XVII

5.9K 161 57
                                    

Nakapasok na sina Aly at Keifer sa sala ni Ponggay. Naabutan nila Deanna at Jema na nakikipagbeso ang mga ito sa matalik na kaibigan.

"Ate Ly! Kuya Keif!" Sigaw ni Deanna sabay patakbong sinalubong ang dalawa.

Bumeso si Deanna kay Aly at yumakap naman kay Keifer. Ginulo naman ni Keifer ang buhok ni Deanna.

"Andito ka pala! Buti na lang!" Keifer commented.

"Jema!"Masayang bati ni Aly at yinakap din ang kaibigan.

Bumeso naman si Keifer at bahagyang pinisil ang balikat ni Jema.

"So complete na tayo... Let's eat!" Ponggay announced.

Nagtungo naman ang lahat sa dining area at umupo na. Si Ponggay ang nasa kabisera, sa kanan nito si Keifer katabi ang kanyang fiancee samantalang sa kaliwa naman niya si Deanna katabi si Jema.

Saglit na nagdasal sila bago nagsimulang kumain.

"Hmmmnnnn... Walang kupas ang Kare-Kare!" Keifer commented habang kumakain.

"Hay naku Pongs! Pagkasabi mo pa lang na kare-kare ang niluto mo eh hindi na nagdalawang isip to na pumunta dito..." Natatawang kwento ni Aly.

"Eh it's been a while since natikman ko ang luto nitong si Pongs! Sobrang nakakacrave kaya!" Keifer explained.

"Well, I can't cook as good at Pongs..." Aly said.

Kinuha ni Keifer and kamay ni Aly at hinalikan ito, "It's okay future wife, kahit ano pa lutiin mo okay lang. Kahit na pritong itlog lang kaya mo, pwede na!"

"Bola!" Natatawang komento ni Aly.

Natawa na din ang mga kaibigan nila.

Patuloy lang silang kumakain at nag-aasaran. Madalas ay si Deanna, Ponggay at Keifer lang ang nagbabatuhan ng komento. Jema was just observing while Aly tries to connect with her.

"Buti pala andito ka Jema? I'm glad you're getting along na with Pongs and Deanns. Naku sobrang makukulit yan!" Keifer said.

Napangiti naman si Jema and replied, "Deanns and I attended the mass kaninang umaga, then Pongs invited us over lunch, eh muka ngang nakakacrave yung Kare-kare ni Pongs kaya napadpad kami ni Deanna dito..."

"So lunch nyo pa tong Kare-kare! Glad you saved some for me Pongs!" Keifer said happily.

"Oo naman, madami akong niluto. Kaya nga I added a few more dishes kasi baka Jema doesn't like repeating the same food..." Ponggay replied.

"Okay lang ano ka ba! I really love your Kare Kare Pongs! I would love to eat it the whole day!" Pagtatanggol ni Jema.

"Hindi nga halata!" Natatawang sabi ni Deanna.

Napansin naman kasi ng lahat na puro Kare Kare lang din ang laman ng plate nito.

Nagkatinginan sila at nagtawanan na lang.






Pagkatapos ng dinner ay nagstay sila sa sala habang umiinom ng coffee at tea naman sa iba.

"Since everyone is here. Gusto sana naming idiscuss yung gagawin for the invitations and save the date video." Aly said.

Ngumiti naman si Keifer kay Aly at hinawakan ang kamay nito bago binaling ang tingin sa mga kaibigan.

"We want a mini album for our invitation and movie like save the date video. With Deanns and her team's creative shots and videos, I'm sure we can create a good one. But, Jema will make it a lot better if she'll help us with the story." Keifer explained.

So CloseWhere stories live. Discover now