EXOrdium

22.8K 714 380
                                    

Storyline by: xiuminista

Language: Filipino
---------------------------------------------------------------------------------------------

E X O R D I U M

Baekhyun

To Chanyeol:

Magkita tayo sa dating tagpuan. Alam mo na kung saan. Madilim. Malamig. Mataas. Walang kusina. Aantayin kita, kung hindi ka pupunta. Maglalaslas ako gamit ang eyeliner ko. Binilhan pala kita ng brief, isang set. Hihi. Labsh you, Yoda bae.

Sent. 01:45AM

Dumungaw ako sa bintana ng tree house at tiningala ang kalangitan. Walang gaanong bituin dahil maulap. Uulan kaya? Maya't-maya ang tingin ko sa cellphone ko. Nag-aantay ng reply mula kay Chanyeol pero wala. Darating kaya sya? Sana dumating.

One message received;

From Chen:

Pakyu, wrong sent ka. Saan yan ha?

Ni-rescan ko yung text ko at kay Jongdae ko nga nasent. Tingini, papalitan ko na talaga name ng troll na yun sa contacts ko. Niresent ko yung text kay Chanyeol. After a few minutes, nareceive ko ang reply nya.

"Sige, wait for me."

Napangiti ako ng malapad. Napahawak ako sa braso ko dahil biglang lumamig ang paligid. Pinaikot ko ang mata ko sa tree house. Pakiramdam ko kasi may kasama ako sa loob. Lampara lang ang gamit ko kaya madilim sa ibang parte. And only a few are touched by the moonlight. May narinig akong kaluskos. Parang kukong pinasayad na ewan ko. Natatakot ako.

"May tao ba dyan?! Ahh!" sigaw ko.

Chanyeol

"Baek, nandito na ako." Napatigil ako ng makitang patay ang ilaw ng lampara. Madilim at wala akong makita. Tanging liwanag nalang ng buwan ang inaasahan ko. "Baek? Baek? Ikaw ba yan?" Nakaharap sya sa dingding at nakayuko, "Akala ko umalis ka na, e." Hinawakan ko ang balikat nya at pinaharap pero kinalmot nya ako. "ARAYQ! Bakit mo naman ako kinalmot?"

"Meow! Meow!"

"Anong nangyayari sayo, Baek?"

"Meow!" Dinilaan ni Baek ang kamay nya. Dahil sa kakaibang kinikilos nya, dinala ko agad sya sa albularyo. Dinasalan sya ng kung anu-ano. Ewan ko. Pinaghahampas sya ng dahon at binulong-bulungan kaya nilipat ko nalang sya sa isang Espiritista pero lalo lang ata lumalala si Baekhyun.

Kada minuto, nag-iiba sya.

"His soul was cursed. Dahil masyado na syang malevogue, lumalapit ang masasamang espirito sa kanya. Fuchsia, pinagloloko ba ako nito? Tinignan ko si Baekhyun, tirik ang mata nya at nangingisay. "Hindi kita niloloko, kung ayaw mo maniniwala, magsisisi ka. Kailangan mong kumilos kundi tuluyang mawawala ang kaluluwa ng binatang 'to."

"Hindi ako binata!" singit ni Baekhyun.

"Kung anu ka man, wala akong paki!" ani nung Espiritista at binulungan si Baekhyun na nawalan naman ng malay pagkatapos. "Kailangang mabura na ang alaala nya." dugtong nya. Mabura ang alaala? Pero paano ako? Hindi na nya ako maaalala?

"Anong dapat kong gawin?" tanong ko.

"I-untog mo sya sa pader!"

"Gagu ka ba?!!"

"Joke lang. Ipainom mo 'to." Inabot ko yung potion at tinignan ito ng matagal. Dito nakasalalay ang buhay ni Baekhyun. Kung hindi ko 'to gagawin, tuluyan syang mawawala sa akin. "Tandaan mo binata, hindi mo sya pwedeng halikan. Just one KISS is really deadly. Tandaan mo yan."

No kiss.

No Baekhyun.

Paano na ako?
----------------------------------------------------------------------------------------------
All Rights Reserved (c) 2015
A work of fiction. Any resemblance to a person, living or dead, or places, actual events are purely coincidental. Do not distribute, modify, display, or exploit the contents of any stories. Plagiarism is a crime.

Started: October 04, 2014
Finished: January 2015

ChanBaek: Exorcism of Byun Baekhyun [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon