Chapter 5

4.9K 293 59
                                    

MEMORIES

Eira Ysabelle's POV

Kasalukuyan akong binibihisan ng mga katulong para sa pagdating ng Prinsipe ng Salem. Hindi ako mapakali sa kakaisip kung sino nga ba ito. Hindi naman ako nababahala sa ugali niya, dahil kung totoo nga na may gusto ang Prinsipeng ito kay Khione ay sigurado akong maganda ang ipapakita nitong ugali. Isa pa, kung kaibigan nga niya ito ay siguradong magkasundo naman sila.

What I was worried about are my actions. I might do some weird or stupid things and embarrass myself in front of him. I must act normal and pretend to be as composed as possible.

"Tingnan po ninyo ang inyong sarili sa harap ng salamin, Prinsesa." Katulad ng sinabi ng katulong ay pumunta ako sa harap ng salamin para makita ang aking sarili pati na rin ang aking bihis ngayon araw.

I am wearing the pastel blue gown which I saved up for today. It has the same design as the one I was wearing yesterday. I also put on some cream-colored heels to match it. My hair was just down on my shoulders, but small flowers were attached to its wavy locks. I look different from how I usually do. I look sophisticated, elegant, and beautiful. I wonder if it's because of Khione's eyes and hair.

"Prinsesa? Tapos na ba ang iyong paghahanda?" Tinig ni Clyde ang naririnig ko mula sa labas ng pinto kaya't malamang ay siya nga ang kumakatok. Binuksan ng isa sa mga katulong na nag-aayos sa akin ang pinto upang papasukin si Clyde habang ang iba naman ay inaayos ang laylayan ng suot ko.

"Salamat." Nginitian lamang ni Clyde ang dalaga at tuluyan nang pumasok ng silid. Ang katulong naman ay namula ang mga pisngi at tumungo nang bahagya. I can understand her. Clyde's voice and smile is really charming.

Inilibot ng guardian ang tingin sa paligid ng aking kwarto. Nakita ko ang bahagyang gulat nang magtama ang aming mga paningin. Mukha ba akong multo? May dumi ba sa mukha ko?

"May mali ba sa ayos ko, Ginoo?" Tila nakawala siya sa isang trance dahil sa tanong ko. Umiling lamang siya at agad niya akong nilapitan.

"Tayo na, prinsesa. Sasabayan na kita sa pagbaba. Naririto na ang Prinsipe ng Salem." Binuksan nito ang pinto at pinauna ako sa paglabas. Nang makarating kami sa hagdan ay inilahad niya ang kamay sa harap ko kaya't tinanggap ko ito nang walang pagdadalawang-isip.

Nang marating namin ang huling hakbang ng hagdan ay kitang-kita ko ang napakagandang chandelier ng palasyo, maging ang magagandang disenyo ng loob nito. Sa gilid ng hagdan ay nakatayo ang aking ama at ina. Kausap nila ang isang lalaking ngayon ko lamang nakita.

Nakasuot siya ng isang kulay puting kapa at mayroong siyang suot na korona. Hindi ito katulad ng korona ng hari, marahil ay pangprinsipe lamang ang koronang nakaputong sa ulo niya. Kulay malamlam na tsokolate ang kanyang mga mata at kung tititigang mabuti ay para bang may kumikinang na mga gintong buhangin sa mga ito. Hindi ko lang alam kung totoo ba 'to o parte lamang ng mapaglaro kong mga mata. Brushed up ang buhok niya kaya maaliwalas tingnan ang kanyang mukha. Wala akong nakikita ni isang pimple o bakas man lang ng dumi sa mukha niya. Matangos din ang ilong niya at mamula-mula ang mga labi. Maganda ang kanyang tindig at maganda ang hubog ng kanyang katawan.

He's like a dream. Kung katulad siguro ako ng ibang babaeng mahilig sa gwapo ay baka nahimatay na ako sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko na namalayan na umalis na pala si Clyde sa tabi ko dahil masyadong nakuha ng lalaking nasa harapan ko ang aking pansin. Nang tumingin siya sa direksyon ko ay nginitian niya lamang ako.

"Ikinagagalak ko na muli kang makita, Khione. Kumusta naman ang iyong pakiramdam?" pagbati niya nang makalapit ako sa kanila.

"Maayos naman ako, salamat. Marami lamang akong nakalimutang pangyayari," sagot ko rito.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon