Chapter 8

125 7 0
                                    

EIGHT

Jandro: See u later Aggie, 3pm wag mong kakalimutan.

Basa ko ulit ng pang isang daang besis ang text ni Jandro, Oo nga pala nakalimutan ko na ngayon nga pala ang championship nila at naalala ko ulit ang huling pagkikita namin kung saan ko siya tinakbuhan at nang dumating na kami dito ay isang kaway lang ang sinagot ko sa nagtatanong niyang mga mata nun paano ko siya haharapin nito, ilang sandali ko pang tinitigan ang screen bago ako bumangon, 

kagabi pa huminto ang ulan pagkatapos naming linisin ni Mama ang pinagkainan namin sa bahay nila Cameron habang silang apat naman ay nasa sala at hindi ko alam kung anong pinag-uusapan dahil hindi naman naka on ang TV pero nung lumabas kami mula sa kusina ay nadatnan nalang namin na malaki ang ngiti ni Papa habang tinatapik si Cam sa balikat.

"Pinakita ni Kuya ang drawing niya kay Papa"

Sagot ni Addi ng tinanong ko siya ng makauwi na kami dahil hindi na tumigil si Papa sa kakapuri kay Cam feeling ko nga papayag na yang ipagpalit kaming dalawa.

Tsk.

Nagdalawang isip akong bumangon, madilim pa rin at nagising ako ng maaga para tumakbo pero kasi maputik pa rin at tinatamad ako kapag umuulan iniisip ko pa lang na mapupuno ang sapatos ko ng putik ay napapagod na akong tumakbo.

Tumitig nalang ako sa kisame, baka bukas nalang ako tatakbo kapag maganda na ang panahon ngayon siguradong hindi na maputik ang daan bukas.

Tinaas ko si Snow para mabasa ulit ang text, hmm pupunta ba ako? Nangako na naman ako kaya dapat lang na pumunta ako. 

To Jandro: Goodluck

To Cam: Wag ka nalang tumakbo ngayon masyadong maputik -Aggie


Hindi na ako nag hintay na may mag reply sa kanila bumangon na ako at balak kong maligo ng maaga habang hindi pa ako tinatamad, dalawang banyo lang ang meron sa bahay namin at nasa baba ang isa samantalang nasa kwarto naman nila Mama ang isa pa, kung may banyo lang sa kwarto ko baka araw-araw akong maligo at kahit gabi ay baka maglinis rin ako ng katawan, nakakatamad kayang bumaba tuwing gabi.

Tinitigan ko ang sarili sa salamin, hmmm.. yung kilay kong magulo pa sa buhok ni Cameron at mata kong malaki para sa mukha kong maliit, minana ko kay Mama ang labi kong manipis at ilong ko na maliit rin yung mata ko lang talaga ang malaki. Wala naman talagang masamang tignan sa mukha ko ang pagiging tamad ko lang talaga ang problema.

Sa isip ko nga ilang besis ko nang inayos ang kilay ko at ilang besis ko na rin bang gustong magpagupit ng buhok dahil masyadong mahaba na at aksaya pa sa shampoo at conditioner. Baka pag mag eighteen na ako pwede ko nang putulin ang buhok ko at igaya kay Alice Cullin.

Pagkatapos kung maligo ay sawakas nasuklay ko na rin ang buhok ko, pinulot ko muna ang mga buhok ko na nalagas dahil sa marahas na pagsuklay ko bago lumabas ng banyo para hindi mahigh-blood si Mama.

Pagkatapos kong magbihis ng pants at longsleeve ay bumaba na ako, naabutan ko si Mama at Papa na nagkakape at malalim ang pinag-uusapan natigil sila ng makita ako.

"Ang aga mo yatang naligo Aggie.. may lakad?"

Tanong ni Mama na bahagyang sumulyap kay Papa, tumalikod si Papa mula sa akin kaya hindi ko nakikita kung katulad ni Mama ay natataranta rin ba ang itsura niya, masyadong halata si Mama kapag may lihim siya ano kayang pinag-uusapan ng mga ito?

"Ahh mamaya po... alas tres, manonood ako ng basketball"

Pinigilan kong ngumiwi ng maalala ang huling nangyari nung nanood ako ng basketball. Ngumiti si Mama ng makahulugan at sinulyapan ulit si Papa.

Agatha's Came (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora