CHAPTER 27: Forget Her

1K 40 1
                                    

"For my most beautiful princess," nakangiti niyang sabi habang iniaabot niya sa akin ang mga bulaklak na nakapatong sa mesa.

"Thank you, my Prince," nakangiti ko rin namang sagot sa kanya kasabay nang pagtanggap ko sa mga bulaklak na pakiramdam ko ay kasinggaganda ko. 

Mas lumawak naman ang pagkakangiti niya habang nakatitig sa akin.

Inalalayan niya akong makaupo sa isang silya. Ang isa pang silya ay inilapit niya sa akin bago siya naupo at masaya kaming nagsalo sa pagkain. 

Samantala, si Bonbon ay hindi pa rin mapakali sa panghaharot niya sa amin. Tuwang-tuwa din siyang makita si prince ko at nalaman kong sa kanya pala ito nanggaling!

Ipinadala niya sa akin bilang regalo niya at pansamantala kong makakasama habang hindi pa kami nagkakasama.

Buong oras kaming nakangiti at para bang ayoko nang matapos ang gabi naming ito sa aming dalawa. Nagsubuan kami sa pagkain at nag-share.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya na nag-iisang crush ko noong nag-aaral pa ako ay siya palang magiging boyfriend ko ngayon. At hindi ko pa rin mapaniwalaan na sa liham lang kami nag-umpisa. Sinagot ko siya nang hindi man lang nakikita at hindi nakikilala ang buong pagkatao niya.

Pero wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari at naging desisyon ko. Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Mahal na mahal.

***

Natapos ang gabi naming overload sa sweetness at kilig. Hindi mapantayan ang sayang naramdaman ko sa buong oras na magkasama kami.

Matapos ang dinner namin ay inihatid na niya ako pauwi sa bahay namin, gamit pa rin ang kotse na siyang nagdala sa akin sa restaurant. Pero hindi na namin inabutan pa sa labas si Cail at ang lalaking kasama niya.

Ang sabi ni Johannes ay Cedric daw ang pangalan niyon at kaibigan niya, pati na rin si Cail. Nagtataka lang ako kung paano niya naging kaibigan si Cail. Napakaliit naman ng mundo kung gano'n. 

Marami akong gustong itanong sa kanya pero sa susunod na lamang na araw. Sigurado naman ako na magkikita na kami palagi dahil nandito na siya. 

Tulog na sila Mama at Papa pagdating namin ng bahay kaya hindi na niya nakausap pa ang mga ito. Super late na kasi kaya sa susunod na lang na araw.

"Pasok ka na," aniya ngunit magkahawak pa rin naman ang aming mga kamay at halos hindi na magbitaw.

Parang ayoko na siyang umuwi. Nag-aalala akong baka hindi na naman siya magpakita sa akin. Sapat na 'yong ilang taon naming pagsusulatan at ang gusto ko ay palagi ko na siyang kasama. Mag-uusap kami ng personal at magkaharapan na, para nakikita namin at mas nararamdaman ang pagmamahal namin sa isa't isa.

Imbes na sundin siya ay muli akong lumapit sa kanya at yumakap ng mahigpit.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa at pagyakap din sa akin ng mahigpit. Iniangat niya ang mukha ko hanggang sa magtamang muli ang aming mga mata. Isinumping niya ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga ko bago niya ako tinitigan ng taimtim sa aking mga mata.

"Parang ayaw mo na akong umalis," aniya habang may sinusupil na ngiti sa mga labi niya. "I'll be back tomorrow, I promise."

Muling bumaba ang mukha niya sa akin at masuyong sinakop ng mga labi niya ang mga labi ko.

Mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Ramdam ko sa sarili ko na mami-miss ko siya kaagad. 

Ilang sandaling nagtagal ang halik niya bago niya binitawan ang mga labi ko at ang noo ko naman ang hinagkan.

"Balik ka, ha. Siguraduhin mo." Kumalas na ako mula sa pagkakayakap sa kanya.

"I swear," nakangiti niya namang sagot bago niya tuluyan nang binitawan ang kamay ko.

Napangiti din naman ako sa sinabi niya bago ako tuluyan nang tumalikod at nagtungo na sa pinto ng bahay namin. Si Bonbon naman ay nakasunod sa akin.

Nilingon ko siyang muli at nakita kong nakasandal pa rin siya sa labas ng kotse niya.

"Ingat ka, I love you," sambit ko sa katamtamang lakas ng boses ko na alam kong maririnig niya.

Pansin ko naman ang pagkislap ng mga mata niya habang nakatitig sa akin at paglawak nang pagkakangiti niya.

"I love you more," sagot niya na halos ika-lukso ng puso ko.

My God! Parang gusto kong tumakbo ulit pabalik sa kanya! Pigilan niyo 'ko!

Matinding pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko. Pinilit kong pumasok na sa pinto ng bahay namin at isara ito kaagad. Huwag kang masyadong marupok, Nancy!

Matapos kong i-lock ang pinto ay kaagad na kaming tumakbo ni Bonbon paakyat sa ikalawang palapag ng bahay namin. Halos madapa pa ako sa hagdan lalo't medyo madilim ang paligid!

Pumasok kami sa loob ng silid namin ngunit dire-diretso ako sa bintana upang silipin kung nakaalis na ba si Prince ko o hindi pa. 

Natanaw ko namang paalis na ang sasakyan niya. Haays, nami-miss ko na kaagad siya!

Aalis na sana ako sa tapat ng bintana nang bigla naman akong napatingin sa bahay na nasa kabilang kalye. Napakunot ang noo ko nang matanaw ko si Chris sa balcony ng second floor at mukhang nakatulala sa kawalan.

Teka, bakit nandito siya? Wala ba siyang pasok?

Maya-maya ay nakita ko na rin siyang pumasok sa loob ng bahay nila.

Chris

Parang dinudurog ng husto ang puso ko sa eksenang iyon, na ang nag-iisang babaeng pinag-ukulan ko ng atensiyon at pagmamahal ko sa buong buhay ko ... ay nasa bisig na ng ibang lalaki.

Niyayakap at hinahagkan na ng iba. 

Samantalang ako, matagal na akong nangangarap na mapansin niya kahit man lang kaunti ngunit hindi man lang niya nabigyan ni minsan ng kahit maliit na chance.

Sobrang daya. Sobrang unfair. Ako lang ang nasasaktan habang sila ay masaya.

But that's okay. Makita ko lang siyang masaya, okay na 'ko.

Mas lalo namang ayokong makita siyang nasasaktan. Mas masakit para sa akin 'yon. Kahit ako na lang ang masaktan, huwag lang siya.

Kaagad kong napahid ang butil ng luha na pumatak sa pisngi ko. Tsk. Torpe ka na nga, Chris, bakla pa.

Napahugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. This is probably what they say it's time to stop. 'Cause, there's nothing you can do if her heart is already taken by someone else.

She's already owned by another man.

I took another deep breath and looked up at the sky. Kailangan ko na sigurong tanggapin ang offer sa akin ni tito sa ibang bansa. Makakatulong 'yon sa 'kin para makalimutan ko na siya.

Kalilimutan ko na siya.

Behind Those Sweet Words (Editing)Where stories live. Discover now