Chapter 21

1.3K 127 37
                                    

ABLAZE

Clyde Ignei's POV

Maaga pa rin nang marating namin ang paanan ng bundok na pinaninirahan ng ancient beast ng Kosmos. Tinatawag na ancient beast si Durula pero ang totoo, isa siyang dragon. He is entitled as a beast dahil sa laki nito at sa mapaminsalang kapangyarihan na kanyang tinataglay.

Tumingala ako upang tingnan kung gaano katarik ang bundok na kailangan naming akyatin. He is somewhere in this mountain. The books say that the entrance to his haven is a dark cave. May mga nakakita na ng kwebang iyon pero wala pa ni isa sa kanila ang nakapasok sa loob.

The surrounding hot as hell. Gusto ko nalang hubarin ang pang-itaas ko. Ang paanan pa lamang ng bundok na ito ay ubod na ng init. Paano na kaya kapag malapit na kami sa kanyang pinaninirahan?

'Sobrang init naman dito,' narinig ko ang boses niya sa isipan ko.

'Sorry ah? Aalis nalang ba ako para mabawasan?'

'Tse!' Nakita ko na naman ang pag-irap ng magagandang mata niya.

"Let's start climbing this steep mountain. Hindi pa natin alam ang eksaktong kinaroroonan ng kweba," suhestyon ni Lauren habang nakapukol din ang tingin sa matarik na bundok.

Nag-umpisa na nga kaming umakyat. Mabuti na lang at kaunti lamang at hindi gaanong mabigat ang mga gamit na dala namin. Sapat na pagkain at ilang pirasong damit lamang na pamalit ang laman ng aming mga bag.

"Ang init!" pagrereklamo ni Luna habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay niya.

"If I were you, hindi na ako magrereklamo at magsasalita. Nakakaubos lalo 'yan ng enerhiya." Nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay ni Luna at ang ang pag-irap niya dahil sa sinabi ni Jiro. Lahat ba ng babae ay mahilig mang-irap? Natural ba sa kanila ang pagiging mataray?

"Ayan. Tumahimik ka nalang kasi. Si Jiro na ang may sabi o," sinundot-sundot pa ni Isaiah ang tagiliran ng kapatid.

"K-kuya!"

This part of the mission would really drain all our energy. The increasing temperature as we go higher and the exhaustion the hike is causing us will surely deplete the remaining energy in our bodies. It is somewhat contradicting the explanation of science because the temperature must decrease as we go on a higher altitude due to the less pressure the gas in the atmosphere has.

Pinagmasdan ko na lamang ang paligid. Everything looks desiccated and lifeless. Walang punong nabubuhay sa bundok na ito dahil sa tuyot na lupa, lahat ay patay at hindi tinutubuan ng mga luntiang dahon. Wala ring damo, halamang gamot, at mga bulaklak na makikita sa paligid. Ang lupa naman ay puno ng bitak at halatang walang sustansya. Mas mukha nga ata itong isang bulkan kaysa bundok. The high temperature surrounding this mountain has possibly dried out the water and moisture of the land and drained the remaining nutrients from the soil of this mountain. Durula is really something.

Nakita ko ang babaeng nilalaro ang isang bilog na yelo sa mga kamay niya. I can see how droplets of water drip down the small ice ball pero bumabalik din ito kaagad. She is wasting her energy. What is this lady thinking?

'Don't waste your energy playing with that ice ball,' saway ko sa kanya. Alam kong isang masamang titig na naman ang matatanggap ko pero...who cares? Mahihirapan lang siya mamaya dahil sa ginagawa niya.

Tumatagaktak na ang pawis mula sa noo ng bawat isa. Unti-unti na ring nararamdaman ng katawan ko ang pagod. Tirik na tirik na ngayon ang araw at nasa gitnang bahagi na kami ng bundok. How much further are we going to climb?

Napansin kong sobrang init na ng paligid, mas mainit kaysa kanina. I think this is the hottest temperature that we've encountered so far. I need to observe. Alam kong ang parte kung nasaan si Durula ang may pinakamataas na temperatura.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon