X: True Love

1.7K 53 33
                                    

General POV



"Anong meron? Urgent meeting ha.. May ganap ba..?" tanong ni Vice ng marating ang lounge ng mga host.

"Naku itong baklang to,pati ba naman meeting late pa rin sisterette..?"sagot ni Anne na prenteng nakaupo sa tabi ni Karylle.

"May bago ba Anning?"singit ni Jhong.

"Sabi ko nga wala eh.Ever since the world began.."ani Anne.

"Settle down guys. We are about to start the meeting. Kailangang matapos ito agad, dahil may meeting rin ako with the management.. "Panimula ni direk..

Kalaunan ay may ipinasok ang staff na isang kahon at inilapag ito sa harapan ng mga host.

"Ay shala.. Ang aga nang pa Christmas gift direk.. September pa lang naman.. "Komento ni Vice na nakaupo sa tabi ni Jhong at nakadekwatro pa.

"I'm sad to say..Pero hindi regalo yan.."tugon ni direk Bobet. "Baka nakakalimutan ninyong malapit na ang 10th year Anniversary ng Showtime. At dapat mas puspusan ang paghahanda natin.. Dahil, espesyal dapat itong ika-sampung taong selebrasyon natin. "

"Yohoooo.."

"Oh my God.. I almost forgot malapit na pala mag october..".

"Nakakaexcite direk.. "

"Ah talaga ba direk. Eh para nga saan ito..?"turo ni Vice sa kahong nasa harapan nila..

"Well.. Syempre ang highlight nang Anniversary natin ay ang 'Magpasikat performance' nyo. So now, kailangan na ninyong magbunutan para sa team-up nyo.Sino ba sa host ang makakateam nyo, o meron ba kayong makakasama sa team o wala.. "Litanya ni direk na ikina kunot noo naman nila.

"What do you mean by that direk..? May magsosolo? "

"Yes K. As we all know, hindi na kayo ganon kadami. Billy is not here with us, same with Coleen and So as Mariel, dahil baka sooner ay magleave muna sya for her baby. But sinama ko pa din naman si Mariel dyan. Is up to her o kung sino ang makakasama nya kung lalabas o sya na lang magiisip ng concept..So are you ready..?"tanong ng direktor.

"Ahhhhhhh..Natetense ako.."tili ni Anne.

"Hoy Anne. Wag masyado lakihan buka ng bibig. Di pa lang nag anniversary baka malunok mo na kami.. "Bara ni Vice na ikinatawa ng lahat.

"Sobra ka sis.."

"Kinakabahan ako.."ani Ryan na nakakuha naman ng atensyon ng lahat.

"Mas kinakabahan yung makakabunot sayo Ryan.. " napakamot ng ulo si Ryan sa sinabi ng mommy nya..

"Ayyyy.."

"Sige na..Vhong, Anne, Karylle, Jhong at Vice..Kayo ang kailangang bumunot as a main host syempre nang makakateam nyo..Mauna ka Vhong.."

Lumapit ito sa kahon at bahagyang inihipan pa ang kamay bago bumunot..

"Walang epekto yan Vhong.. "Sambit ni Jhong habang lahat sila ay nakatingin kay Vhong habang bumubunot ito.

"Yess! "Sambit ni Vhong nang makabunot ng isang piraso ng papel.

"Hoy wala pa nga. Di mo pa nga nabubuksan eh.Nakakatawa ka Vhong.. "Singit ni Anne at nagtawanan na naman ng lahat..

Dahan dahan namang binuksan ni Vhong ang hawak at sinilip ito ng isang mata..

"Yess. Hindi si Ryan..Hahaha " nagtawanan naman sila sa reaction ni Vhong.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now