Chapter 6

115 6 0
                                    

Six

Hindi na ako nagulat ng magising na may araw na, hating gabi na yata ako nakatulog kagabi.. Ilang besis na bang natanong kung anong number ko at lagi nila akong binibigyan ng hindi makapaniwalang tingin kapag sinasabi kong wala akong cellphone na para bang part iyon ng pagiging normal na teenager.. well sabihin niyo yan sa Lola ko.

Mabilis akong bumangon at bumaling sa Night stand kung saan ko nilagay yun kagabi.

Naroon pa rin siya..

Malapad ang screen, sleek black and very real!

Nag desisyon akong pangalanan siyang Snow white at Snow ang nick name niya.

Kagabi ko pa pinag-iisipan kung etetext ko si Jandro, may maliit ako na notebook kung saan nakasulat ang lahat ng number ng mga kasama ko kasama na roon ang kay Jandro na kagabi ko pa nilagay sa phonebook ko.

Okay.. 

Mabilis kong kinuha ang cellphone at mabilis rin akong bumalik sa kama, binuksan ko ang messege app

Nag type ako..

To Jandro: Good morning! <3

Sending..

Sent.

Nilapag ko si Snow sa kama at mabilis na lumayo doon.. siguradong gising na si Jandro ngayon, muntik na akong mapatalon sa gulat  ng tumunog ang ringtone ko para sa tawag.. naka default palang at pinag-iisipan ko pa kung anong magandang gawing ringtone.

Mabilis kong pinulot si Snow.

Jandro Calling..

Teka bakit siya tumatawag? 

Hindi ko naman sinabi kong sino ako sa text ko ahh..

Answer.. Decline..

Pangatlong ring pa bago ko sinagot ang tawag, nakangiti na ako habang hinihintay ang bosis ni Jandro sa kabilang linya.

"Hello? Sino 'to?"

Nawala ang ngiti ko, tinignan ko ang screen baka mali ang number na nalagay ko babae ang sumagot, binalik ko sa tenga si Snow para sabihin na namali lang ang pag dial ko.

"Sorry wrong num---"

"Bitch! Anong wrong number.. kung si Jandro ang hinahanap mo para sabihin ko sayo may girlfriend na iyong tao at kung sino ka man.. get loss"

Sunod na narinig ko ay ang dial tone.. 

Napatitig ako sa Screen.. tama pala ang number..

kaya lang hawak ni Alex ang cellphone ni Jandro.


"Walang ano man! Mas mabuti nga iyon at may kausap na si Cam.."

Hindi pa ako tuluyang nakakababa sa hagdanan ay narinig ko na ang bosis ni Tita Cassie kausap niya si Mama sa hamba ng pinto naka handa na silang umalis samantang mukang ganun rin si Tita dahil naka bihis na siya.

"Good morning Aggie"

Nakangiting bati ni tita ng nakita na niya ako, napalingon si Mama sa akin at bumaba agad ang tingin niya sa kamay ko hindi ko alam baka hinahanap niya ang cellphone, iniwan ko sa kwarto.

"Good morning tita.."

Ngumiti ako at tuluyan na akong naka baba, nilingon ko ang kusina para hanapin ang mga kapated ko pero si Papa lang ang nandoon at nakatayong umiinom ng kape at walang kambal.

"Buti naman at bumaba ka na Aggie, pumayag na si Cam na sabay kayong tumakbo tuwing umaga para na rin mapanatag ang loob namin"

Bumalik agad ang tingin ko sa dalawa, alanganin na akong ngumiti ngayon.

Agatha's Came (Complete)Where stories live. Discover now