Chapter 43

1K 80 6
                                    

UNSAFE

Eira Ysabelle's POV

The sun is about to sleep while the moon is soon to rise. I looked up to the sky and admired how the canvas above was painted by shades of pink, yellow, orange, and blue. The view of the sunset here on the rooftop of our dorm is splendid.

Pumikit ako nang maramdaman ang maligamgam na sinag ng araw. Nakakagaan ito ng pakiramdam at tila nakakawala ng bigat ng mga pasaning dala. Idagdag mo pa ang mainit na kamay na nakahawak sa akin.

Kakatapos lang ng klase ngayong araw kaya't pumunta ako rito sa rooftop para magpahinga. Sinundan naman ako ng mokong kaya may kasama ako ngayon. Lumingon ako sa gawi ng katabi ko na nakapikit. He looks calm and composed despite the problems happening here in Kosmos. That is one thing to like about him. He does not easily panic. Instead, he thinks.

"Eira, I'm tired." Umalis siya sa pagkakasandal sa railings at humarap sa akin. Pinangunutan ko siya ng noo nang ibukas niya ang braso sa harapan ko.

"What?" tanong ko rito, pinipigilan ang ngiting gustong kumawala mula sa mga labi ko.

Nakita ko ang pagsimangot niya bago ibaba ang dalawang braso. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napangiti. Why is he cute when he's tired?

"I'm kidding. Come here," sabi ko at hinigit siya sa isang mahigpit na yakap. This warm feeling that only he can give is overwhelming. Lalong gumaan ang pakiramdam ko nang humigpit ang yakap niya sa akin.

A subtle smile made a way to my lips.

"One percent..." sabi nito na ipinagtaka ko. "Two."

"Huh?"

"Shh. I'm charging," sabi nito na tinawanan ko lamang. Ang corny talaga ng isang 'to kahit kailan.

Kumalas ako sa yakap at tsaka umupo sa isang upuan sa harap ng table. Siya naman ay tumalikod sa akin at bumaba na mula sa rooftop. I don't know where he is going.

"Hindi man lang nagpaalam," bulong ko sa sarili ko at tsaka umirap. Sumandal na lamang ako at tsaka pumikit ulit.

Ilang sandali lamang ang lumipas ay naimulat ko ang aking mata dahil sa pamilyar na matapang na amoy na humalo sa hangin.

"Na-miss mo kaagad ako?" mayabang na tanong ni Clyde habang inilalapag ang isang tasa ng kape sa lamesa. Nasa mga braso niya si Aedean na nakangiti sa akin. Tumalon ito papunta sa akin kaya't sinalo ko siya at niyakap.

"Ang kapal." Tumawa lamang siya at umupo sa upuang kaharap ko. "Since you do not want to rest, better wake yourself up with a cup of coffee."

"Thank you." Inilapit ko nang marahan sa bibig ko ang tasa at hinipan ito. Hihigop na sana ako nang mahagilap ng mata ko ang kulay itim na mga arrow mula sa gubat na papunta sa direksyon namin ni Clyde.

"Clyde!" tumayo ako at mabilis na umipon ng puting enerhiya mula sa paligid ko.

The rooftop is the target of the attack, kaya't gumawa ako ng isang barrier para sa aming dalawa. Tumatama lamang sa barrier ang mga kulay itim na palaso at tsaka sumasabog. There's no doubt. These are arrows made up of black light. These are from Damon.

Lumabas ako mula sa loob ng barrier. I gathered white energy from my surroundings and swayed my hands in a circular motion. Multiple white light energy balls formed in front of me. Another set of arrows is approaching us so I quickly sent the balls to meet the arrows midair. Explosions happened above like fireworks on a new year's eve.

"Clyde, summon the others to the forest, now!"

Tumango siya at dali-daling bumaba ng rooftop.

Tumalon ako mula sa rooftop at gumawa ng isang waterbed na sasalo sa akin. Nang makababa ako ay mabilis kong tinungo ang gubat at hinanap ang maitim na presensya ni Damon.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon