Chapter 16

128 7 0
                                    

SIXTEEN

Kinabukasan ay hindi na ako pumasok, pati si Adeline ay hindi ko na rin pinapasok, tinext ko nalang si Cam na wag nang pumunta dito pero pumunta pa rin siya para e-check kami at sabihing dinalhan ni Tita Cassie ng agahan sina Mama.

Hindi ko pa rin nagawang magpasalamat kay Cam, Ten AM ng nakatanggap ako ng text galing kay Jandro tinatanong kung bakit ako umabsent, I guess hindi sinabi ni Cam kung anong nangyari.

To Jandro: Si Adam kasi kinailangan dalhin sa ospital dahil sa allergy niya sa Aso, pero ayos na siya.

Ngayon na binasa ko ang text ko, parang simple lang ang nangyari pero hanggang ngayon kapag naalala ko ang itsura ng dalawa ng pumasok ako sa kwarto nila ay nanginginig pa rin ako.

Alas dose ng umuwi si Mama para magbihis at dalhan ng damit si Adam at si Papa, maayos na daw si Adam at pwede na siyang umuwi hinihintay lang na umabot ng twenty four hours ang stay niya sa ospital.

Syaka lang guminhawa ang pakiramdam ko nang sinabi ni Mama na naiinip na si Adam doon at gusto ng umuwi.

Alas tres ng kumatok si Cam sa pinto namin na may dalang pizza at milk tea, mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang suot ko, umirap ako alam kong pinagtatawanan niya ako.

Suot ko ang lumang jogging pants ko at tshirt na kasya ang dalawang tao sa loob, kahapon ko pa hindi sinusuklay ang buhok ko at hindi pa ako naghihilamos simula kagabi kaya.. alam ko kung anong itsura ko.

"Yeah! Pizza, bibigyan ko si Adang!"

Bago ko pa mapigilan si Addi ay mabilis na siyang pumunta sa kusina para kumuha ng pinggan, umiling ako at umupo na sa sofa, habang sa sahig naman umupo si Cam at sumandal sa sofa, nilagay niya sa harap ang pizza at kumuha doon.

"May allergy rin si Lolo Nardo, yung sa kanya ay sa sea food kaya maging sina Mama hindi nakakakain ng kahit anong sea food" tinitigan ko ang likod ni Cam.

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit walang laman ang Dog house sa gilid ng bahay nyo"

Sumubo siya, gusto ko man siyang pagmasdan ay ginutom ako habang nakatingin sa kanyang kumakain at naaamoy ko ang cheese mula sa pizza, kumuha ako sakto namang dumating si Addi, nilagyan ko ang pinggang dala niya ng dalawang slice at agad niyang dinala sa kusina.

"Hindi naman ganun kalala ang nangyari noon.. one years old yata sila nung bigla nalang inubo si Adam ng walang tigil na nahihirapan na siyang huminga kaya dinala siya sa ospital ni Mama tapos nalaman namin na allergic pala siya sa aso naming si Lucy.. medyo nagtampo pa ako nung pinamigay ni Papa ang aso ko"

Hindi ko na masyadong maalala yun kaya nagkibit balikat nalang ako at kumain na, hindi ako nakakain ng maayos simula pa kagabi kaya ngayon ay gutom na gutom ako.

"Well nababawasan naman daw ang reaksyon ng katawan ng tao na allergic sa kung ano"Sumandal ako sa backrest at tumitig sa kisame.

"Kumusta ang Lolo mo?"

Tanong ko sa mahinang bosis, gusto kong iparating sa kanya na ayos lang na hindi niya sagutin at hindi ko siya pipilitin.

"Ayos lang, si Lolo Miguel ang ayaw payagan si Mama na lumipat dito.. supportado naman ni Lolo Nardo si Mama kahit anong gawin nito.. but they're fine now"

Now?

Ibig sabihin may time na hindi? I wonder kung bakit sila lumipat dito.

."My Mom got pregnant when she's young.. tinanggap pa rin siya nila Lolo at sila ang tumayong ama ko"

Narinig ko ang pagtikhim niya gusto ko sana siyang pigilan kung ayaw naman niyang mag kwento ay ayos lang pero ayaw ko rin na isipin niya na hindi ako interesado sa sinasabi niya kaya nanahimik nalang ako.

Agatha's Came (Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang