Chapter 13

1.6K 123 3
                                    

MISSION INCEPTION

Clyde Ignei's POV

Something's not right. My heart is beating rapidly and I wasn't aware of the reason. This only happens when my royal is in danger. Is she in trouble? Come to think of it. She did not bother to eat her dinner after changing her clothes. Was she that tired? But her stamina is already exceptional. A training like that would not affect her that much.

Tumagilid ako sa aking higaan at tumingin sa orasan. It'S five minutes past twelve, for shit's sake. I can't take this anymore. Tumayo ako at lumabas mula sa aking kwarto. Titingnan ko lang naman kung maayos ang kalagayan niya, it won't hurt. Isa pa, alam kong hindi rin naman ako titigilan ng utak ko. My mind is going crazy as time goes by. Hindi naman ito ganito dati.

Isinuot ko ang shirt na suot ko kanina bago lumabas. Ilang steps lang ang nilakad ko at kaharap ko na ang pinto ng kwarto ng babaeng kailangan kong alagaan at ingatan. I can't feel her presence inside. Kumatok ako nang ilang beses ngunit walang sumagot. Lalong lumalakas ang masamang kutob ko. Pinihit ko ang doorknob at tsaka pumasok.

The dark room is filled with silence. There are no traces of Khione inside. There were no creases on her bed even. Where is she?

Tumakbo ako papaakyat sa rooftop dahil iyon lamang ang kanyang paboritong tambayan. Believe it or not, my heart is racing with anxiety as my foot touches every step of the staircase. Please be there. I cannot take it if anything happens to you again. My heart won't be able to take it.

My shoulders dropped instantly when I reached the rooftop. Khione's not here, too. Saan ka na naman ba nagpunta? Bakit hindi na naman kita makita?

I jumped off the rooftop to get down faster. I made a waterbed for me to have a safe landing. Kailangan kong marating ang talon ng Evanea, agad-agad.

"Anong ginagawa mo rito gayong malalim na ang gabi?" Nakasalubong ko si Esquivel na nakikipag-usap sa iba pa niyang kasamahan.

"Nawawala ang prinsesa. Nakita mo ba siya?" Halata ang gulat sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Alam kong ngayon ay may bahid na ng matinding pag-aalala sa mukha ko. Kung nakikita man iyon ni Vel ay alam kong maiintindihan niya dahil naririto siya noong nangyari ang insidenteng iyon. Nasaksihan niya ang mga nangyari sa akin at ang muntik ko nang gawin.

"H-hindi. Hindi siya muling napadpad dito."

"Wala kaya siya sa Evanea?" Mahinahong tanong ko kahit na parang dinadaga na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Umiling lamang ang maliit na nilalang bilang sagot.

Natatakot ako. Natatakot akong malaman na nangyaring muli ang nangyari sa nakaraan.

Hindi ito maaari. Pumikit ako upang hanapin ang koneksyon sa pagitan naming dalawa. I am doing everything I can just to find her. I cannot lose her this time.

Fuck! Bakit ba kasi ang bagal ko? Bakit ba hindi ko siya tiningnan kaagad kanina?

"Clyde!" narinig ko ang boses ni Isaiah kaya't napamulat ako. Siya ang maituturing kong pinakamatalik na kaibigan dito. Siya lamang ang tanging pinakapinagkakatiwalaan ko.

"Masamang balita. Napasok tayo ng mga tauhan ng Coler." Nang marinig ko ang balita niya ay tila nagpantig ang mga tainga ko. Tila ba nawala ako sa huwisyo at namuo ang galit sa aking kalooban. Tumindi rin ang kabang nadarama ko. Sila na naman?

"May mga taong nagtataksil dito sa paaralang ito," seryosong saad ko. Nagpaalam na ako kay Esquivel at sumama pabalik kay Isaiah.

"The broken pieces of the barrier were found in front of the academy's gate," sabi pa niya. Tahimik lamang ako dahil iniisip ko pa rin si Khione.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon