Chapter 3

162 7 0
                                    

THREE

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatunganga at hindi makapaniwalang nakatingin sa taong yun, kitang kita ko kung paano niya nilipat sa kabilang page at para bang nagbabasa ng libro at hindi buhay ng ibang tao ang hawak niya!

Ang kaibahan lang buhay at sekreto ko ang binabasa niya!

Ngayon ko lang naramdaman ang literal na pag-init ng ulo at pati ang buong mukha ko ay uminit rin, nag martsa ako papunta sa bakuran at mabilis na yumuko hindi ko na inisip kung sino man ang walangyang taong naka upo sa paborito kong upuan at binabasa ang Journal ko.

"AKIN YAN AHH!!"

Bago ko pa mahablot sa kamay niya ay mabilis na siyang tumayo at tinaas ang kanyang kamay na may hawak ng Journal ko na para bang inaasahan talaga niyang kukunin ko iyon actually hindi na niya kailangan na itaas ang kamay dahil sa tangkad niya kahit kunting taas lang ng kamay ay hindi ko na maaabut. 

"Ano ba! Akin yan!"

Tumalon ako kahit pa imposibling makuha yun, sa galit ay nag-ulap ang mga mata ko hindi ko alam na pati pala dito sa bahay ay makakaranas ako ng pambubully. Nakakainis at wala akong magawa.

"Oo na, ibabalik ko rin ito binabasa ko lang!"

Hindi ako nagpatinag sa malalim na bosis niya at tumalon ulit ako. Tumalikod siya mula sa akin, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko at hinubad ko ang aking shinelas at itinapon sa kanyang ulo. 

Sapol ang batok niya.

Mabilis siyang lumingon, napaatras ako ng makita ang mukha ng lalaki.

Ahm..Hindi ko napansin kanina.. pero.. ang gwapo naman yata ng taong to?

Sira-ulo ka Agatha! Nasa kanya ang Journal mo at pag-aari mo yun, nandoon ang pinaka sekreto mo sa lahat na walang ibang nakakaalam at basta nalang niya binasa ng hindi nagpapaalam tapos papansinin mo pa ang itsura niya.

"Did you just throw.." Bumaba ang tingin niya sa shinelas ko sa paanan niya at lumipat sa paa ko na nakatapak sa lupa 

"..yes you just did"

Tumayo ito ng tuwid at sinipa pabalik sa akin ang shinelas, sinuot ko naman yun ng hindi hinihiwalay ang tingin sa journal ko.

"I guess this is yours"

Bahagya niyang hinagayway ang journal ko at tumaas ang makapal niyang kilay niya.

"Oo at wala kang karapatan na basahin yan, saan mo ba yan nakuha--"

Ahmm.. nabalik ko ba yan kanina sa lalagyan ko? Hindi ko maalala nagmamadali kasi akong umuwi sa bahay minsan talaga kapag sanay na sanay ka nang gawin ang isang bagay ay hindi mo na napapansin na ginagawa mo na pala.. baka naman naiwan ko iyan dito at napulot niya hindi na ako sigurado paano kung naiwan ko nga iyan dito.. ibig sabihin wala akong karapatan na saktan siya kung hindi naman niya sinasadya na makuha yun at napulot lang niya... pero ayaw niyang ibalik sa akin.

"Anyway akin na yan!"

Humakbang ulit ako palapit sa kanya, pero humakbang naman siya palayo nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya, wala siyang balak ibalik sa akin ang Journal ko!

"Mamaya na.. nagbabasa pa ako"

What?Tumalikod siya ulit sa akin, hindi ako makapaniwa sa lalaking to, uminit ulit ang mukha ko at nag martsa papunta sa harap niya.

"Hindi ko gustong basahin mo yan kaya ibalik mo na kasi yan sa akin at sino ka ba anong ginagawa mo dito!"

Sumulyap ako sa bukas na Journal ko, pinag-iisipan ko kung hahablutin ko ba hindi ko alam kung mabilis ba ang reflex niya kapag tinaas niya ulit sa kamay niya hindi ko na makukuha.

Agatha's Came (Complete)Where stories live. Discover now