Chapter 9

2.4K 196 21
                                    

GAMBLE

Isinuot ko ang gloves na ibinigay sa amin ni Ma'am Ivy. It's the normal surgical gloves that are used in hospitals. Gloves are important to avoid causing interferences and alterations on the possible evidence in a crime scene, it prevents fingerprints of the investigators from being seen on the evidences, also preventing confusion for the examination. Smart murderers also use gloves so that their alibis will be perfect since their fingerprints won't be visible for investigation.

Nagpaalam ang mga guardian, bukod kay Clyde, dahil mayroong ipinapagawa sa kanila si Ma'am Ivy. Si Jiro naman ay ipinatawag ng headmaster dahil kailangan daw itong makausap, kaya ang natira na lamang ay ako, si Clyde, si Khiera, si Sandra, at si Lauren. Ma'am Ivy excused us on our remaining classes for the day. Hahabol na lang ako sa lectures mamaya.

"There's no doubt, this is a murder case," seryosong sabi ni Clyde. He's right.

"Let's start investigating," pabulong kong sabi sa kanilang lahat bago kami naghiwa-hiwalay.

Lumapit ako sa table at saka ko tiningnan lahat ng nakalagay dito. On top of the table, there is a bottle of liquor with a little amount of alcohol left, some opened packet of chips, unfinished steak, four empty glasses, an ice bucket, a flower vase, and a few vanilla cupcakes. Judging from the looks of the table, mukhang nalasing silang apat kagabi dahil bukod sa magulo ang mesa, nakita ko rin sa ilalim ng table ang dalawang bote ng alak na walang laman.

Inamoy ko ang natirang alak na nasa loob ng bote. Wala namang kakaiba dahil ang matapang na amoy lang nito ang naamoy ko. Natunaw na ang yelo sa loob ng ice bucket kaya't tubig na lamang ang makikita dito. Tiningnan ko ang bawat isa at lahat sila ay nakapalibot sa bangkay kaya't lumapit ako sa kanila. "Ano sa tingin niyo?"

"She was poisoned. Her ears were dark," sagot ni Lauren. Marahil ay ang nangingitim na earlobe ni Shae ang tinutukoy niya.

"What could it possibly be?" tanong ko dahil hindi ako pamilyar sa mga lason dito.

"There are a lot of possible poisons here. It's hard to distinguish, but we can always check the garden and ask Ms. Brown," suhestiyon ni Khiera.

"There's no need for that," sagot ni Clyde. Matapos nito ay lumapit siya sa bangkay. Sa tingin ko ay alam na niya kung anong lason ang pumatay sa biktima. Bilib na talaga ako sa isang 'to. Bakit napakarami niyang nalalaman?

"This black part of the earlobe was probably the side effect of the poison called Iadn from the yunt plant. This poison is used mostly by Tribe Prim to eliminate harmful beasts," napatango ako sa sinabi niya. Tribe Prim was from the Kingdom of Enchanta also.

"Ilang oras ang itinatagal nito bago umepekto?" tanong ko rito.

"It usually takes effect 6 to 7 hours upon intake."

Tumango-tango ako nang marinig ang sagot niya. Posibleng nakahalo ang lason sa mga kinain at ininom nila kagabi. Pero posible rin na bago sila uminom ay na-intake na niya ang lason. Posible rin pala na ipinainom sa kanya ang lason nang tulog na ang lahat.

Sa bawat kaso, napakaraming posibleng scenario. Ang kailangan mo lamang gawin ay mag-imbestiga at pagtugma-tugmain ang mga piraso ng ebidensya para maisarado ito.

"Should we ask Shae's dorm mates for their alibis?" tanong ni Sandra.

"You three can interview those three, Clyde and I will investigate further," sagot ko rito kaya naman umalis na silang tatlo. Pinili kong maiwanan si Clyde kasama ko dahil sa kanilang tatlo, siya ang may pinakamaraming alam tungkol sa lason na ginamit ng culprit.

"Do you know the scent of Iadn?"

Umiling siya. "It's scentless." So it could be mixed with the alcohol easily. But it's too risky dahil kung iinumin rin ng killer ang alak ay mapapahamak din siya.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon