Chapter 7

125 6 0
                                    


SEVEN

Linggo ngayon kaya kahit gusto kong magkulong sa kwarto ko ay hindi pwede, tumulong ako kay Mama na mag luto at nanood kami ng movie kasama si Papa.

Kinahapunan ay sa labas kami ng bahay tumambay, nakaupo ako sa gilid ng kalsada habang pinapanood ang kambal na mag bike, si Snow ay nasa kwarto ko at napuno na yata yun ng picture ng kambal since pinag-agawan nila yun kaninang tanghali.

"Aggie! Dalhin mo nga ito kina Tita Cassie.."

Nagtaas ako ng tingin kay Mama, may dala siyang Tupperware na may lamang cookies kanina pa siya nag ba-bake ng kung ano-ano.

"Nakauwi na po ba sila?" Tumayo ako at tinanggap na ang lalagyan. 

Nilingon ko ang bahay nila Cam wala pa rin ang kanilang kotse pero baka umalis si Tita madalas yung umaalis ehh.

"Si Cam ang nasa loob umalis kanina si Cassie, sige na"

Bago pa ako makasagot ay tumalikod na si Mama mukang may niluluto pa siya sa loob kaya nagmamadali, bumuntong hininga ako at naglakad na papunta sa kabilang bahay.

Sumunod sa akin ang dalawa habang sakay sa kanilang bike, tinignan ko sila ng masama ng muntik na silang magkabanggaan dahil pinipilit nilang lumapit sa akin.

Iniwan ng dalawa ang kanilang bike sa kalsada at sinamahan akong pumasok sa bakuran nila Cam, bago pa nga ako makalapit sa pinto ay sabay na silang dalawang kumatok umikot nalang ang mata ko.

"Kuya!"

Niyakap na ni Addi si Cam kahit hindi pa ganun ka bukas ang pinto, ngumisi si Cam at nagtaas ng tingin sa akin umiwas ako ng tingin at inabot sa kanya ang dala ko.

"Pinabibigay ni Mama" Ilang sandali pa bago niya kinuha ang dala ko.

"Pwede po bang dito muna kami?"

Tanong ni Addi na kulang nalang ay pumasok sa bahay, humakbang ako para hilahin na siya paalis doon ng tumabi si Cam at pinapasok ang dalawa.

"Addi! Adam! Ano ba umuwi na tayo, yung bike niyo!"

Geh! 

Paano ko dadalhin ang dalawang bike na iyon?

"Ako na"

Nilampasan ako ni Cam, sinundan ko siya ng tingin at nang makita ko kung anong gagawin niya ay sinundan ko na siya walang kahirap hirap niyang hinila ang dalawang bike papasok sa kanilang bakuran.

"Bakit mo pa kasi pinapasok" Inis kong sabi habang sinusundan siya sa kanyang ginagawa.

"Kasi gusto nila.. anong meron? Mukha kang pinagsakloban ng langit ahh"

Iirapan ko sana siya ng matigilan ako, ilang besis ko bang napagalitan ang dalawa kanina? Ilang besis ko bang hindi pinansin ang mga sinasabi ni Papa habang nanonood kami ng palabas..

Geh Agatha.

Pumikit ako ng mariin, hindi ko napapansin kasi naman noon kapag badmood ako sinusulat ko lang naman sa Journal ko.. nung dumilat ako ay nasa harap ko na si Cam, nakayuko siya habang tinitignan ako. Kinalma ko ang sarili.

"Wala. Akin na kasi yung Journal ko!"

Pinigilan kong sumigaw, tumaas lang ang kilay ni Cam at ngayong masyado kaming malapit ay ngayon ko lang napansin ang mga mata niyang kasing itim ng kanyang buhok.

"Why? Ano bang gusto mong isulat dun? Nabasa ko na naman ang lahat na sinulat mo kaya pwede mo nang sabihin sa akin kung ano pang isusulat mo dun"

Hindi ako makapaniwalang pinanlakihan siya ng mata.

Agatha's Came (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon