XX

6K 176 92
                                    

Jema woke up alone in bed. Ginala nya ang kanyang mga mata sa loob ng kwarto nya. Everything is in place. Her laptop is on top of her workstation. Everything's properly placed where they should be. Walang ibang bag or any clothes.

She took a deep breath.

So ano yun? Panaginip lang? No Deanna Wong. Jema thought.

Her disappointment was evident in her facial reaction. She lazily gets off the bed and went to the bathroom to take a shower.



Pero bakit parang hindi naman panaginip? Eh wait, bakit naman ako mananaginip? I mean sa daming pwede panaginipan siya pa?! How long was I sleeping na ba? Mga katanungan sa isip ni Jema.

Mabilis naman siyang nagbihis at nagpatuyo ng buhok. Natigil lang ito ng tumunog ang phone nya - messenger notification.

She saw an unfamiliar chat head. She opens it and read the message.

Tara lunch?

She tapped and checked the profile - Deanna Wong.

Nanlaki ang mata ni Jema.

So it's not a dream?! Kasi sa panaginip ko she sent me a friend request and based sa FB, friends na nga kami. Pero bakit wala na yung mga gamit nya sa room? Pagtataka ni Jema.

Ilang sandali siyang natigilan bago nagreply.

Saan?

Kinabahan siya ng biglang nagtyping ito.

Dito sa dining mo? Gusto mo ba sa room mo?

Oh sh**! Totoo nga! Di to panaginip! Jema's mind protested.

Hindi na siya nagreply. Sinuklay na lang nya ang buhok at nagprepare ng lumabas ng kwarto nya.

Okay this is it! Dito na magkakaalaman. Jema thought.

Dahan dahan nyang pinihit ang doorknob and went out of the room.

Ang weird nitong si Jema. Sabi ko lang maglalunch na, tanungin ba ako kung saan?! Napangiti si Deanna habang iniisip.

Eh baka kasi gusto magpaalaga sayo? Wala bang lunch in bed?! Ang naughty mo Wong! Hindi naman kayo! Pahabol na isip ni Deanna.





Nakita agad ni Jema si Deanna na katayo at nakangiti sa kanya sa may hapag kainan. Nginitian din niya ito at agad na lumapit.

So I'm not dreaming after all... Jema thought.

Deanna moved the chair and allowed Jema to sit comfortably bago ito umupo sa kanan nito.

"Magaling ka na siguro kaya nagluto ka na!" Sabi ni Jema.

"Well, I'm feeling a lot better. Galing ng nurse ko eh!" Papuri ni Deanna.

Natawa naman si Jema, "Ayos ahh, in one day naging nanay at nurse ako!"

"Girlfriend pa nakalimutan mo..." Mahina pero mabilis na sabi ni Deanna.

"Anong nakalimutan ko?!" Tanong ni Jema.

"Sabi ko nakalimutan ko kunin yung niluto ko. Wait lang po." Sabi ni Deanna habang nakangisi at biglang tumayo pabalik sa kusina.

Ilang minuto pa ay inihain na nito ang niluto sa harap ni Jema.

Hmmmnnnnm Mukang familiar yung amoy ng niluto nya ahhh. Jema thought habang binababa ni Deanna ang isang bowl ng Garlic Butter Shrimp.

Bigla namang naexcite si Jema ng makita ito. Nahalata din ni Deanna ang reaction nito.

"Favorite mo?" Deanna chuckled.

So CloseWhere stories live. Discover now