhzhsmsksb. Tjshhsbsjsjdbbwjsnsnbsvsjjsbs. Tbsbsjsjsbsbsgsmsmsvvsvs. Psbsbgsgsgsmsms svvsvszh. Nabzhgahajsjsnsnbsvwvs," mahabang paliwanag niya sa mga ito. 

Tumango-tango naman ang sampung kalalakihan.

"Maliwanag?!" tanong ng boss.

"Yes, boss!" sagot ng mga asungot.

"Oh, ano nga ulit 'yong sinabi ko?!" tanong niya sa mga asungot kung talagang naliwanagan ba.

"Dzhhzjzvzbzlznbzbzjsnszhzhsmsksb! Tjshhsbsjsjdbbwjsnsnbsvsjjsbs. Tbsbsjsjsbsbsgsmsmsmsvvsvs. Psbsbgsgsgsmsms svvsvszh. Nabzhgahajsjsnsnbsvwvs!" mahabang sagot din ng mga boplaks.

"Sige! Humayo na kayo at magpakarami!" sigaw niya sa mga tauhan at muling dumakot sa dibdib ng dalawang babaeng ang isa ay walang dibdib. Ang isa naman ay malusog.

Pero nagtaka siya nang makitang hindi pa rin lumalabas ang mga asungot at nakatingin sa mga babaeng kasama niya.

"Oh, ano pang tinatanga-tanga niyo dyan?! Kilos na!" sigaw niyang muli sa mga asungot.

"Eh, b-boss paano kami magpaparami sa l-labas? P-Pwede na siguro dito," sagot ng isang lalaki sa kanya.

Nangunot naman ang noo ng boss nila at nagtaka. Pero nakuha din naman ang ibig nitong sabihin.

"Tarantado! Doon marami sa labas!" sigaw niyang muli at akmang kukunin ang baril niyang nakapatong sa gilid ng mesa. Agad namang nagpulasan ang mga alagad niya palabas ng silid.

"Hubad!" utos niya sa mga babaeng kasama niya. 

Mabilis naman ang mga itong sumunod, at sinunod din ang lahat nang ipagawa ng ulol na lalaking may ginintuang ngipin.

***
Nancy

"Tara na, beb! 'Di ka pa ba tapos dyan?!" dinig kong sigaw ni Zyra sa labas ng pinto.

Naririto ako ngayon sa loob ng cr sa locker room at walang tigil sa kaduduwal. Ano bang nangyayari sa akin? Lugaw na nga lang halos ang kinain ko kanina dahil hirap na hirap akong ngumuya ng kanin, pero isinuka ko pa.

"M-Malapit na," nahihirapan ko namang sagot kay Zyra. Nilakasan ko ang pagkakabukas ng gripo para umingay ang buhos ng tubig at hindi niya marinig ang pagduduwal ko.

"Ang tagal mo! Iba na yata ang ginagawa mo dyan! Huwag kang magsarili dyan!" sigaw naman niyang muli mula sa labas.

Namilog namang bigla ang aking mga mata. Sira-ulo talaga.

Hindi na rin ako nagtagal pa sa banyo. Kaagad na rin akong lumabas.

"Oh, nakaraos?" mapanuksong tanong ni Zyra sa akin. 

Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit tinawanan niya lang ako.

"Baliw." Dinampot ko na ang bag ko.

"Bakit ba parang ang tamlay-tamlay mo nitong mga nakaraang araw? May sakit ka ba?" Bigla niyang inilapat ang kamay niya sa leeg ko at noo ko.

"Wala." Nauna na akong maglakad sa kanya patungo sa pinto. Ramdam ko ang pagtitig niya sa 'kin.

"Beb?" tawag niya mula sa likuran ko.

"Oh?" sagot ko naman nang hindi siya nililingon. Hawak ko na ang seradura ng pinto at handa nang buksan nang muli siyang magsalita.

"Buntis ka ba?"

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at hindi nakagalaw.

A-Ano? B-Buntis ako?

Bigla na lamang lumakas ang kabog ng dibdib ko. 

Buntis ako... Buntis nga ba ako?

Naghalo-halong bigla ang nararamdaman ko ngayon. Nagsimulang umagos ang mga luha ko sa pisngi. Basta ang alam ko lang ngayon...

Gustong-gusto ko na siyang makita.

Mahal kong Prinsipe.

Behind Those Sweet Words (Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora