Chapter 20

145 8 0
                                    

TWENTY

Pag pasok ko sa canteen ay sakto namang nag tayuan mula sa kanilang mahabang mesa sina Jandro kasama ang iba pang basketball player, ilang saglit lang akong natigilan bago ako tumingin sa pwesto namin kung saan nandoon na si Kiana at Liam at ang tapos ng kumain na si Pia at Cameron.

Ganun pa rin ang epekto ni Cam sa akin kahit hindi naman siya tumitingin, tumatalon ang puso ko kapag nakikita ko siya. Tumikhim ako at nagsimula nang maglakad papunta sa kanila.Kumaway si Kiana sa akin kaya nag-angat sila ng tingin sa akin. pero bago pa tuluyang tumingin si Cam ay nabaling ang tingin ko sa kamay na humawak sa braso ko.

"Aggie.. pwede ba kitang makausap"

Sabi ni Jandro habang mahigpit ang hawak sa braso ko, alam kong hindi ko maiiwasan na kausapin siya pero hindi ko lang inaasahan na ngayon talaga.

"Jandro.."

Bumalik ang tingin ko sa kinaroroonan nila Cameron, nakatalikod na siya sa akin samantalang naka titig naman sina Kiana sa amin, hindi lang naman sila ang nag-aabang kung anong mangyayari.

".. please.. Aggie"

Nagsusumamo ang bosis ni Jandro at nung tignan ko siya ay determinado ang kanyang mga mata, bumuntong hininga ako at tumango. Agad niya akong hinila palabas sa canteen, nakita ko pa ang poker face na si Alex katabi ang ibang mga kasama ni Jandro bago kami tuluyang nakalabas.

"Aggie.. sorry, hindi ko alam kung paano humingi ng tawad sa nangyari last week, sinubukan ko namang pigilan si Alex"

"..sana na intindihan mo kung bakit ko yun nasabi--"

Umiling ako at humakbang palayo kay Jandro, nasa hallway kami kung saan kunti lang ang mga dumadaan dahil paalis ito sa canteen at tanghalian ngayon kaya papunta ang mga tao sa canteen.

"Jandro.. ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mo kailangang sabihin kay Alex kung anong nararamdaman ko"

Diretso at malamig kong sabi sa kanya ng nilingon ko siya, napalunok siya at nakita ko kung paanong bumagsak ang kanyang mga balikat, kung inaakala niyang magiging madali ang usapang ito nagkakamali siya, hindi ito katulad ng lagi naming usapan na ako lage ang tumatango at umiintindi sa kanya. Gusto kong magsalita ngayon dahil may karapatan ako.

"..totoong gusto kita sa mga panahon na nakita mong gusto kita, pero Jandro ginawa ko naman ang lahat para iparamdam sayo na walang nagbago diba? Sana nirespito mo yun at tinulungan mo akong bumalik sa dati.. kung saan kaibigan lang ang tingin ko sayo.. pero hindi.. umasta kang ayos lang.. at ang malala, kinailangan mo pang sabihin sa ibang tao--"

"Inaamin ko, nabigla ako at nasabi ko kay Alex yun.. kasalanan ko, pero Aggie kaya ako umastang wala lang dahil ayaw kong may magbago sa atin.. kaibigan kita at ayaw kong magbago yun"

Tumango ako, kung narinig ko yan nung mga panahon na pinapangarap ko pa siyang maging boyfriend ay baka umiyak na ako sa kahihiyan pero ngayon wala akong ibang maramdaman kundi panghihinayang.

"Pero hindi mo ako tinulungan.. at paanong walang magbabago kung pinili mo na si Alex--"

"Aggrr.. Aggie.. si Alex ay si Alex, tinanong niya ako dahil siya si Alex, intindihin mo naman ako kung bakit ko yun nasabi.. alam mong mahalaga ka sa akin"

Humakbang siya palapit sa akin, umiling ako at matapang na sinalubong ang tingin ni Jandro.

"Nakakapagod ka nang intindihin Jandro, hindi sayo umiikot ang buong mundo gaya ng paniniwala mo, wala akong pakialam kung siya si Alex at ugali niyang magtanong ng ganun! Ang alam ko lang sinira mo ang tiwala ko sayo--"

Agatha's Came (Complete)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें