Chapter 13

121 7 0
                                    

THIRTEEN

Ilang sandali pa bago ako umalis sa pagkakasandal sa pader at nagpasyang pumasok na sa classroom. Iniwasan kong tumingin sa paligid at dretso nang umupo sa unang upuan na nakita kong walang nakaupo kahit pa sa unahan yun.

Pagkatapos ng klasing yun ay nagmadali na akong tumayo para lumabas ng tumayo sa harap ko si Alex, seryoso ang itsura niya nung tinignan ako at bigla siyang ngumiti.

"Lalabas kami nila Jandro ngayon gusto mong sumama?"

Tumayo naman si Jandro sa kanyang gilid at ngumisi sa akin na nakataas ang kilay, para bang sinasabi niyang.. tama siya mabait ang girlfriend niya.

"Oo nga Aggie.. sumama ka na" Ngumiti si Greg na nakatayo sa likod nila Jandro.

"Maybe next time, may lakad pa kami ni Agatha"

Biglang narinig ko ang bosis ni Cam sa likod ko, nilingon ko siya seryoso ang kanyang mukha nung sinenyasan niya akong lumabas na, naglakad na siya palabas ng pinto.

"Susunduin pa namin ang kambal.. sige ha una na ako"

Narinig ko ang angal ni Greg pero hindi ko na sila nilingon at sinundan ko na si Cam.

"Sigurado ka bang ayos lang sayo na matagalan kang umuwi?"

Tanong ko nung malapit na kami sa gate ng School nila Adam, marami na ang nag-uuwian kaya hindi siguro kami ganun ka matatagalan.

"Wala akong ginagawa sa bahay.. so yes it's fine with me

"Lumabas na ako nung pinarada ni Cam ang kotse sa gilid ng kalsada, hindi ko na kailangang hanapin ang dalawa dahil nag-unahan na silang tumakbo palapit sa akin.

Malaki ang ngiti ni Addi at si Adam naman ay nakatingin na sa kotse, huminto sila sa gilid ko pero ang mga mata ay nasa kotse naman. 

"Kuya!"

At nag-unahan na silang tumakbo kay Cam, nung nilingon ko ang tatlo, kung titignan para bang hindi sila nagkakilala lang last month.

"Kayo na po ang susundo sa amin palagi?"

Tumatalon si Addi habang nagtatalon naglakad na ako palapit sa kanila para masaway ang dalawa hindi pweding lagi akong samahan ni Cam na sunduin sila--

"Yes, if that's what you want Addi"

Tumili si Adeline at niyapap si Cam, napailing nalang ako, binuksan ni Adam ang pinto sa backseat at pumasok na tinulungan naman ni Cam na pumasok si Addi bago sinara ang pinto.

"Aasa ang mga yun"

"so? Susunduin ko naman talaga sila kahit hindi ka sumama"

Ngumisi siya, tinignan ko siya ng masama may balak pa yata siyang agawin sa akin ang mga kapated ko.

"Kung ganun pala.. para makabawi naman ako kay Cam.. sabihan mo siya na wag nang magbaon ako na ang gagawa ng baon niya Aggie"


Natigil ako sa pag nguya ng hapunan ko, nag-unahan sina Addi at Adam na ikwento ang pagsundo ni Cameron sa kanila at sa kwento nila hindi man lang nabanggit ang pangalan ko kahit isang besis samantalang nakaupo rin naman ako sa front seat ahh.. naroon din ako.

"Ma.. nakakahiya baka sabihin nung tao na binabayaran natin siya at isipin pa nun na kailangan na niyang gawin yun araw-araw"

Kahit pa sinabi niya na susunduin naman talaga niya ang dalawa kahit wala ako.

"Agatha.. hindi lahat ng tao katulad mo mag-isip at mas mabuti na rin na may kotse si Cameron lalo na at next month aalis kami ng mama mo para sa seminar sa Cebu.. may mag hahatid na sa inyo"

Agatha's Came (Complete)Where stories live. Discover now