II: Sweeter

2.5K 60 15
                                    

General POV

Mahigit isang buwan na nang sabay sabay na salubungin ng it's showtime family ang pagpasok ng bagong taon,2019. Isang taon na naman ang lumipas pero patibay pa din ng patibay ang samahan nila bilang isang pamilya. Ang mga karaniwang tao noon na nangangarap ay kanilang nabibigyan ng pagkakataon na makapagtanghal sa kanilang programa kahit hindi man ito lahat nakakuha ng titulo. At dahil dito ay patuloy na dumadami ang kanilang pamilya.

Kaya naman ay hindi nakakapagtakang wala ring palya ang pagdating ng mga biyaya sa kanila. Awards, more TV shows para sa mga host at sa mga miyembro pa nito, at pati na din concerts.

Speaking of concerts, ngayon naman ay magaganap ang pinakainaabangang concerts ng Phenomenal star ng bansa, kasama ang Asia's songbird.

Kasalukuyang nag aayos ang mga staff para sa next performance sa Resorts World Manila para sa huling gabi ng three night concert nina Regine at Vice na entitled "The songbird and the songhorse".

Samantala, ang napakabait na jowa ng nanay nating bakla, ay naghihintay sa Dressing room nya. May hawak itong boquet of tulips para sa nobya. At may dala dala din itong bottled water, tissue at kung ano-ano pa para sa kanya.

Maya maya pa ay pumasok si Vice ng dressing room na kagagaling lang mula sa pagkanta at pagsayaw nakasuot ito ng pulang damit at kitang kita naman ang mahaba at makinis nitong legs.

"Lab." Bati ni Ion. Tinignan naman sya nito saka nginitian."Napagod ako." Sambit nya papalapit sa nobyo at sunod namang pumasok ang mga bakla.

Ipinanghila naman sya ni Ion ng upuan at inilapit ito sa pwesto nya. Nang makaupo ang bakla ay agad syang kumuha ng panyo at pinunasan ang noo nito na namamamawis dahil kagagaling lamang sa isang nakakapagod na performance.

"Ayyy ang sweet!"

"Sana all mamah!"

"Gusto ko din ng ganyan Me!"

"Iba ka meme!"

Nilingon naman nila ang mga bakla. Nginitian lang ito ni Ion habang si Vice naman ay bumelat sa mga ito.

"Tsee mga inggetera kayo." Sambit nya.

"Ayssess meme,sige na nga doon muna kami sa kabila kukunin lang namin yung wig mo" sagot ni Buern habang hinihila sina Kitty.

Natawa naman si Vice ng makitang nilalakihan nito ng mata ang iba pang mga bakla. Kalaunan ay bumulong pa ito.

"Pssst,Exit tayo dito.Bigyan ng time ang mag lovers." Tinawanan naman nila ito.

"Bumulong ka pa Ruben rinig na rinig ko dito." Wika ni Vice.

"Ahahahahahahahahaha" tumawa naman ang mga bakla.

"Ahahahah,sige na mga bakla.Doon muna tayo sa kabila."Sambit naman ni Archie.At nagsitayuan din ang mga bakla."ayusin natin iyong mga damit ni meme."

"Ayy sayang akala ko manonood na tayo ng live show ee." Singit naman ni Budi na ikinatawa nilang lahat.

"Mga siraulo!" Pahabol ni Vice dahil bigla nalang lumabas ang mga ito.

Nilingon naman nya si Ion na ngayon ay inaayos ang mga dala nito.

"Nuyan?." Tanong nya habang tinuturo ang mga dala nito. Nilingon naman sya nito at inilabas ang bottled water saka binuksan.

"Pagkain tsaka mga energy drink." Sagot nito bago inabot ang tubig."Tubig mo Lab oh." Inabot naman nya ito bago uminom.

"Thank you." Nginitian naman sya ng huli at ng mapansing pinagpapawisan sya ay agad nitong kinuha ang panyo sa bulsa saka pinunasan. Napangiti naman sya habang pinagmamasdan ang jowa nyang abala sa pagpupunas ng mga pawis nya.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now