CHAPTER 31: Accusation

1K 37 3
                                    


Johannes

What the hell is he doing here?

Colton!

Nagulat ako nang abutan ko siyang pasakay na ng kanyang sasakyan. Kabababa ko pa lang ng kotseng dala ko na pagmamay-ari ni Cedric, na ibinigay na niya sa akin.

Nadaanan pa ako ng kotse ni Colton at nakangisi pa siya sa akin habang siya ay papalayo na. Hahabulin ko sana siya pero nakita ko si Nancy na palabas na ng restaurant dala ang kanyang bag.

Bakit ang aga niya yatang umuwi ngayon?

Mahigit dalawang oras pa lang akong nakakaalis. Bumalik agad ako para bantayan siya magdamag.

Gabi-gabi ko siyang binabantayan mula dito sa labas ng resto nang hindi niya nalalaman. Gusto ko siyang panoorin sa lahat nang mga ginagawa niya. Gusto kong makasama siya araw-araw, kahit sa malayo ko lang siya napagmamasdan. At gusto kong maging safe siya kapag nasa trabaho dahil narito ako. Mababantayan ko siya at mapoprotektahan dahil apat na taon akong nawala at nalayo sa kanya.

Binigyan pa niya ako ng pagkakataon na makasama siya at ipakita sa kanya ang pagmamahal ko na kahit hanggang kamatayan ay dadalhin ko.

Aminado akong wala akong kasiguraduhan sa buhay ko ngayon, kaya naman pinipili ko na lang na makasama siya sa lahat ng oras.

Sinusulit ko na ang lahat ng panahong natitira sa akin. Dahil maaaring ngayon ay alam na ng mga awtoridad na nawawala ako sa selda ko. Imposibleng hindi dahil isang buwan na rin akong nasa labas.

At baka sa ngayon ay pinaghahahanap na nila ako. At hindi malayong malalaman din ng mga magulang ni Nancy ang buhay ko at pinanggalingan ko.

Sinalubong ko si Nancy nang makita kong nakalabas na siya. Nakita niya rin naman ako at agad lumapit sa akin. 

Ngunit bigla na lamang dumapo ng malakas ang palad niya sa pisngi ko. Fuck! Sinampal niya ako.

Napabaling sa kanang bahagi ang mukha ko dahil sa lakas nito. Namanhid ang kaliwa kong pisngi. Dahan-dahan kong ibinalik ang aking mukha at ibinaling muli sa kanya.

Nangunot ang noo ko at nahabag ang loob ko nang makita kong umiiyak siya. Lumuluha ang prinsesa ko!

"T-Totoo ba? ... Totoo ba?" bulong niya na halos hindi ko na marinig.

Ganun na lamang ang pagkabog ng dibdib ko. Sinabi na ba ni Colton sa kanya ang tungkol sa totoo kong pagkatao?

Hindi ako nakasagot. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"N-Nancy..." Tinangka kong lapitan siya, ngunit ganito pala ka-sakit sa dibdib na makitang lumalayo ang babaeng mahal ko mula sa akin.

"Magsalita ka! Sumagot ka! Sabihin mo sa 'kin ang totoo!" sigaw na niya. Lumapit siya sa akin at pinagsusuntok ako sa dibdib.

Hinayaan ko lang siya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Nasaktan ko siya.

"All this time, niloloko mo lang pala ako! Pinaniwala mo lang ako sa lahat ng mga kasinungalingan mo! Sarili mo lang ang iniisip mo!" 

Hinawakan ko siya sa magkabila niyang braso ngunit itinulak niya 'ko.

"Huwag mo 'kong hawakan! ... Isa kang kriminal... Isa kang kriminal!" Dinuro-duro niya 'ko habang patuloy siya sa pag-iyak.

Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan lang siya, pagmasdan siya at hayaan siyang husgahan ako.

"Ikaw... Ikaw ang pumatay ... s-sa ama ni Cail? Ang babaeng itinuturing ko ng kapatid! ... Mamamatay tao ka... Bumalik ka na sa pinanggalingan mo at huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa 'kin kahit kelan! Pinagsisisihan kong nakilala pa kita! Hindi ko kayang magmahal ng lalaking mamamatay tao." Iyon lang at tinalikuran na niya 'ko.

Pakiramdam ko ay bilyon-bilyong pana ang tumama sa dibdib ko. Napaluhod ako nang hindi ko namamalayan. Nanghina ang buo kong katawan.

Alam ko naman na darating ang panahong ito. Hindi ko lang napaghandaan na ganito pala ka-sakit. Pakiramdam ko ay higit pa sa namatay ang katawan ko at buong pagkatao ko.

Hindi na ako nakakilos pa sa kinaluluhuran ko. Umagos ang masagana kong luha sa aking pisngi.

Naramdaman ko na lamang ang pagtapik ng isang kamay sa kaliwa kong balikat.

"Let's go." Boses ni Zhujhen mula sa aking likuran.

"Okay lang 'yan. May mas importante pa tayong gagawin sa ngayon. Saka ka na lang bumawi." Tinig naman 'yon  ni Cedric.

Tumayo na ako at nagsimulang sumunod sa kanila.

Pagbabayaran mo 'to ng malaki, Colton!

Susundan kita hanggang sa hukay mo!

Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon