Chapter 17

124 7 0
                                    

SEVENTEEN

"Nag-usap ba kayo ng coach nila Jandro?"

Tanong ko ng bumalik si Cameron sa table namin, nilapag niya ang number at nangalumbaba habang nakatingin sa akin. Umayos ako.

"Gusto niyang sumali ako sa team and I said no"

Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya kaya ginala ko nalang ang tingin sa loob ng Greenwich, mukang gutom nga siya at hindi na siya makapaghintay na umuwi.

"Bakit ayaw mong sumali?" Tanong ko ng humaba pa ang katahimikan.

"Because in order to play effectively as a team Agatha, we need to trust each other and building trust takes time, I have only this year so it's useless"

Bumalik ang tingin ko sa kanya at ganun pa rin ang tingin niya, seryoso at binabasa kong ano mang nasa mukha ko, tumikhim ako. Bakit ba ganyan siya makatingin?

"Sigurado naman akong pinagkakatiwalaan ka nila dahil hindi ka nila e-coconsider na maging ka team kung hindi--"

"But I don't and that's the thing" Tinikom ko ang bibig, ilang sandali kaming nagtitigan.

".. pero pinagkakatiwalaan mo naman siguro si Jandro diba--"

"No, I don't trust him"

Nagdikit ang kilay ko, nanghahamon na ngayon ang tingin niya, para bang gusto niyang batuhin ko siya ng mga tanong at sasagutin niya agad ng pabalang o seryoso. Sabagay kakakilala lang niya kay Jandro sa personal puro sulat ko lang yung alam niya tungkol sa kaibigan ko. 

Naalala ko ang nalaman ko.. gusto kong sabihin sa kanya kaya lang nakakainis ang imahe niya nung kausap yung babaeng yun ehh.. bakit kasi hindi niya kinukwento sa akin kung sino-sino ang mga kakilala niya diba?

Ginaya ko siya, nangalumbaba ako at tinitigan siya pabalik ilang besis akong kumurap at kinalma ang sarili, tumaas ang kilay niya.

"Sino yung kausap mo kanina?"

Kumislap ang mga mata niya at tumaas ang gilid ng labi, kinabahan ako sa hindi malamang kadahilanan.

"Marami akong kausap kanina Agatha.."

Naka half smile na siya ngayon, kumunot ang noo ko at umayos na nang upo, bumuntong hininga ako at umiling.

"Wala kalimutan mo na.."

Buti nalang dumating na ang pagkain ni Cam na isang medium size Hawaiian pizza with side dishes tinulungan ko siyang kumain kahit na lumilipad ang utak ko sa kung saan.

Bakit naman kailangan kong malaman kong sino yung babaeng kausap niya? Syempre wala akong pakialam at hindi ko na problema yun at wala rin siyang obligasyon para sabihin sa akin kung sino man ang mga nakakausap niya at bakit ba big deal sa akin yun?

Pero hindi mawala sa isip ko na parang dumi na alam kong nandoon.. tsk!

Tahimik lang kaming kumain.

"If you want to ask something fire away"

Mula sa kinakain ay nilipat ko ang tingin sa kanyang mukha, nagbibiro siya diba? Seryoso siyang sumusubo kaya malamang seryso siya.

"Bakit naman ako magtatanong.. hindi mo rin naman sasagutin"

Inis na sabi ko, nagkatinginan kami ng magtaas rin siya ng tingin.

"Sinabi ko na sa'yo ang tungkol sa pamilya ko, diba yun naman ang gusto mong malaman una palang?"

Nakakunot noo niyang sabi, huminga ako ng malalim at umiling.

Agatha's Came (Complete)Where stories live. Discover now