Chapter 15

122 6 0
                                    

FIFTEEN

Late na naman akong nagising kaya hindi na ako naligo, naka messy bun ang buhok ko may sariling buhay kasi siya kapag hindi nababasa at ayaw kong buong araw kong pinipigilan ang buhok kong pumasok sa bibig ko, nung bumaba ako ay handa na ang baon namin basta ko nalang kinuha ang lunch box ko ng hindi ko tinitignan ang laman nun, minsan gusto ko na rin na hindi na mag dala ng lunch box at bumili nalang ng tanghalian sa canteen lalo na kapag naaalala ko ang nangyari kahapon.

"Good morning"

Narinig ko ang bosis ni Cam sa pinto at binilisan ko nang linisin ang pinagkainan namin para wala na akong gawin mamaya pag-uwi ko, hindi ko siya nilingon kahit alam kong nasa loob na siya ng bahay.

"Ate tara na!"

Nagtakbuhan na ang dalawa palabas ng bahay, nagpunas ako ng kamay at humarap na sa pinto kung saan nakatayo si Cam, naabutan ko siyang nakatingin sa akin, habang tinitignan siya ay naalala ko na naman ang ginawa niya kahapon hindi ako makapaniwalang hindi nabawasan ang inis ko sa kanya.

Hindi ko siya pinansin at nag lakad na para kunin ang bag sa sofa.

"So anong ulam natin ngayon--"

"Ewan"

Mabilis kong sagot kahit hindi pa man niya tapos itanong yun, lumabas ako at hinintay siyang lumabas.. ilang sandali siyang nakatayo sa hamba ng pinto at nakatingin lang sa akin samantalang inabala ko ang sarili sa mga susi na hawak para lang hindi siya matignan, siya na mismo ang nagsara ng pinto kaya sinigurado ko nalang na naka lock yun at mabilis na naglakad papunta sa kotse niya.

Kinakausap na niya ako ngayon? Tapos na siya sa pagtatampo niya na hindi ko naman alam kung bakit? Kung ganun pala dapat hindi na niya kami hinahatid sa School. 

Naaabala pa namin siya diba.

Bahala siya sa buhay niya.


Buong byahe ay ang kambal lang ang maingay at paminsan minsan rin naman na sumasagot si Cam sa sinasabi ng dalawa pero hindi ko magawang makipag tawanan sa kanya ngayon, mabilis akong lumabas sa kanyang kotse nung nakarating kami sa school, narinig ko ang pag bagsak rin ng kanyang pinto pero hindi na ako lumingon, sumabay ako sa dagsa ng mga estudyante sa hallway.

"Agatha"

Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Cam sa akin o ang tingin na nakukuha ko sa mga nadadaanan namin, nag kunwari akong hindi siya naririnig at kapag nagtanong siya kung bakit hindi ko siya pinapansin sasabihin ko nalang na hindi ko siya narinig.

Hindi ko alam kung bakit nasa likod ko nakaupo si Cameron ngayon,dapat nasa likod siya ng classroom pero nakita ko nalang na pumuwesto siya mismo sa likod ko, katabi ko si Kiana at kanina pa niya ako tinitignan at pinanlalakihan ng mata habang nakakunot naman ang noo ko.

Yumuko ako ng makitang pumasok na si Pia, ayaw kong makita kung paano sila mag ngitian dalawa. Nahinto ako sa ginagawang pagsusulat..

Anong ibig sabihin nun Agatha?

Hindi ako mapakali habang nag sasalita ang teacher namin, lalo na at nararamdaman ko ang bahagyang pag galaw ng upuan ko tuwing sinisipa ni Cam, sinasadya o hindi hindi ko siya nilingon kahit isang besis.

"Ikaw naman ang nagtatampo ngayon?"

Tawa ni Kiana, kanina pa siya natutuwa sa nangyayari papunta na kami sa canteen ang alam ko may klase pa sina Jandro ngayon kaya malamang hindi makakasama si Pia sa amin ngayon.

Dumating kami na nasa table na ang dalawa at nag-uusap, ito na yata ang pinakamatagal na pagkainis ko sa isang tao, nakakairita naman talaga.

Wala akong nakitang ulam sa harap niya kaya malamang hinihintay niya na ilabas ko ang ulam namin, hindi ko nilagay sa gitna ang ulam ng nailabas ko na pero hinila yun ni Cam kaya wala akong nagawa kundi maki share sa kanya.

Agatha's Came (Complete)Where stories live. Discover now