Chapter 2

178 8 0
                                    

TWO

Taas baba ang aking dibdib ng huminto sa pagtakbo yumuko ako at tinukod ang kamay sa aking tuhod habang hinahabol ang hininga, hindi pa sumisikat ang araw at sobrang lamig na nakikita ko ang hininga ko na humahalo sa fogs sa paligid, marami na ang gising na naghahanda sa bagong umaga at may ibang katulad ko ay tumatakbo rin.

Tatlong kanto lang mula sa amin ang kaya kong takbuhin tuwing umaga, kaya ko namang tumakbo ng mas malayo pa pero pagkatapos ng tatlong kanto ay may tulay na nakakatakot kaya hindi ako lumalampas doon.

 Ilang sandali pa bago ako makabawi at tumayo ng tuwid, naka coverall ako na kulay orange bigay ng tito ko na nag tatrabaho sa barko, sa loob naman ay may suot rin akong jacket.

Buong gabi kong inisip ang mangyayari ngayon at sinigurado kong handa ako! Ano bang pweding masamang mangyari sa pagsama at pag-upo habang naglalaro ng basketball si Jandro diba?

Masyado ko lang pinapa komplikado kapag inisip ko pa lalo.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang tumakbo pabalik sa dinaanan ko kanina, isang paraan para pag pawisan kahit sa ganito kalamig na lugar ang tumakbo hanggang sa hindi ka na makahinga yun ang ginagawa ko tuwing umaga ito lang kasi ang oras na pagpapawisan ako dahil wala naman akong ginagawa ngayong summer.

Ilang sandali lang ay ramdam ko na ang pawis sa likod at leeg ko at kinakapos na ako ng hininga pero hindi pa rin ako tumigil, nakakatulong rin ang ginagawa ko para makalimutan ang mga iniisip dahil busy ang utak ko sa paghahanap ng hangin.

Katulad ng lagi kong ginagawa ay imbes sa bakuran namin pumasok ay sa gate ako ng kabilang bahay pumasok at patakbong tinungo ang bakuran nila na nasa gilid ng aming bahay, may upuan sa ilalim ng Money three nila, agad akong sumalampak paupo doon at sumandal sa puno habang habol ko ang paghinga.

Tuwing nahihirapan na ako ay nagsisisi agad ako kung bakit tumakbo ako ng mabilis pero kinabukasan naman ay ginagawa ko ulit kaya nasanay na ang katawan ko sa kawalangyaan ko.

Pasikat na ang araw at may lakad pa kami ni Jandro..

Tsk..

Hinubad ko ang coverall at sinampay sa upuan, nanlalagkit na ang pakiramdam ko dahil sa pawis at ng umihip ang pang-umagang hangin ay sobrang sarap sa pakiramdam.

This is Life!

Nahagip ng tingin ko ang bintana sa pangalawang palapag, kumunot agad ang noo ko ng makitang gumalaw yun.. 

may tao pa rin ba dito? 

Dahil sa naisip ay agad akong tumayo, kinuha ko ang coat at walang lingon na bumalik na sa aming bahay, baka ano pang masabi ng may-ari.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako para kumain, binilin ako ni Papa na umuwi agad dahil aalis sila ni Mama mamayang tanghalian at kailangang may maiwan sa kambal kaya hindi pweding sumama kung saan gagala ang mga kasamahan ni Jandro. Hindi ko pinansin ang mapanuksong tingin ni Mama.

Naka ponytail ang buhok ko at suot ko ang paboritong T-shirt na kulay blue na may Ravenclaw sa harap at lumang pants na ginagamit ko kapag hindi naman masyadong kailangan mag-ayos.

Narinig ko ang bosis ni Papa sa labas na may kausap, kaya hindi na ako naghintay na tawagin pa nila ako at lumabas na ako, natigil ako sa pinto ng makita si Jandro na kausap ni Papa.

Ngayon ko lang naisip na tama nga na itong tshirt na ito ang suot ko, nakalimutan kong kulay blue nga rin pala ang jersey nila Jandro. Basa pa ang huhok niya at nakasuot rin siya ng sweatshirt na kulay puti pero suot na niya ang kanyang jersey short at malamang sinapawan lang niya ang kanyang jersey top.

Agatha's Came (Complete)Where stories live. Discover now