XIX

5.9K 166 70
                                    


Nagising si Jema sa ingay ng nagriring na cellphone. Pagmulat ng mga mata nya ay napansin nya agad na nakayakap pa din si Deanna sa kanya. Mabilis nyang nilapat ang kanyang kamay sa noo nito.

May lagnat ka pa din. Teka lang sagutin ko muna yung tawag. Isip ni Jema.

Pinilit ni Jema na abutin ang cellphone na nakapatong sa bed side table at agad na sinagot ang tawag.

"Deanna?! Asan ka na ba? Alalang alala na ako!" Bungad ni Ponggay.

"Hi Ponggay, sorry! Si Jema to. Wag kang mag-alala safe naman si Deanna dito sa bahay." Jema replied.

"Ayy... Hello Jema! Pasensya na ha? Kasi hindi nagchat or nagtext si Deanna. Puro mga baha na nasa news dahil sa bagyo. Tinawagan ko rin sa condo, hindi daw umuwi. Kinontact ko din yung iba naming mga friends pero wala din silang alam kung nasaan si Deanna. Nag-alala lang talaga ako." Kwento ni Ponggay.

"Pasensya na Pongs! Hindi ko na din siya pinauwi kasi delikado na yung daan. Hindi ko din alam na may bagyo. Nilagnat din kasi si Deanna kagabi. Pero don't worry, ako na bahala kay Deanna. Pag gising nya patawagin ko sayo..." Jema explained.

"Naku! Kaya pala. Pero alam ko namang di mo pababayaan yang best friend ko eh! Mag-ingat kayo and call if you need any help ah? Enjoy nyo lang na magkasama kayo, future best friend!" Natutuwang sabi ni Ponggay.

Jema chuckled and replied, "Thanks Ponggay! I'll see you soon!"

At nagpaalam na sila sa isa't isa. Binalik naman agad ni Jema ang cellphone ni Deanna sa side table.

Napangiti naman si Jema ng maalalang nakayakap pa din si Deanna sa kanya. Hindi nya mapagmasdan ang mukha nito sapagkat nakapatong ang ulo nito sa dibdib nya. Inayos nya ang buhok nito at chineck ang temperatura nito by pacing her hand on Deanna's neck.

Mainit pa rin talaga. Kuha lang ako tubig ng makainom ka ng gamot. Isip ni Jema.

Yinakap ni Jema si Deanna habang nakaalalay ang kamay nito sa ulo ng katabi. Maingat at dahang dahang gumalaw si Jema para maihiga ng maayos si Deanna pero mukang naalimpungatan ito at mas siniksik pa ang sarili kay Jema. Binaon naman ni Deanna ang mukha nya sa leeg ni Jema.

Napangiti si Jema na para bang kinilig sa nangyari. Ramdam nya ang init ng balat nito pati ang hanging nagmumula sa ilong nito.

Jusko naman Deanna! Yung puso ko! Isip ni Jema.

Jema felt the desire not to move and enjoy the moment with Deanna. She smiles as her stomach flutters.

Pinagiisipan ni Jema kung gigisingin nya ba si Deanna para makainom ito ng gamot or manatili na lang muna sila sa ganong position.

Bahagyang gumalaw si Deanna hudyat na gising na ito. Huminga ito ng malalim at tsaka minulat ang mga mata. Ramdam nya ang bilis ng tibok ng puso ng taong kayakap nya. Hindi naman nya magawang gumalaw pero mabilis na nagflash sa isipan nya ang mga nangyari nung gabi.

Ohhhh... Andito nga pala ako kina Jema at sure akong si Jema nga itong kayakap ko. Naku nakakahiya. Pero mukang okay lang naman sakanya na magkayakap kami. I mean.... Napabuntong hininga si Deanna.

Dahil medyo mahina pa ay dahan dahang inangat ni Deanna ang ulo nito at napatingin sa kayakap.

Nagtama ang mga mata nila. Pareho silang napangiti sa isa't isa. Nagmistulang tumahimik ang kapaligiran at napako sila sa pagkakatitig sa isa't isa. Hindi pa din maalis ang mga ngiti sa kanilang mga labi.

"Good morning!" Bati ni Jema.

"Good morning too..." Paos na sagot ni Deanna.

Halos ilang pulgada lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha sa isa't isa.

So CloseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang