CHAPTER 36: Plans

1K 36 3
                                    


"Sasamahan kita magpa-checkup bukas, ha. Huwag ka na munang pumasok. Makakasama sa baby 'yan. Kailangan mong magpahinga," ani Zyra habang nasa likod ko siya at nakayakap sa baywang ko. Naglalakad na kami nang dahan-dahan lang dito sa labas ng restaurant.

Tumango naman ako sa kanya at wala sa sariling napahawak sa tiyan kong impis pa naman.

Ibang saya ang nararamdaman ko ngayon. Kahit hindi pa naman sigurado na buntis ako, pero alam ko sa sarili ko. Nararamdaman kong may buhay na sanggol na ngayon sa loob ng sinapupunan ko.

Baby ko.

Mas lalo akong nag-asam na makita kaagad ang ama ng baby na nasa loob ko.
Kailangan ko na siyang makita sa lalong madaling panahon.

Kailangan ka namin ng magiging anak natin, Mahal na Prinsipe.

Ramdam ko ang paghagod ng mga palad ni Zyra sa aking likod. Umiiyak na naman pala ako. Lately, masyado na akong nagiging iyakin. Nakakainis!

"Let's go," aniya kasabay nang paghila na niya sa akin. 

Naglakad kami patungo sa kanto kung saan naroroon ang sakayan ng jeep pauwi sa amin. Malapit-lapit lang naman dito sa restaurant ang kanto na 'yon.

Sumilip ako sa wristwatch ko. Alas 8 na ng gabi ngayon. Pang-araw na naman kasi ang schedule namin sa resto kaya pahirapan na naman ang sakayan sa gabi sa tuwing uuwi.

Mangilan-ngilan lang ang taong naglalakad dito sa gawi namin. Medyo malapit na kami sa kanto nang may biglang humintong itim na van sa aming harapan.

Napaurong kaming dalawa ni Zyra habang yakap niya ako. May bumabang apat na lalaking puro mga naka-itim na suot at may itim na bonnet sa mukha. Natatakpan ang mukha nila kaya hindi namin sila makilala.

Agad akong binalot ng takot at kaba. "S-Sino kayo?"

"Beb, halika na." Tatakbo na sana kami ni Zyra nang mahagip ng isang lalaki ang kanang braso ko. Hinaklit niya ako at kamuntik na akong masubsob sa kanya.

"Bitawan mo 'ko! Bitawan mo 'ko!"

"Beb! Nancy! Nancy!" paulit-ulit na sigaw ni Zyra. "Nanc-uggh!"

"Zyra!" Napalingon ako sa kanya at naaktuhan ko ang pagbuhat sa kanya ng isang lalaki. Parang nawalan siyang bigla ng malay. "Bitawan mo 'ko! Zyra!" Patuloy ako sa pamimiglas, ngunit bigla na lamang may tumakip na panyo sa ilong ko na may nakakasulasok na amoy.

Nahilo akong bigla at umikot ang paligid ko. Bago ako tuluyang bumagsak ay nakita ko pang sinikmuraan ng isang lalaki si Zyra at pilit ding isinakay sa van.

Nakaramdam ako ng pananakit ng puson, bago tuluyang nagdilim ang aking paningin.

***
Johannes

"Dayshift siya, eh. Kanina pa siya nakauwi kasama si Zyra, 'yong best friend niya," sagot sa akin ng isa sa mga kasamahan sa trabaho ni Nancy dito sa restaurant.


Napakunot naman ang noo ko.

Magto-two hours na kasi akong nakatambay dito sa labas at ni anino ni Nancy sa loob ng restaurant ay hindi ko nakikita. Hindi na ako mapakali kaya naman napilitan na akong pumasok at magtanong dito sa counter.

Ayoko sanang magpakita sa kahit na sino dahil ayokong makilala nila ako. Alam ko naman na lumabas na sa television at kumalat na sa mga diyaryo ang ginawa kong pagtakas sa kulungan.

Si Nancy lang naman ang iniisip ko. Ayokong mapahiya siya sa tao lalo na sa pamilya at mga kaibigan niya kapag nalaman nilang takas sa bilangguan ang boyfriend niya.

"Ganun ba? Sige, salamat." Tumalikod na rin ako at lumabas ng restaurant. Mabilis kong kinapa sa tainga ko ang headset na suot ko.

"Sea Call," tawag ko kay Cail sa kabilang line.

"10-18," sagot din naman niya sa kalmadong tinig.

"C-Can you contact Mr. Hernandez? Ask him if Nancy's already home," ani ko sa kanya.

"QRX. Give me a minute." Bigla siyang nawala sa kabilang linya. Kakaiba ang kutob ko ngayon at hindi ko maiwasang kabahan.

Agad na akong nagdiretso sa kotse ko at pinaandar ito.

Malapit na ako sa kanto na lilikuan ko nang may matanawan akong ilang kabataan sa gilid ng kalye. May pinagkakaguluhan sila doon. Nangunot ang aking noo nang matanaw ko ang bagay na pinag-aagawan nila. Mga bag?

Pamilyar sa akin ang isa sa mga bag na 'yon.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Inihinto ko ang sasakyan at mabilis na bumaba. Malakas kong inagaw sa kanila ang pamilyar na bag at nakuha ko naman ito kaagad.

Nagulat ang mga bata at nagtakbuhan palayo. Nabitawan din nila ang isa pang bag.

"Sea Bridge." 

May narinig akong boses sa kabilang linya pero hindi ko napagtuunan ng pansin. Binalot ako ng sobra-sobrang kaba nang makilala ko na ang bag. Nancy...

"Sea Bridge, are you there?" tinig muli ni Lyka.

"Calling the attention of you guys... I need all of you here. Return to base immediately. This is a serious matter," muling saad ni Lyka sa kabilang linya.

"10-4" sabay-sabay naman naming sagot.

Mabilis kong dinampot ang isa pang bag na malamang ay pag-aari ni Zyra.

Pinatakbo ko nang mabilis ang kotse ko hanggang sa makarating ng safe house.

"Cail." Kaagad akong lumapit sa kanya. Naririto na rin silang lahat.

"Hawak nila si Nancy," kalmado naman niyang sagot sa akin, na siyang ikinahinto ko.

Alam na rin nila?

"They probably already know that you are here with us. That's why they are now moving," turan ni Cedric.

"What are we gonna do now?!" Hindi ko na mapigilan pang mag-panic. Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko. Bakit ba na-late ako kanina nang dating?!

Sinusubaybayan namin kanina si Colton sa isang casino. Ang hindi namin alam ay gumagawa na pala siya ng action sa kabila nang pagiging kalmado at paglalaro niya.

Hindi namin naisip na maaaring kumikilos na ang mga bata niya noong mga oras na 'yon. At hindi ko akalaing gagamitin niyang pain si Nancy.

"Relax," sagot sa akin ni Cedric.

"How?! How can I fucking relax when I know my girl is in danger!" nanggagalaiti ko nang tanong sa kanila.

"Na-track na namin ang location nila." 

Napalingon ako kay Ghian na nakaharap sa mga monitor.

"Sa isang abandoned factory sa Tanyag Taguig. Dating BCC Corporation o pagawaan ng mga lata," paliwanag ni Jett na nakatutok din sa monitor.

"How did you know this?" nagtataka kong tanong sa kanila? Tinawagan ba sila ni Colton?

"Colton called us. Wala kang contacts at alam nilang narito ka. They may already know that you are with us now, and you can tell us some information about them. So, they have to kill you... And they made Nancy their bait for you to give up," paliwanag ni Erhwin.

"We have plans, Johannes," ani Cail na siyang ikinalingon ko sa kanya. "Please, get inside now. We need to have a serious conversation." Binigyan niya ako ng seryosong tingin bago pumasok sa isang silid. 

Napabuga ako ng malakas na hangin bago sumunod sa kanya. 

Malaki ang tiwala ko sa kanya na maililigtas namin si Nancy ko.

Hintayin mo ko, Mahal kong Prinsesa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon