XXXII

5.6K 175 43
                                    

Nakangiti habang magkahawak kamay na lumakad sina Deanna at Jema papunta sa garden kung saan sila inaasahan ng tito at mga kaibigan nila.

Malamig ang simoy ng hangin, maaliwalas ang kalangitan na namumutiktik ng mga makikinang na bituin.

Bumungad kina Deanna at Jema ang isang mahabang lamesa na napapalibutan ng mga upuang gawa sa kahoy. Animo'y may isang pista sa mga palamuti at mga nagbabagang sulo sa kapaligiran. Sa gitna ng mesa ay nakalatag ang mga dahon ng saging kung saan nakahain ang iba't ibang masasarap na pagkain. May mga lamang dagat tulad ng inihaw na isda, kinilaw na tanige, hipon, alimango, at inihaw na pusit. Mayroon ding inihaw na liempo at manok na maingat na nakasalansan sa gilid ng mainit na kanin. Sinamahan pa ng pritong talong at ensalada. Nakahilera din sa gilid ang iba't ibang gulay at prutas, tulad ng okra, kangkong, mangga, at pakwan.

"Wow! Gutom na ako!" Nananabik na sabi ni Deanna matapos makita ang pagsasaluhan.

Natawa na lang si Jema.

"Not so fast Wongkie!" Sigaw naman ni Ponggay na kakadating lang din kasunod sina Yumi at Jaycel.

Deanna makes face while Jema greeted them.

"Hello, guys!" Jema said as they gather around the long table.

Hindi naman nagtagal ay dumating na din ang tito ni Deanna na kasama ang iilang staff niya.

"Sakto lang ang pagdating ng lahat. Tara na at maupo." Aya ng Tito ni Deanna.

Umupo naman sa kabisera ang may-ari ng resort. Sa kanan nito si Deanna na katabi si Jema. Sa kaliwa naman nito ay si Ponggay, Yumi, at si Jaycel. Nakapalibot naman ang ibang mga staff sa mga natitirang espasyo.

Pinangunahan ng nakatatanda ang panalangin para sa hapunan at tsaka nito inayang kumain ang mga bisita.

"Kain lang ng kain!" Masayang sabi ng tito ni Deanna.

Nagkamay naman ang mga panauhin at nagsimula ng kumain.

Deanna patiently peeled the shrimp's covering para makain ni Jema. Napansin naman ito ni Ponggay and said, "Ayy! Sana all pinagbabalat ng hipon..."

Napangiti lang sina Deanna at Jema sa kaibigan. Pero nagbalat pa din si Deanna ng isang hipon at inabot kay Ponggay.

Ponggay chuckled, "Biro lang naman.. Kaya ko naman..."

Tumawa na lang sila at nagpatuloy sa pagkain.

Napatingin naman si Ponggay kina Yumi at Jaycel. Nasaksihan nyang pinaghihimay din ni Jaycel ng alimango ang katabi.

"Ehhh sana lahat may jowa diba!" Natatawang comment ni Ponggay.

"Hindi ko naman siya jowa ate!" Tanggi ni Yumi.

"Ngayon siguro pero baka malapit na..." Asar naman ni Ponggay.

Natigil naman ang asaran nila ng may dumating na isang grupo na hinarana ang mga bisita.

There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold of the night

Nagkatinginan naman sina Jema at Deanna. Malagkit na titigan na parang damang dama nila ang kanta.

Ponggay saw it and cleared her throat kaya napatingin ang magkasintahin dito.

So CloseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon