CHAPTER 19: Slum book

1K 35 0
                                    


                                              December 12, 2016

Mahal na Prinsipe,

        Alam mo bang para kang piece of puzzle, ang hirap mong hanapin. Pinahihirapan mo 'ko, mahal na prinsipe. :(

         Bad ka. :(

        Paano tayo mabubuo, kung ikaw mismo ang nagtatago? :(

       Okay, ganito na lang. Para naman may idea ako kahit kaunti about sa 'yo. Kailangan mo itong fill up-an. Hindi p'wedeng hindi.

Name:
Nickname:
Birthdate:
Birthplace:
Age:
Gender:
Address:
Cellphone#:
Telephone#:
School:
Fav color:
Fav song:
Fav food:
Fav tambayan:
Hobbies:
Talent:
Work:
Student:
Describe yourself
Style of hair:
Color of hair:
Shape of eyes:
Color of eyes:
Eyebrows:
Nose:
Lips:
Skin:
Height:
Weight:
Abs, ilan?:

Dedicated song for me:

Quotes for me:

      Sagutin mo 'yan lahat, ha! 'Pag hindi, kalimutan mo na 'ko! :(

Ps:

Wrong answer, wrong!
Wrong spelling, wrong!

Waiting,

                                                  Nancy

Prince J

I couldn't help but laugh after I read her letter. What the fuck is this? A slum book?

Pero sige ... ayoko rin naman na nahihirapan ka, eh.

Hindi niya naman siguro ako makikilala kung i-describe ko ang sarili ko, 'di ba? Parang hangin nga lang ako sa kan'ya during the school year. Doesn't exist in her world.

But not now...

I just smiled before I started answering her letter.

Nancy

                                              December 18, 2016

Mahal kong Prinsesa,

       Alam mo bang gusto kong bumili ng maraming orasan? Gusto ko na kasing higitin ang oras para dumating na ang panahong makakasama na kita at hindi na maghihiwalay pa.

      Wag ka na magtampo, mahal ko. Ito na nga, sasagutin ko na ang makulit mong slumbook.

Name: Prince J

Nickname: J

Birthdate: June 28, 1995

Birthplace: North Luzon

Age: 22

Gender: Poging Alien

Address: Alabang

Cellphone#: 09143143143

Telephone#: 143143

School: RTU

Fav color: brown

Fav song: I've been waiting for you

Fav food: Bolate

Fav tambayan: Sa puso mo

Hobbies: Titigan ka

Talent: Pakiligin ka

Work: Mahalin ka

Student: Done pag-aralan ka

Describe yourself:

Style of hair: My bangs

Color of hair: Black

Shape of eyes: Tsinito para wala nang makitang iba, as 'yo lang titingin

Color of eyes: Brown

Eyebrows: Thick

Nose: Pointed

Lips: Kissable for you only

Skin: Light

Height: 6'1 papantay pa rin naman

Weight: Sakto lang, 'yong mabubuhat mo pa.

Abs, ilan?: Gusto ko, ikaw ang bibilang.

Dedicated song for me: I've been waiting for you by guy's next door

Dedicated word for me:

       Marami. Masyadong mahaba kaya hindi ko na isusulat pa. Lahat ng words kasi ay hindi ka na kayang i-describe. Nasa 'yo na kasi ang lahat, wala na akong hahanapin pa.

                                              Crazy for you,

                                                Prince J

RTU?! 

Eh, school ko din 'yon, ah!

Prince J...kaenes! Hindi sinabi ang real name! Oh, baka prince talaga ang name niya. Eh, wala namang surname. Paano ko mahahanap 'yon?

Taga Alabang, walang complete address!

Contact number 143?!

Pagkain niya bolate? Kinakain ng poging alien? Bolate pala ang pagkain ng alien?

Galing naman ng tambayan niya hobbies, talent, work. Puro ako! Titigan ako?

Kung sa RTU siya nag-aaral, so ibig sabihin nagkakasama kami sa school. Nagkikita araw-araw.

May bangs? Ano siya, koreano? Black hair. Tsinito. Pointed nose. Kissable lips. Light skin. 6'1? Ang tangkad!

"Bakit parang ang perfect naman nang description niya? Hmnn...Parang crush ko lang no'ng high school. Humaygash! Naalala ko siya!"

Nag-iisang crush ko siya noong high school hanggang sa college. Ang kaso sobrang tahimik niya. Parang hindi makabasag-baso kaya nag-aalangan akong lapitan siya. Parang mabobokya ako sa kanya, eh. Nakakahiya lang.

'Asan na kaya 'yon ngayon?

Wala na akong naging balita pa sa kanya, eh. 'Ni hindi ko nga 'yon nakitang nag-graduate. Bigla na lang nawala.

Ano kayang nangyari sa kan'ya?

Haayst! Bakit ba siya ang iniisip ko?!

Balik tayo sa mahal kong prinsipe. Nakakainis naman siya, oh. Pa-mysterious ekek pa siya. Pinahihirapan talaga ang prinsesa niya!

Makita lang kita, lagot ka talaga sa 'kin!

Behind Those Sweet Words (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon