CHAPTER 12: Mahal ko

1.1K 31 0
                                    


APRIL 19, 2016

"Bitbitin mo na kasi 'to!" Bryan

"Akina nga!" Chris

"Huwag nga kayong maingay!" Tiffany

Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil sa kaingayan ng mga kasama ko. Ang gugulo talaga nila! Nakakahiya sa pamilya ni Cail, lalo na sa mama nila.

May mga bitbit kasi silang pagkain. Mas marami ang bitbit ni Bryan. Kawawa naman.

Maglalatag kami ng banig at ihahain ang mga niluto ni tita kaninang umaga. Kami naman ay may mga bitbit na bulaklak at kandila.

Narito kami ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang papa nila Caithy at Cail. Narito rin ang kuya Lhiu Rhill nilang pogi, na kanina lang umaga dumating. Kasama din nito ang girlfriend nitong laging nakakapit sa kanya. Clingy lang?

Subukan mong bitawan 'yan, aagawin ko 'yan. Charot lang. 

Nag-umpisa na kaming maglatag sa lugar na ilang distansiya lang ang layo mula sa libingan ni tito habang sila naman na pamilya ay lumapit sa puntod at nagsindi ng kandila. Naglagay rin sila ng mga bulaklak at nagdasal ng taimtim.

Tumahimik muna kaming lahat para sa pamilya. Ngayon ang kaarawan ni Cail kasabay ng death anniversary ni tito.

Sumalangit na po ang kanyang kaluluwa niya. Huwag po kayong mag-alala, tito. Narito lang po kaming magkakaibigan para sa pamilya niyong naiwan. Magiging kasama nila kami at karamay hanggang saan namin makakaya. Sana ay masaya na po kayo kung saan man kayo naroroon ngayon.

"Kain na tayo. Kanina pa ako nagugutom," bulong ni Chris mula sa likuran ko.

"Kanina ka pa nga lumalamon, eh. Sa bahay pa lang," bulong din ni Charisma na nasa likuran ko rin.

"Nag-c.r muna ako bago tayo umalis--aray!"

Kaagad akong napalingon sa kanila at naabutan ko ang pambabatok ni Tiffany kay Chris.

"Isa ka ring bastos! Magsama nga kayo ni Bryan," singha ni Tiffany sa kanya.

"Oh, bat naman nadamay na naman ako d'yan?! Nananahimik na nga ako dito, eh," nakanguso namang sagot ni Bryan. Magkatabi sila ni Tiffany sa pagkaka-upo sa bermuda grass.

"Awtsu!" Dumampot ng plastic cup si Tiffany at ipinasok sa loob niyon ang mahabang nguso ni Bryan.

Si Bryan naman ay napatitig bigla sa kanya.

"'Pag hindi ka tumigil, hahalikan talaga kita d'yan." Bryan

"'Eto muna ang halikan mo, bago ang masarap kong labi." Itinaas ni Tiffany ang nakakuyom niyang kamao at ipinakita kay Bryan.

"Ang tagal naman! Halikan mo na agad! 'Di na sinasabi 'yan, ginagawa na lang," bigla namang sumabat si Nash, na lumapit sa akin at sumandal sa tagiliran ko.

Ginagawa talaga nila akong unan! Si Zyra ay nakahiga sa lap ko habang nagdodotdot sa phone niya at itong si Nash naman ay nakasandal sa tagiliran ko. Ang bibigat, ha!

"Umalis ka nga d'yan!" Bigla namang hinila ni Chris si Nash kaya naalis siyang bigla sa tabi ko.

"Awtsuu! Jelly-jelly ka, boy!" pang-aasar ni Nash sa kanya.

"Siya daw kasi ang sasandal. Ahuuu!" pang-aasar din ni Floyd, na ngayon ay lumalantak na nang inihaw na isda!

"Nakita niyo nang ampayat-payat niyan, sasandalan niyo pa," sagot ni Chris, na pansin kong nag-iiwas ng tingin sa akin.

"Whoooaa! Mga dahilan mo, boy!" Humalakhak nang pagkalakas-lakas si Bryan.

Nauwi na naman ang lahat sa maghapong asaran.

Natapos ang bakasyon namin na masaya. Puno nang tawanan, asaran, adventure, swimming sa batis at pagkain ng mga kung ano-anong prutas at gulay sa probinsiya ng Mindoro.

Nakabalik na kaming muli ng Manila.

***

MANILA
April 25, 2016

"Oh, may sulat ka na naman. Nand'yan, nakapatong sa ibabaw ng ref," ani mama pagkababa ko pa lang ng hagdan, matapos kong magpalit ng damit sa k'warto ko sa itaas.

Kararating pa lang namin mula sa Mindoro at ilang minuto pa lang ang naipapahinga ko. Marami kaming dalang gulay at prutas mula sa probinsiya. Tuwang-tuwa naman sila Mama at Papa sa pasalubong ko.

Mabilis akong lumapit sa ref at kaagad kinuha ang liham na sigurado akong sa kanya na naman nanggaling. Hindi pa ako nakakasagot sa liham na pinadala niya noong nakaraan.

                                                    April 20, 2016

Mahal kong Prinsesa,

      Alam mo bang para ka ring hangin? Hindi ako mabubuhay nang wala ka. Dahil sa 'yo, kaya patuloy pa rin akong humihinga.

       Alam mo bang idol ako ni Cardo Dalisay? Sa akin niya kasi natutunan ang patuloy na kumapit at huwag bibitaw, kahit trentang bala pa ang lumitaw, basta ba may nakayakap sa aking IKAW.

Napangiti naman ako sa sinabi niyang 'yon. Aba't nadamay pa si Cardo.

       Alam mo bang para kang rehas? Ikinulong mo nang marahas, ang puso kong ikaw lang ang lakas. Pero sa 'yo lang magmamahal ng WAGAS at kahit kaylan, hindi ko na nanaisin pang lumabas.

      Alam mo bang, lagi ka sa aking panaginip. Dumadalaw sa aking mundong masikip. Niyayakap ako at hinahagkang pilit. Kahit hirap na akong huminga pero ikaw pa rin ang mapilit.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niyang 'yon! Aba't loko 'to, ah! Ako pa ang mapilit?!

       Pero nang oras na ako'y magising, unan ko lang pala ang aking kapiling. Napahiling akong bigla sa mga bituin. Sana ay hindi na lang ako nagising.

      Pero nagpapasalamat pa rin ako, dahil nagising pa rin ako. Alam ko namang may dahilan ang lahat ng ito. At IKAW ang nag-iisang dahilan ng buhay ko. Pakatandaan mo 'yan MAHAL KO.

                                                Prince J

Napahinto ako sa huling talata na iyon.

Mahal ko?

Behind Those Sweet Words (Editing)Where stories live. Discover now