CHAPTER 25: VIP Room

1K 39 1
                                    


Nancy

"Johannes? Sinong Johannes?" tanong ko kay Cail dahil kapangalan niyon 'yong nag-iisang crush ko noon, noong nag-aaral pa ako.

Pero maaaring kapangalan niya lang din naman niya 'yon. Marami din naman siguro ang Johanness sa mundong 'to.

"Kaibigan ko galing sa malayong lugar," sagot naman ni Cail habang patuloy siya sa pagkain niya at parang walang pakialam sa kaibigan niyang naghihintay sa labas.

"Ah, eh baka nagugutom na 'yon. Papasukin mo kaya dito," pangungulit ko pa rin sa kanya.

"Busog pa daw siya." Saglit lamang siyang lumingon sa labas bago muling nagpatuloy sa pagkain niya.

Hinayaan ko na nga lang at hindi na ako nagpumilit pa. Pinili kong maupo sa tabi niya at hinintay siyang matapos sa pagkain. Ang mga alipores naman ay umalis na at bumalik na sa mga kanya-kanya nilang mga trabaho.

"May pasok ka ba bukas?" maya-maya'y tanong niya matapos niyang uminom ng tubig.

"Meron, eh. Bakit?"

"Sama ka sana sa 'kin."

"Huh? Saan naman?" Hindi ko naman inasahan ang sinabi niyang 'yon. Never siyang nagyaya sa kahit anong bagay.

"Gusto daw makita no'ng friend ko si Bonbon. Siya daw ang dating may-ari no'n."

Kaagad namang namilog ang mga mata ko sa sinabi niyang 'yon.

"A-Ano?! H-Huwag niyang sabihing babawiin niya 'yong baby ko?!" 

Kaagad akong nag-panic. Mahal na mahal ko ang baby kong 'yon at hindi na siya p'wede pang bawiin sa akin! Hindi maaari 'yon! Magkakamatayan muna kami!

"Hindi. Nami-miss lang daw niya. Gusto niya lang makita," sagot niya bago siya tumayo. "Una na 'ko. Susunduin kita bukas ng gabi." 

Kaagad na rin niya akong tinalikuran, hindi pa man ako nakakasagot.

Napahabol na lang ako ng tingin sa kanya. 

Bakit parang ang weird niya ngayon?

***

KINABUKASAN

"Oh, wala ka bang pasok ngayon? Bakit hindi ka pa nag-aasikaso?" ani Mama sa akin ni nang makita niyang naririto lang ako sa sofa at nakahiga habang nakatutok sa t.v.

"Wala po, Ma. Hinihintay ko po si Cail. Aalis daw po kami," sagot ko naman nang hindi siya nililingon.

"Aba eh, bakit naman gabi na ang lakad niyo?" muli niyang tanong habang nasa loob siya ng tindahan.

"Hindi ko po alam, eh. Isasama po namin si Bonbon. Gusto daw po makita no'ng dating may-ari."

"Ha? Babawiin na niya ang aso niya?"

"Magandang gabi po."

Magsasalita na sana ako nang may bumati sa labas ng tindahan. 

Kaagad akong napalingon doon nang makilala ko ang tinig ni Cail! Nand'yan na siya!

"Oh, narito na pala ang hinihintay mo, eh. Halika, Iha. Pumasok ka." Kaagad naman siyang pinagbuksan ng pinto ni Mama.

Pagpasok ni Cail ay kaagad siyang nagmano kay Mama. Tumayo na rin ako para salubungin siya.

Saglit akong sumulyap sa wall clock at 7:30 na ng gabi. Gabi pala talaga kami aalis?

Nang lumingon siya sa akin ay napansin ko ang pagbaba ng paningin niya sa suot kong damit. 

"Halika, pasok ka muna. Kumain kaya muna tayo bago tayo umalis," alok ko naman muna sa kanya dahil gabi na rin naman.

Behind Those Sweet Words (Editing)Where stories live. Discover now