XXX : Sana all

1.3K 53 10
                                    

Matapos sabihin ang mga katagang iyon natahimik na lamang silang pareho.Maya maya naman ay dumating si Archie upang tawagin ang bakla.

"Me,sa tingin ko kailangan na nating umuwi. Its almost 10.Lagot ka na naman nyan bukas."anito saka tumingin kay Calvin."Boss."

Ngumiti naman ang lalaki rito."Yeah. I think you should go. Late ka na naman nyan sa showtime bukas."biro nito.

"Wow ha?Humabol ka pa ng ganyan ha?"natawa naman ang huli.

'Ay wow!Okay na sila?.'ani Archie sa isip.

"Ano Me?"

"Ihatid ko na kayo sa labas.?"alok ng lalaki.

"Sige."at sinamahan na nga sila nito pabalik. Matapos nitong magpaalam sa mga kapamilya at kaibigan ng may kaarawan ay agad na silang sumakay sa sasakyan.

"Lipat tayong Revel sandali."


"Andito sina Direk Cathy oh. Pati yung mga cast ng pelikula."ani Erna.

Agad namang nilibot ng bakla ang paningin upang maghanap ng isang mukhang kanina ay kinaiinisan nya.

"Ganda!"tawag ng direktor."Kasama nyo ba si Ion?"

"Diba kayo ang kasama nya direk?"

"No,no. Pagkatapos na pagkatapos nga ng last take nya,nagpaalam na sya agad sa assistant ko at nagmamadaling umuwi. Though alam nya namang may celebration kami. Akala ko tuloy di mo pinayagan."anito at mukhang napansin naman nyang hindi rin alam ng bakla kung nasan nga ang huli kaya napagpasyahan nitong bumalik na lamang sa pwesto nila.

Hinarap naman ng bakla si Buern."Kaya ba tayo nandito Buern?"

"Akala ko kasi nandito rin jowa mo eh."

**

"Wag kayong magtinginan ng ganiyan,"anang bakla."Kung gusto nyong magtanong, magtanong kayo,para malinaw tayo rito."

Mula pa ng makabalik sila sa sasakyan ay bumalik rin ang katahimikan at kanina nya pa napapansin sa gilid ng mga mata nya ang tinginan ng mga bakla. At alam na alam nyang gustong gusto na syang tanungin ng mga ito.

"Ano man 'yon mah?"tanong ni Archie.

'Sabi na nga ba,itong Arsenio na ito ang unang magtatanong eh.'isip ni Vice.

"Okay na kayo ulit?Ansaya nyo na kanina eh hahaha."bahagya pa itong natawa at umiling bago ibinalin sa bintana ng sasakyan ang tingin.

Nilingon naman sya ng bakla ng parang may nahagilap syang sarkasmo sa boses nito.

"May problema ba 'ron chie?"anang bakla."Nagkausap na kami. At sigurado naman akong narinig nyo iyong nangyari sa kaniya at sa pamilya nya noon. Hindi nya na kasalanan 'yon. Nagsorry na rin ako dahil napag isipan natin sya ng hindi maganda,at sa tingin ko wala namang mali kung magiging magkaibigan kami uli diba?"

"Meron eh. May mali."sabay sabay silang lumingon kay Archie dahil sa sinabi nito."Ang ibig kong sabihin Me,ni hindi mo manlang kinunsulta sa boyfriend mo iyang plano mo."

Sarkastikong natawa ang bakla."Konsulta?Bakit doctor ba siya?"

"Hindi naman lahat ng bagay idinadaan sa biro me,"mabilis na tugon nito."Feelings niya pinag uusapan rito."

"Anong ibig mong sabihin?Na lahat ba dapat ng desisyon ko,eh hihingi pa ako dapat ng permiso sa kanya?"

"Ang ibig kong sabihin,sana isipin mo man lang yung mararamdaman nya."diretsong sagot nito."Sana magtanong ka man lang kung okay ba siya sa ganoon. Ni hindi mo na nga nasabi sa kanyang dinidiskartehan ka ni boss Calvin at ngayon,hanggang ngayon may gusto sayo 'yong tao eh."sambit niya at lalong ikinatahimik ng lahat."Ano?Tama ako diba?Ikaw yong sinasabi niyang hindi nya na pwedeng mahalin dahil huli na sya?"

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now