Last Chapter

208 11 10
                                    

WAKAS

Kanina pa ako tinitignan ni Kiana at sumisenyas, umupo si Cam sa tabi ko ngayon imbes sa harap ko kaya walang nagawa si Kiana kundi umupo sa tabi ni Liam. Nagtatanong si Kiana kung anong meron at nagkikibit balikat lang ako dahil hindi ko rin alam.

"Ang damot mo ahh"

Sita ni Liam ng sinubukan na naman niyang kumuha ng ulam ko at inilag lang ni Cam ang nilalagyan ko nun.

"Mag paluto ka sa girlfriend mo, I don't like sharing"

Nagkatinginan ulit kami ni Kiana pero may pilyang ngiti sa labi niya at uminit naman ang mukha ko. Kumain na rin ako dahil feeling ko uubusin ng katabi ko ang ulam na ako mismo ang nag luto.

"Hi Cam!"

Nagtaas ako ng tingin, palapit si Pia sa amin at malaki ang ngiti niya nasa likod niya si Paul na patungo rin sa kinaroroonan namin, samantalang diretso naman ang lakad nila Jandro at Alex papunta sa kanilang table, ni hindi man lang siya sumulyap sa akin at ganun pa rin ang itsura niya..

Napalunok ako.

Wala na ba talagang pag-asa na mabalik kami sa dati?

"Pare! Sabi ni Pia hindi ka daw pupunta mamaya? Cam naman!"

Tumayo sila sa gilid ng table namin, nagkatinginan kami ni Pia naalala ko ang nangyari nung isang araw masyado akong nasaktan kaya ganun at ngayon hindi ko alam kung tatanggapin pa ba niya kung ngingiti ako.Tapos ito si Cam.. 

Parang walang nangyaring pagbabago ng ugali niya.. paano kong bukas bumalik na naman siya sa malamig na trato niya at hindi ko na naman alam kung bakit, akala ko alam ko na kung bakit naging malamig siya sa akin nitong mga nakaraang araw pero mali ako.

"Sasamahan ko si Agatha sa kanila kaya hindi pwede.. happy birthday by the way"

Napatingin sila sa akin, as in sila Pia, Paul, Liam at Kiana na parang ako ang may kasalanan kung bakit nandito kami sa sitwasyong to. Ano bang sitwasyon to Agatha?

Alanganin akong nginitian ni Paul.

"Sumama ka nalang kaya Aggie? Para mag kabati na rin kayo ni Jandro, nakaka badtrip na rin ang isang yun ehh"

Tumingin siya sa kung nasaan sina Jandro, bago pa ako makasagot ay may sumagot na para sa akin.

"Nah. Wala ang mga magulang niya kaya hindi siya pweding gumala"

Nawala na ang ngiti ni Pia samantalang nilingon ko na ang katabi ko.

"Hindi naman sinabi nila Mama na hindi ako pweding gumala ahh"

Nagkatinginan kami ni Cam, hindi sa gusto kong gumala at alam niyang hindi ko rin gustong umalis ng bahay pero kasi nakikialam siya sa buhay ko ngayon.

"Hindi dahil hindi sinabi pwede na"

Nagtaas siya ng tingin kay Paul at inignora ang matalim na tingin ko.

"We're good Paul.. thanks for inviting us but you should still enjoy your birthday" 

Umismid ako at tumingin na sa natitirang pagkain ko. 

Mabuti sana kung hindi ako nangangamba na umiwas na naman siya kung kailan feel niyang iwasan ako.

Tahimik ako habang pauwi kami at masama pa rin ang tingin ko kay Cameron na walang tigil sa pag buntot sa akin buong araw ni hindi kami nabigyan ng pagkakataon ni Kiana na mag-usap tungkol sa kinikilos niya dahil nasa malapit siya lagi.


At kahit papasok na ako sa bahay ay nakasunod pa rin siya.

Hinagis ko ang bag ko sa sofa at hinubad ang suot kong coat, nilingon ko siya na nakasandal sa saradong pinto at binubuksan ang itim na leather notebook na kahawig ng..

Agatha's Came (Complete)Where stories live. Discover now