Chapter 6: Happiest Man

1.2K 40 3
                                    


Sinubukan ko siyang reply-an. Gumawa din ako ng liham.

                                                                                                                                                        March 10, 2016


Prinsipeng kwago,

          Alam mo din bang para kang hangin? Nararamdaman ko lang pero hindi nasisilayan. 

Huwag kang magtago sa dilim, kung ayaw mong ika'y aking patayin. Huwag mo 'kong pagtripan, kung ayaw mong ika'y aking mabigwasan!

Ang dami mong drama sa buhay, lumapit ka sa akin at ako ang gagabay. Dadalhin kita sa iyong hukay, dahil doon ka nababagay!

Sa oras na ika'y aking makita, ihanda mo na ang iyong mata. Dudukutin ko 'yang parang bola at ipapakain ko sa baka!

Huwag mo 'kong stalk-in, baka ika'y aking suntukin. Hindi ka sasantuhin ng aking brasong patpatin! Beng!


                                                                                                                                                   Ang iyong kalaban,

                                                                                                                                                   Walang pangalan



Hmp! Siguro naman matatakot na siya sa akin, no! Hihihi.

PRINCE J

Natawa na lang ako nang ma-recieve ko ang sagot niya sa mga ipinadala kong liham. Sobrang saya ko dahil napansin na niya ako. Akala ko pa nga ay hindi niya natatanggap.

I didn't expect her to be able to write rhyme either. Ang ganda nang pagkakasulat. Though, napapasama din naman talaga siya sa top list when we were still in high school.

Palagi ko lang siyang pinagmamasdan noon. She's so damn beautiful, so sweet, especially to her friends. Laging nakangiti. She looks like an angel to me.

Pero wala akong lakas ng loob na lumapit sa kanya. Sinusubukan ko pa lang, pinanghihinaan na ako ng loob. Ano pa kaya ngayon?

Kaya wala akong ibang choice kundi ang idaan na lang sa liham ang damdamin ko para sa kanya at umaasam na kahit dito lang ay mapansin niya ako. And I didn't expect that God would still have a miracle and have mercy on me 'cause He heard my prayers.

Many thanks to God.

Napahinga na lang ako ng malalim. Itinupi ko na ang liham niya na puro pananakot kahit hindi naman bagay sa kanya. Natawa na lang akong muli.

Did she really write it?

What the hell can her petit body do? Eh, kayang kaya ko nga siyang buhatin gamit lang ang isa kong kamay.

Tsk. Sana ay mayakap at mahalikan kita balang-araw. Pero sana matanggap mo 'ko kahit ano pa ang nakaraan ko.

I'll keep your letter at sana ay may kasunod pa ito. Kahit anong pananakot pa ang sabihin mo, tatanggapin ko. Basta alam kong galing sa 'yo. I'm already the happiest man in this world.

Behind Those Sweet Words (Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora