Chapter 47

1K 86 8
                                    

HIRAYA MANAWARI

Clyde Ignei's POV

Immediately after I heard Ysabelle's voice in my mind, I went to Dr. Robert to send her a message. There's no need to be anxious about the thought of her being in danger. When she said that she doesn't need help, I trusted her. I know she can survive. She even told me that she, alone, would save the rulers of Kosmos. Just look how independent she is and how she is coping up quickly in every situation. Tell her the problem and she can find ways to solve it in a blink of an eye. I know she can really save the rulers of Kosmos...and I know she's working on it now. I should be working now, too.

Ibinalik ko ang atensyon sa mga taong kausap ko. Napangiti ako nang mapansin na nagtatalo na naman si Isaiah at si Sandra.

"Sandra, Sandra, digmaan ka ba?" tanong ni Isaiah sa dalaga.

"Shut your mouth up, Isaiah."

"Dali na. Ang KJ naman nito," naka-pout na sabi ng best friend ko kaya napangiwi ako. 'Di bagay.

"Uulitin ko nalang. Sandra, Sandra, Digmaan ka ba?"

Umirap muna ang huli bago sumagot. "O, bakit?"

"Kasi iniisip pa lang kita, kinakabahan na 'ko e," sagot nito at tsaka kinindatan si Sandra. With just that, I found everyone laughing at Isaiah's cheesy pick up line. Hindi talaga mawawala ang tawanan kapag kasama namin ang dalawang ito.

"Guys, want to hear some news?" tanong ko nang matapos ang tawanan. Tumingin silang lahat sa akin na tila nakuha ko ang atensyon nilang lahat.

"Khione reached out to me. She said she will take care of the rulers first and come back here to fight with us," pahayag ko.

"Paano?"

"Telepathy."

"What?" sabay-sabay na tanong nila.

"Since when?" tanong ni Sandra na halatang interesado.

"Since that first fieldwork training this semester."

Nakuha ng kambal ang atensyon ko nang bigla silang pumikit. Nangyayari lamang ito sa tuwing may babala ang hangin sa kanila. Nang magmulat ang mga mata nila ay umilaw ito nang panandalian. "The army of Coler is near," sabay na pahayag ng dalawa.

Nagkatinginan kaming lahat at naging seryoso ang ekspresyon sa mukha ng bawat isa.

"Go, change into your uniforms. Let's meet here after," utos ko sa lahat na tinanguan lamang nila.

Nauna na akong umakyat papunta sa silid ko. Nang marating ko ito ay binuksan ko kaagad ang cabinet at kinuha ang bagong set ng uniform na ipinagawa ng headmaster para sa RnGs kuno. Dali-dali kong isinuot ang lahat ng ito at tsaka pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Napansin ko kaagad kung ano ang kulang sa akin. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang isang maliit na kulay itim na box. Pinagmasdan ko ang laman nito—ang charm ko. Isa itong malapad na gintong singsing. Sa gitna nito ay isang makinis na bato na nag-iiba ang kulay kasabay ng pagbabago ng kulay ng mga mata ko. Isinuot ko ito at tiningnan kung paano ito nagliwanag sa maikling sandali.

Inilibot ko ang tingin sa paligid at tsaka ako lumabas ng silid. I hope my room will still be here after this war ends.

Nang makababa ako ay kumpleto na silang lahat. Halata na inayos pa nila ang sarili bago bumaba.

"Ready?" nakangiting tanong ko sa kanilang lahat.

Ang kaninang kinakabahan nilang ekspresyon ay napalitan ng isang ngiti. "Ready!" determinadong sagot nila.

"Let's go." Sabay-sabay kaming lumabas ng dorm at tumigil sa harapan nito.

"Mga pashnea, walang mamamatay ha?" paiyak na sambit ni Sandra.

"Everyone, please promise me that we will all see each other again after this," sabi ni Khiera at tsaka humugot ng malalim na hininga.

"Umayos kayo ha? Malalakas kayo. Kakaltukan ko ang mamamatay," saad ni Isaiah na ipinakita sa amin ang kamao niya.

"Group hug!" Niyakap namin ang isa't isa. Dama ko ang kaba, pag-aalala, determinasyon, at ang pag-asang mananalo kami sa laban sa higpit ng yakap nila. Puno ito ng iba't ibang emosyon.

Tumingin silang lahat sa akin pagkatapos.

"We will win this together. Hiraya manawari," sabi ko at tiningnan sila isa-isa.

"Let's fight for the academy with everything we've got. Royals and guardians, charge!" With that command, we ran through different directions.

I am with Lauren and Mavro. We are supposed to go to the secret passage under the headmaster's office. I know that some of the enemy's troops are going to enter a portal that leads there. Knowing that the leader of the enemy has knowledge about the structure of the academy, we must be ready for everything.

Nang marating namin ang office ay dali-dali kaming pumasok dito. Naglakad ako papalapit sa pader kung saan nakalagay ang portrait ni headmaster. Iniangat ko ang litrato at tinanggal ito mula sa pagkakasabit sa pader. Isang square na dent ang nasa likod ng larawan ang bumungad sa amin. Mayroong isang tali na nakalawit dito kaya hinigit ko ito.

Siyam na tiles ng kwarto ang naglaho at napalitan ng isang madilim na daan pababa. Tumingin ako kay Mavro upang kumpirmahin kung walang anumang banta sa baba ng daanang ito. Pumikit siya at umiling kaya't ako na ang nauna sa pagbaba. Naglabas ako ng isang bolang apoy at pinalutang ito sa aking palad, ngunit pagkatapak ko pa lamang sa sahig ay pinaglaho ko na ulit dahil bumukas nang kusa ang mga lampara na nakadikit sa pader.

Nagdere-deretso lamang kami ng paglalakad hanggang sa marating namin ang isang malawak na espasyo. I didn't know that the academy has this kind of place hidden underground.

There are eleven golden seats around a huge circular table at the center where a stage-like elevation is present. Who are using these? The headmaster and the rulers?

While I was scanning the place, five black portals suddenly opened around us.

Tiningnan ko si Lauren dahil alam na niya ang gagawin niya.

Tumango lamang ito. "Brace yourselves, a little earthquake will occur," paalala nito bago yumuko at hinawakan ang sahig. Umilaw ang mga mata niya nang magsimulang gumalaw ang paligid. Unti-unting nagkaroon ng bitak sa paligid ng bilog na espasyo na pinapalibutan ng limang portal.

Makikita kung paanong marahang bumababa ang platform. Nagkakaroon ng isang malaking cavity rito na siguradong babagsakan ng mga taong lalabas mula sa mga portal. Nagkaroon din ng mga earth spikes na delikado kapag mayroong isang taong mahuhulog dito. Tumigil si Lauren nang matapos niya ang trabaho niya at nagpaalam na sa amin para tumulong sa iba.

Itinapat naman ni Mavro ang kamay niya sa butas at nakita kong nagliwanag din ang mga mata niya. "Paralyzing Black Fire!" A huge amount of black-colored fire started to fill the cavity. Marahan ang paggapang ng apoy na tila isang ahas na nakakamatay ang kamandag. Sa isang tingin pa lamang ay malalaman mo na kaagad na delikado ang apoy na ito. Mula sa kinatatayuan ko ay nararamdaman ko ang pagiging malamig, gayundin ang pagiging mainit nito. It is quite confusing but that's what my skin is feeling right now because of that fire.

It is now my turn. "Hell fire!" Blue and red fire came rushing from my palms to the circular dent made by Lauren. The black fire, together with the red and blue, sways like flowers gently touched by the wind. The dent is now like a swimming pool, but instead of water, the people will swim in a blazing fire of different colors.

Only seconds passed when the noises coming from the portals caught my attention. The enemies are on the other side of the portal now, waiting for a 'go' mark of their leaders.

When I heard the hymn of the battle cry, I heaved a deep sigh. Good luck burning yourselves to death. The courageous yells of the armies of black soldiers turned into screams of pain and agony.

I secured the only way to the academy with a wall of blue and red fire then made my way up to the battlefield.

I won't let this war end with our side losing. I will shed blood and sweat in this battle for the future of Kosmos and the magic folks living in it.

We will win this. Hiraya manawari.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon