IX

5.3K 143 24
                                    

Ilang minuto ng nakatitig si Jema sa babaeng nakahiga sa loob ng kotse. Natigil lang ito ng biglang magring ang phone nito na nakalagay sa dashboard. Nabaling ang tingin ni Jema sa phone na may pangalan na nakaflash.

Pongs

Nagdalawang isip si Jema kung kukunin ba niya ito at sasagutin.

Sino ba si Pongs? Baka kapatid, best friend, or kasintahan? Isip ni Jema bago nya sawayin ang isip nya.

Sakto naman nadrop na yung call kaya hinayaan na lang niya.

I'm sure tatawag yan uli if importante. Isip ni Jema.

Triny ni Jema na gisingin ang babae.

"Miss... Miss?" Sabi niya ng ilang ulit. Pero dahil hindi ito magising eh hinayaan na lang nya itong mahimbing na matulog.

Nagring naman uli ang phone and same caller. Tiningnan naman uli ni Jema ang babae pero mukang hindi ito gigising. Naisip din nya na baka sakaling nag-aalala yung tumatawag kaya nagkalakas sya ng loob na kunin ito at sagutin.

"Deanna Wong! Asan ka ba? Pinag-aalala mo ako! You told me, you'll work on the edits ng pre nup nila Ate Ly and that you'll send it right away. Madaling araw na at namumuti na ang mga mata ko kakaantay sa wala. I called sa condo mo and they said na umalis ka daw pag kaalis ng ex mo. So what's happening and where the hell are you?!" Sunod sunod na bulyaw ng tumatawag sa kabilang linya.

Natigilan naman si Jema at di nya alam ang gagawin. She was that frozen that she can't even utter any word or move any muscle.

"Hello?! Deanna?" The person on the other line asked but this time in a mellow tone.

"Ahhh eeeeehhhh.." Ang tanging nakawala sa bibig ni Jema.

"Sino to?" Ponggay curiously asked.

"Ahmmmm, Jema po. Ahm, yung may ari po kasi ng phone, tulog na... Nakainom kasi..." Jema explained.

"Ahhhh ay sorry miss. Pasensya na... Akala ko ikaw yung kaibigan ko..." Ponggay said sounding embarrased.

"Okay lang. Sinagot ko kasi baka nga hinahanap na siya... Andito kami sa parking sa isang bar sa Antipolo." Jema answered.

"Sorry uli Jema. Sige, ikaw na bahala sa kaibigan ko. Tawagan mo ako pag may kailangan ka. Pasensya uli and pasensya sa estorbo." Ponggay said before ending the call.

Naguluhan si Jema sa sinabi ng kausap nya pero binalik na nya ang phone sa dashboard ng matapos ang tawag.

"May nag-aalala naman pala sayo. Hinahanap ka na ng kaibigan mo." Comment ni Jema sa babaeng nakahiga.

Deanna pala ang pangalan mo. Wait. Diba yun ding yung name na sinabi nung babaeng nakabangga ko kanina sa Ortigas? Ano kayang drama ng buhay mo Deanna Wong? Isip ni Jema.

Bigla namang naring ang phone ni Jema kaya sinagot nya agad ito.

"Je? Asan ka na? Bigla kang nawala? Alis na tayo." Sabi ni Jia.

"Pabalik na saglit!" Jema answered then ended the call.

She immediately took her jacket off and opened the driver side door. Inayos nya sa pagkakahiga at kinumot ang jacket nya kay Deanna. Itinaas din nya ng bahagya ang bintana ng sasakyan para hindi masalisihan. 

Pagaling ka and I will pray for you. Sabi ni Jema bago isara at ilock ang pinto. 

Mabilis naman itong naglakad pabalik sa bar. Nakasalubong naman nya ang mga kaibigan.

"Oh Jema?! Kanina ka pa namin hinahanap." Kyla said.

"Wait lang..." Mabilis na sabi ni Jema at pumasok sa bar at hinanap ang waiter.

So CloseWhere stories live. Discover now