Chapter 45

1K 81 13
                                    

BEFRIENDED BY A GHOUL

Luna's POV

Nakaupo ako sa sahig ng training room kasama ang iba pang elementals. Ako, si Drac, at si Khiera ang naka-assign ngayon na mag-ensayo sa mga kaklase namin sa Elemental Class 1. Binigyan muna namin sila ng sampung minutong pahinga dahil dalawang oras na kaming nag-eensayo rito. Ang sama naman ng ugali namin kung hindi namin sila pagpapahingahin.

Tatlong araw na ang nakakalipas ay wala pa rin kaming ideya kung nasaan si Ate Khione. Pero 'wag daw kaming mag-alala sabi ni Clyde. Ewan ko nga kung bakit ang kalmado niya e.

Halata sa mga kilos niya na kampante siya kahit wala sa tabi namin si Ate Khione kaya't hindi na rin ako nangangamba. Alam ko na sa aming lahat, isa siya ang pinakamatalino at pinakamalakas.

"Ten minute's up! Stand up, elementals!" sigaw ni Khiera.

Tumayo ako hinarap ang mga tinuturuan namin.

"Everyone, create an elemental weapon of your choice. Now!" sigaw ni Drac na mabilis sinunod ng lahat.

Makulay ang loob ng training room dahil sa mga sandatang nagawa ng mga kaklase namin. Karamihan sa kanila ay gumawa ng mga armas na pang-long range combat. Ang iba ay gumawa ng espada, sibat, daggers, at kung ano-ano pa. Ayoko nang isa-isahin pa, nakakatamad.

"Follow us," sabi ko sa kanila at nauna nang lumabas ng training room. We're going to the field where all the knights are training. Sila ang nararapat na magturo sa ibang elementals ng techniques na maaari nilang gamitin sa pakikipaglaban gamit ang mga sandata.

"They will be teaching you how to use those weapons accurately," paliwanag ni Drac nang makarating kami sa field.

"Sumunod kayo sa kanila ha? See you tomorrow!" masiglang sabi ko.

"We'll go now. I'll leave them to you," paalam ni Khiera sa mga knight.

Yumuko ang mga ito at nagbigay-galang.

Naglalakad na kami pabalik sa dorm nang mapansin kong dumidilim ang kalangitan at lumalamig ang simoy ng hangin. Napalunok ako dahil kinikilabutan na naman ako. Bakit ba kasi hindi ko maintindihan 'yang 'wswswswsws' ng hangin e. Hindi ko tuloy alam ang mangyayari.

Sabay-sabay kaming napatingin sa taas nang maipon ang mga ulap sa iisang parte. Tila ba may bagyong paparating.

Lalo akong kinilabutan nang naging hugis bungo ang ulap. Hindi maganda 'to. Mukhang nalalapit na nga ang delubyo. Mukhang magsisimula na ang tunay na labanan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa dorm at ibinalita ang mga pangyayari sa labas.

"That skull is the symbol of Coler. They are proclaiming war," pahayag ni Mavro na kasama namin sa dorm.

"The bloody war will start soon," sabay na pagkakasabi ng kambal matapos nilang magulat ng mata. Siguro ay naintindihan nila ang babala ng hangin.

"We all know that this going to happen. Ang mahalaga, handa tayo sa anumang posibleng mangyari," ani Clyde.

"Let's go to the field and destroy that mark of Coler from the sky," sabi muli niya at naunang lumabas ng dorm.

That is a good idea.

Lumabas na rin kami at sinundan namin ang prinsipe ng Lignus papunta sa gitna ng field. Ang lahat ng mga nakakasalubong namin ay yumuyuko, tanda ng pagrespeto sa mga prinsesa at prinsipe ng bawat kaharian.

Isang kulay itim na kidlat ang tumama sa isang estudyante kaya't mabilis namin itong nilapitan. Itinapat ni Clyde ang likod ng kamay niya sa ilong ng babaeng natamaan.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon