CHAPTER 28: Blank

1.1K 39 0
                                    

"Good morning!" masayang bati ko sa umagang kay ganda kasabay nang pag-inat ng mga braso at mga hita ko.

Kay ganda talaga ng gising ko sa umagang ito!

"Good morning, Bonbon ko!" bati ko rin kay Bonbon na kay ganda rin nang pagkakahilata sa paanan ko.

Kaagad namang kumawag-kawag ang buntot niya at dinilaan ang mga paa ko!

Napakagaling naman talaga ng asong 'to, eh. Pakama-kama pa ng higaan.

Maghapon akong masaya at nakangiti. Mamayang gabi pa ang pasok ko kaya nagpahila-hilata na lang muna ako buong maghapon.

"Anong nangyari sa inyo kagabi, Nancy? Saan kayo pumunta?" tanong ni mama na ngayon ay nasa loob ng tindahan. Ako naman ay nakahilata sa sofa habang nanonood ng korean novela sa t.v.

Sasabihin ko ba?

"Ahm ... Ma. Nagkita na po kami kagabi ni Prince ko," sagot ko bago ako nanahimik at pinakiramdaman ang magiging reaksiyon niya.

"Sinong Prince? 'Yong sumusulat sa 'yo?"

"Opo, Ma."

Alam naman na nila 'yon at alam rin nila na three years na kaming nagsusulatan no'n.

"Oh, eh sino nga ba siya? Kilala mo ba?"

"Yes, Ma! Siya 'yong nag-iisang crush ko noong high school and college! Humayghad, Mama! Mas lalo siyang pumogi! Emegesh!"

Hindi ko na napigilan pa ang magtatalon sa ibabaw ng sofa dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko! Lalo na nang maalala ko ang nangyaring date namin kagabi at ang mga halik niya! ANG SARAAAPPP!!!

Para akong nasa heaven!!!

"Landi mo, Nancy! Umayos ka nga!" sagot naman ni Mama mula sa loob ng tindahan. Hindi naman siya mukhang galit.

"Megesh, Mama, na-shock talaga ako kagabi! Never ko in-expect na siya 'yon! Meyged! Kinikilig pa rin ak--ARAY! Aaaww!" daing ko nang bigla na lamang akong nahulog sa sahig mula sa sofa at tumama ng malakas ang balakang ko!

"Ano bang kaingayan 'yan, Nancy? Abot sa kapitbahay," ani Papa naman na bigla na lamang pumasok sa pinto mula sa labas.

"Yang anak mo, mag-aasawa na," kaagad namang sagot ni Mama sa kanya.

Iika-ika akong tumayo at muling bumalik sa sofa.

Teka, asawa agad?

"Sino 'yong malas na lalaki?"

Kaagad akong napasimangot sa tanong na iyon ni Papa na ngayon ay pumapasok na sa loob ng tindahan.

"Isang marlboro light nga ako d'yan, mahal," ungot niya na naman kay Mama. Mahal?

"Tumigil-tigil ka, Narciso! Wala na akong kinikita sa kakasigarilyo mo, sunog pa ang baga mo!" sigaw ni Mama sa kanya.

"Ito naman eh, isa lang naman. Ipagkakait pa," ungot pa din ni Papa sa kanya.

Pinili ko ang hindi na umimik at pinakinggan na lamang sila.

Nakakatuwa pa rin ang lambingan nila hanggang sa ngayon kahit matatanda na sila.

Haay ... sana gan'yan din kami ng mahal kong prinsipe pagtanda namin.

***
Pagsapit ng hapon ay kaagad na akong nag-asikaso ng sarili ko para sa pagpasok ko sa trabaho.

"Ate, and'yan na boypren mo!!" sabay na sigaw ng dalawa kong kapatid na kambal na nalingunan kong nakasilip sa akin mula sa pinto ng silid ko.

Kaagad namang namilog ang mga mata ko sa sinabi nila.

Boyfriend?!

Mabilis akong lumabas ng silid at sumilip sa ibaba mula dito sa hagdan. At gano'n na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang matanaw ko nga sa ibaba si Johannes na ngayon ay kausap na nila Mama at Papa!

Tumakbo din paibaba si Bonbon at nauna pa talaga siya sa akin!

Muli akong bumalik sa silid ko at muli ring humarap sa salamin. Pinakaayos-ayos kong mabuti ang buhok ko. Nagpabango ako ng marami. Nag-lipstick ng bongga kaso baka mabura din ito mamaya. My God!

Relax, Nancy!

Inhale! Exhale!

Hinga ng malalim.

Okay na.

Kinuha ko na ang bag ko at pakembot-kembot akong lumabas ng k'warto at bumaba sa hagdan.

Sana hindi ako madapa!

Pagdating ko sa ibaba ay kaagad namang lumingon sa akin si Johannes habang may ngiti sa mga labi niya. Pansin ko ang pagkakatitig niya sa akin at paghangang nababasa ko sa mga mata niya.

My God! Napigtas ang garter ng panty ko!

Kinapa ko sa gilid ng hips ko ang garter ng panty ko dahil baka malaglag. Literal kasing napigtas.

"Oh, anong nangyari sa 'yo? Masakit pa ba ang balakang mo?" tanong ni mama habang nakatitig sa akin.

Kaagad namang namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Huh? Why? May nangyari ba sa 'yo?" tanong naman ng mahal ko at nakitaan ko siya kaagad nang pag-aalala sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Eh, kanina kasi talon ng talon 'yan d'yan sa sofa. Kinikilig habang nagkukwento ng tungkol sa--"

"Tara na, dali! Bye, Ma, Pa! Aalis na po kami!" kaagad kong putol sa sinasabi ni Mama kasabay nang mabilis kong paghila palabas kay Johannes.

God! Si Mama talaga! Ang daldal!

"Sinong kinikilig?" dinig kong tanong ni Johannes mula sa likod ko habang patuloy ko pa ring hinihila ang kamay niyang ngayon ay nakahawak na rin sa akin.

Nakikinita-kinita ko na ang pagngisi niya mula sa likuran ko.

"Si Bonbon, kinikilig. Hmp!" sagot ko bago ko siya sinamaan ng tingin at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Napansin ko naman ang kotse niyang ginamit din namin kagabi na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Lumawak naman ang pagkakangisi niya habang ipinagbubukas na niya ako ng pinto ng kotse niya kaya't napairap na lang ako sa hangin.

Bago naman ako tuluyang nakapasok sa loob ng kotse ay 'di sinasadyang napatanaw ako sa balcony ng second floor ng bahay nila Chris.

Natanaw ko siya doon habang nakaangkla ang mga braso niya sa railings ng balcony at nakatanaw din sa amin. Blangko ang mukha niya at tila walang buhay ang mga mata niya.

Napakunot naman ang noo ko.

Hindi ba siya papasok? Bakit nakapambahay pa rin siya? 'Di kaya may sakit siya?

Hmp! Bahala nga siya.

Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon