Chapter 4

139 7 0
                                    

FOUR

Nagising ako sa natural na oras ng pag gising ko, alas kwatro ng umaga at tahimik pa ang buong bahay tumitig ako sa kisame masyadong maginaw.. hindi nalang siguro ako tatakbo ngayon..Pero kapag pinagbigyan ko ang sariling hindi tumakbo ngayon siguradong pagbibigyan ko rin ang sarili ko bukas, bumangon na ako. 

Unti-unti akong nagbihis kumpara sa ginagawa ko tuwing umaga masyadong mabagal ang usad ko ngayon dahil wala akong ganang tumakbo.

Limang minuto lang ang ginawad ko sa pag wawarm-up at agad nang bumaba bago pa magbago ang isip ko at bumalik sa pagtulog. Suot ko pa rin ang Orange na coverall ko at jogging pants na maluwag, hindi ko na sinuklay ang buhok ko at basta ko nalang inipon sa itaas ng ulo ko ang magulo kong buhok.

Nung buksan ko ang pinto palabas ng bahay at salubungin ako ng malamig na hangin ay nag pasalamat ako at hindi ako nagpadaig sa kagustuhan kong matulog ulit.

Sinigurado ko munang naka lock ang pinto at naglakad na papunta sa kalsada, nahagip ng tingin ko ang ilaw sa kabilang bahay.. hindi ba sila nagpapatay ng ilaw?Pinag kibit balikat ko iyon at ng makaapak na ako sa seminto ay kumaripas na ako ng takbo, agad luminaw ang isip ko at ang gusto ko nalang ay makarating sa finish line ko at pag pawisan ngayong umaga. 

Habang tumatakbo ay ginalaw galaw ko ang aking mga braso at paminsan minsan ay humihinto ako para igalaw ang baywang ko. 

Normal lang na may mga nakakasabay akong tumakbo kaya ng marinig ko ang mga yapak ng sapatos ay hindi na ako nagulat.Pero ng palapit na ang kung sino at nanatili itong nasa likod ko ay hindi ko na napigilang hindi lumingon ang hindi ko inaasahan ang makitang si Cameron yun.

 Napahinto ako sa pagtakbo at dahil tumatakbo siya sa likod ko ay huli na para huminto rin siya, sa lakas ng pagkakabangga ay nadala ko siya sa pagkakatapon dahil nahawakan ko ang kanyang jacket.

"Aray!"

"SHIT"

Magkasabay pa kaming nagsalita, dahil nakatalikod ako ay bumagsak akong nakaupo at pakiramdam ko nawasak ang boto ko sa pwet samantalang siya ay nakadagan sa akin ang isang paa niya at nakadapa siya sa seminto. 

"Bakit ka ba kasi huminto!?"

Dahan dahan siyang bumangon habang pa pikit pikit dahil siguro sa sakit, ako man ay nahihirapang panatilihing maayos ang aking mukha kahit gustong gusto ko nang ngumiwi.

"Bakit ka ba kasi nang gugulat?" Pumikit ako ng mariin ng sinubukan kong tumayo. 

"Hindi kita ginulat, ikaw lang itong matatakotin"

Aggrr... 

nakatayo na siya samantalang hindi ko man lang magawang e-angat ang aking pwet. Paano kung hindi na ako makatayo or worse.. paano kung hindi na ako makatakbo ulit--

"Hey.. ayos ka lang.. namumutla ka yata"

Sinubukan kong tumayo, hindi pupweding maging baldado na ako habang buhay! Hindi na ako umangal ng hinawakan ni Cameron ang dalawa kong braso para tulungang tumayo. Nang nagawa ko naman at hindi naman pala ganun kalala dahil kaya ko pang tumayo ay ngumisi ako.

"Hah! Hindi pa ako baldado!"

Tumaas ang gilid ng labi ng kaharap ko at naalala kong siya nga pala ang dahilan kung bakit muntik na akong hindi makalakad, hinablot ko ang aking braso sa kanya at inismiran siya.

Masakit pa rin.

Humakbang ako palayo sa kanya.. kaya kong maglakad pero tingin ko hindi ko pa kayang tumakbo.

"Bakit ba kasi bigla ka nalang sumusulpot! Sira-ulo ka ba?"

"Ahh.. excuse me pero hindi dahil bigla nalang akong sumusulpot ay ibig sabihin baliw na ako"

Agatha's Came (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon