Chapter 12

112 7 1
                                    


TWELVE

Pagkatapos ng introduction ng subject ay pinalayas na kami ni Ms. Lopez, pero imbes umalis agad ay nag-uusap pa ang mga kaklase ko at ako naman nag dalawang isip kung anong gagawin.

Sasama ba ako kay Jandro gaya ng lagi naming ginagawa? Bakit ngayon ko lang ito naisip? Hindi ako sanay maglakad na mag-isa sa susunod na klase ko dahil laging kasama ko si Jandro pero ngayon hindi pweding maging thirdwheel ako.. ang awkward nun.

"Hi.. Cam.. what a coincident, we've met again"

Nakatayo na si Alex at kaharap na sina Pia at Cam, mabilis kong nilagay sa bag ko ang mga gamit para makaalis na kahit may thirty minutes pa bago ang susunod na klase namin.

"Kilala mo siya?" Narinig kong tanong ni Jandro.

"Yes of course, nag kita kami nung laro mo, Cam this is Jandro and Jandro this is Cameron"

Malaki ang ngiti ni Alex nung nilingon ko siya, napa upo ako ng tuwid ng marinig ang malalim na bosis ni Cam.

"Jandro.. I heard so much about you--"

Bigla akong tumayo kaya napatingin sila sa akin, kinuha ko ang aking bag at niyakap nagtataka akong tinignan ni Jandro habang bahagyang tumaas ang kilay ni Alex.

"Una na ako" Nilingon ko si Cam na nakatayo na rin pala.

"Aalis na ba tayo?"

Tanong niya sa inosenting paraan pero nakasama ko siya ng matagal kaya alam kong walang inosente sa katawan niya, tumango ako at tinaasan siya ng kilay.

" I guess we need to go"

Nagsimula nang maglakad si Cam kaya ganun rin ako kahit pa sinusundan kami ng tingin ng mga kaklase namin, nung nakalabas kami at sigurado akong walang nakikinig ay hinarap ko siya.

"May plano kang sabihin sa kanya! Nangako ka Cameron! May usapan tayo!"

Pigil ko ang pag tataas ng bosis. Sumandal siya sa pader gusto kong umatras dahil masyadong nakakaasiwa ang pwesto namin na nakatayo ako sa harap niya pero baka mapansin niya at isipin niyang binibigyan ko ng pansin ang mga walang kwentang bagay bagay.

"Oh shoot.. I almost forgot.. dapat kasi pinapaalala mo sa akin lage makakalimutin pa naman ako" He smirk.

Napatitig ako sa kanyang mukha, anong meron sa school at lalong gumugwapo ang mukha ng taong to? Ipinilig ko ang ulo. 

Agatha! Mag hunos dili ka!

"Bawal mong banggitin ang journal ko sa harap ni Jandro! Maliwanag?"

"Maybe you should stop sitting next to him so I don't have a reason to face him"

Napa awang ang labi ko, anong ibig sabihin nun? Wala akong maisip kaya pinag cross ko nalang ang braso ko sa harap.

"Malamang bestfriend ko yung tao kaya magiging magkatabi kami lage! Alangan naman umiwas ako bigla eh di magtataka yun"

Pero pinagdudahan ko na ang sinabi ko ngayong may girlfriend na si Jandro malamang hindi na pweding lagi kaming sabay... teka anong gagawin ko sa lunch? Last year ko na tapos ngayon pa ako magiging loner?

Pero..

"Anong schedule mo before lunch?" Ilang sandaling pinag-aralan ni Cam ang mukha ko.

"Gen Math"

Ahh hindi kami magkaparehas.. tumango ako.

"Hintayin mo ako sa canteen! Sabay tayong mag lulunch"

Agatha's Came (Complete)Where stories live. Discover now