Chapter 8

2.8K 222 53
                                    

COLD

Eira Ysabelle's POV

Magkakasunod na katok mula sa pinto ang gumising sa akin. "Khione, gumising ka na!" Sino ba 'yon? Kanina pa katok nang katok, alam nang tulog pa yung tao oh!

"Mahuhuli na tayo sa klase!" Oh my God! Late na ako—Aray! Napaupo akong muli dahil sa sakit ng dalawa kong binti. Nakalimutan ko ang muscle cramps na inabot ko nang mapilit ang katawan ko sa pagtakbo kahapon noong PE class. Ngayon ay nagsisisi na ako kung bakit hindi ko sinanay ang katawan ko sa pag-e-exercise at puro panonood at pagbabasa lang ang ginagawa ko dati. Isang napakalaking disadvantage nito para sa akin. Pero siguro ay may kinalaman din dito ang matagal na pagtigil ng katawan nj Khione sa paggawa ng physical activities.

Marahan kong iginalaw ang mga paa ko at iika-ika akong pumunta sa loob ng banyo para maligo. Okay Ysa, 10 minutes will do.

Matapos kong maligo ay isinuot ko na ang uniform at inayos ang aking buhok. Sinigurado ko rin na maayos ang pagkakasuot ng damit at palda ko. Isa akong prinsesa kaya dapat ay panindigan ko ang pagiging kaaya-aya at presentable sa paningin ng iba.

Nang makababa ako ay isa nalang ang taong naghihintay sa akin. "Tara na. Mahuhuli na tayo sa klase."

Isang pitik ang iginawad niya sa noo ko. "Tingnan mo, hindi ka ulit nakakain. Sumobra ka na naman kasi sa tulog. Ano na lamang ang sasabihin sa akin ng Hari? Paano kapag pumayat ka? Makakarinig lamang ako ng sandamakmak na sermon niyan." Sinimangutan ko siya at tsaka inunahan sa paglabas ng dorm.

Habang naglalakad kami papunta sa room ay nagbibigay-galang ang mga estudyante sa amin. Kahit mahigit isang linggo na ako rito sa Kosmos ay naiilang pa rin ako sa ganito. To be honest, I admire the others for their confidence. Tila ba sanay na sanay sila na maglakad nang walang pagkailang sa mga tingin at pagbibigay-galang ng mga estudyante. For someone who doesn't like being under the spotlight, being a princess would be hard.

"Wala pa si Ma'am Ivy?" tanong ni Clyde kay Sandra nang makarating kami sa silid.

"Kung may nakikita kang Ma'am Ivy sa unahan, baka nandito na siya," sagot naman nito sabay irap.

Hindi pinansin ni Clyde ang sinabi ni Sandra at umupo sa upuang katabi ng bintana. "Weird. Hindi naman nale-late si Ma'am 'di ba? What do you think happened?"

I only shrugged and sat beside Sandra. Pagkaupoko ay saktong mayroong nagbukas ng pinto. "Apologies, class, I'm late. There was just an accident inside the girls' dormitory," panimula ng aming guro. Accident? What could it be?

"What happened ma'am?" I never knew Lauren would be interested in things like this, too. Chismoso rin pala ang prinsipe.

"We'll discuss the matter later, Prince Lauren. Now..." Inilibot ng guro ang mata sa buong silid hanggang sa magtama ang mga mata namin.

She's our teacher in PM, Particularum Magicae. This subject will help every student in our class to awake, improve, and boost the elemental magic circulating inside their body. According to Clyde, every class in this academy has one different subject that is related to their classification. The Knights Class, for example, has EA which stands for Eques Amplificationem. The Supports Class has AA which is the Auxilium Augendae. Mages Class has MA which stands for Magi Amplio and the Healers Class has SP which is Sana Phaselius. These subjects, despite their different names, have only one goal, and that is to improve every student in every class so that they can get a high level of mastery of the ability they possess.

"Princess Khione, please proceed here in front." Huh? Bakit ako?

Lahat ng mga mata ay nakatutok sa akin sa mga sandaling ito. Nagsisimula nang kumabog nang malakas ang puso ko na tila ba gusto na nitong makalabas mula sa dibdib ko. Nararamdaman ko na rin ang pamumuo ng mga butil ng pawis sa noo ko. Sa kabila ng mga ito, taas noo akong tumayo at nakangiting pumunta sa unahan.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon