XLVII

5.3K 185 165
                                    

I hated myself simula ng mawala si Jia. Sabi niya lalayo lang siya pero bakit niya ako tuluyang iniwanan. 

Ang masakit pa doon, kung kelan handa na akong aminin sa kanya na minahal ko din siya ay tsaka tuluyan na siyang nagpaalam sa akin. 

Greatest regret ko na ata na hindi ko man lang naparamdam na she did meant that much to me at hindi wala lang ang lahat ng nangyari noon. 

Pero wala na akong magawa, at hindi ko na din mababalik ang nakaraan. Sabi nga nila nasa huli talaga ang pagsisisi.

Napuno ng guilt at regrets ang buo kong pagkatao. For the times that ignored her and didn't care, I feel awful.

Gabi gabi ko siyang iniyakan, paulit ulit kong napapaginipan yung last moments namin kung saan wala akong nagawa. Wala akong kwenta! She gave up everything and I didn't do anything about it.

Hindi ko talaga mapatawad yung sarili ko sa nangyari. I lost Jia, I lost a dear friend.

Napupuno na ako ng inis at galit sa sarili ko pero hindi ko magawang sabihin kay Deanna yung nararamdaman ko. Alangan namang sabihin ko sakaya na mahal ko si Jia. Parang mali and I don't want her to feel betrayed! I mean mahal ko naman talaga si Deanna, pero yung galit ko sa sarili ko makes me feel so unworthy.

I know we promised to always talk about what we feel and think pero parang hindi ko pala yun kayang panindigan ngayon. Alam ko kasing masasaktan siya kahit alam kong nasasaktan ko na din naman talaga siya sa mga ginagawa ko. Ito pala yung sinasabi nilang kahit mahal mo yung tao, nasasaktan mo pa rin sila, that's why sobrang nagiguilty ako sa mga nangyayari.

Sobra akong nalulungkot, feeling ko lagi na lang akong walang gana, kung hindi ko lang kailangang tapusin yung libro ko baka nagkulong na lang ako sa kwarto buong araw at umiiyak bawat segundo.

I know Deanna is always there for me. Lagi siyang nasa tabi ko. Inaalalayan ako at hindi hinahayaan. 

Wala akong ginagawang mabuti sakanya pero mahal pa din nya ako. What did I ever do to deserve someone as perfect as her?

Minsan naawa din ako kay Deanna kasi sobrang pasensya nya sa akin. I feel guilty talaga sa hindi pagpansin sa kanya sa maraming beses. 

Minsan parang sinasadya ko na rin para baka matauhan siya at iwan ako, anyway, patapon naman na ako. I mean, wala na din akong nagawang tama para sa kanya. At least, she'll have reasons to leave me. Baka may ibang pwedeng magmahal sa kanya yung hindi loser na gaya ko.

Okay carreer ko pero yung puso ko durog na din. Buti pa yung characters ko sa story ko nahanap na nila yung happiness nila sa isa't isa. Why can't I have mine?








Mas madalas kong nakakausap si MG. She checks lagi kung kamusta ako. Minsan bumibisita siya sa bahay. Hinahayaan lang naman kami ni Deanna. Not once nakarinig ako ng reklamo kay Deanna. Well, wala naman din siyang dapat ireklamo kasi wala naman kaming ginagawang masama, I mean friends pa din kami ni MG and committed naman ako kay Deanna.

Buti na lang din at naapprove na yung book ko and we're preparing na for the launching. Doon ko na lang tinuon lahat ng attention ko para sakaling makalimot sa lahat ng sakit na napagdaanan ko.

Deanna was supportive, although I have to admit that I spend less time with her. Lagi nya akong hinahatid at sinusundo. She prepares my meals and make sure may food ako kung nasaan man ako. She knows lagi kung anong gusto kong kainin and never forgets to ask me how I am every night pag-uwi. 

All these make me more guilty. We may have not been telling each other na mahal namin ang isa't isa pero how she's treating me is more than enough for me to feel na mahal na mahal nya ako. Acts of service kasi ang love language nya, and she knows naman na receiving gifts and quality time yung akin.

So CloseWhere stories live. Discover now