Chapter 10

129 6 0
                                    

TEN

Malapit na kami sa kanto kung saan ako humihinto pero wala yatang balak si Cam kaya kinailangan ko pa siyang hilahin para huminto, nagtataka niya akong tinignan huminga ako ng malalim.

"Hanggang dito lang ako"

Habol ko ang paghinga, hindi man normal ang paghinga ni Cam ay hindi naman ganun ka bilis at para bang sanay na sanay siya sa pagtakbo.

"Hindi ka umaabot sa tulay?"

Mabilis akong umiling, nag-aagaw na ang liwanag at dilim ngayon siguradong nagkakape na sina Mama at dapat nakauwi na ako.

"Hindi.. madilim dun"

Bahagyang tumawa si Cam pero hindi ko siya pinansin, nahirapan pa akong ilabas si Snow at para etext si Mama na ayos lang ako, nung nakuha ko na ay tama nga ako may text na si Mama kung nasaan na ako, bago pa man ako makapag reply ay tumunog na ang maximum volume na ringtone ko sigurado kapag hindi ko pa ito sinagot lahat ng natutulog sa bahay na nasa malapit ay magigising.

"Ma--"

"Nasaan ka, bakit hindi ka sumasagot sa text?" Napakamot ako sa noo.

"Late akong nagising kanina kaya late rin akong nagsimulang tumakbo.. hindi ko napansin yung text"Hinila ako ni Cam sa gilid ng may dumaang motor.

"You should try to--"Sininyasan ko si Cam na tumahimik.

"Kasama mo si Cam?"

Err.. tinignan ko ng masama ang katabi pero hindi naman siya nakatingin sa akin dahil malayo ang tingin niya.

"Opo, sinamahan niya ako nung nagkasalubong kami--"

"Uh sige.. yayain mo siyang mag-almusal dito ha magluluto na ako, mamaya pa ang balik ni Cassie"

Bago pa ako makasagot ay pinatayan na ako ng tawag ni Mama, hindi ako makapaniwalang napatitig sa cellphone ko. What is that? Nalaman lang niyang kasama ko si Cam hindi na tinanong kung anong oras ako uuwi?

"Let's go.."

Nung nilingon ko siya ay nagsimula na siyang tumakbo papunta sa tulay, kung iwan ko nalang kaya siya at bumalik na sa bahay at pagalitan ni Mama kapag nalaman kung bakit walang Cam.

"Naman"

Sumunod na ako sa kanya, wala masyadong umaabot sa tulay dahil madilim at naririnig ko ang mga sabi-sabi nila na may nagpakamatay daw dun ilang taon na ang nakakalipas kaya kahit lumapit o makita ang tulay na iyon ay iniiwasan ko.

"Cameron!"

Binilisan ko ang takbo para mahabol siya, ni hindi man lang lumingon tuloy-tuloy ang takbo niya hanggang sa makita ko na ang tulay sa hindi kalayuan, medyo maliwanag na ngayon pero makapal ang fogs at nakakapanindig balahibo talaga ang aura ng kulay, luma na ito at ilang besis nang binago pero yung pondasyon na makakapal na kahoy ay nandoon pa rin.

"Cam!"

Pinagpawisan na ako na walang kinalaman sa pag takbo at umiinit na rin ang ulo ko sa lalaking to hindi ba niya ako naririnig? Patuloy pa rin ang pagtakbo niya kaya wala akong nagawa kundi sumunod pero ng makita ko na siyang nakatungtong sa tulay nagdalawang isip na ako.

"Cameron ano ba!"

Inis na sigaw ko na agad kong pinagsisihan, paano kung may mga nakatira ditong nilalang at nagising dahil sa ingay ko? Kasalanan ito ni Cam na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nililingon. Malapit na sa dulo si Cam ng makalapit ako sa tulay, malaki naman ang tulay at pweding daanan ng motor o tricycle hindi rin gaano kalalim ang pagitan nito at ng sapa sa ilalim pero naglalakihang kahoy naman ang makikita mo sa paligid ng sapa at kahit sa magkabilang gilid ng tulay ay may mga puno ng balite.

Agatha's Came (Complete)Место, где живут истории. Откройте их для себя