XXXXI : Mahal niya.

1.3K 39 10
                                    

ION

"Sabihin mo nga sa akin. Humahanap ka na lang ba ng rason para masabing ako ang may kasalanan kung sakaling may hindi magandang mangyari sa relasyon natin,ha? Humahanap ka na lang ba ng pagkakataon para magkaroon ka ng dahilan para iwan ako.?"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya pero nararamdaman kong tuloy tuloy lang sa pagtulo ang luha ko.

Ang sakit kasi.

Sinubukan kong basahin ang mata nya pero kagaya ng nararamdaman ko,sakit rin ang nakikita ko sa mata niya. Pero kung nasasaktan siya bakit kailangang mangyari to?

"Hindi ko alam na ganiyan ka pala mag-isip. Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo sa akin."

Iyon lamang ang nasabi ko ng mapagtanto kung anong ibig niyang sabihin.

Ano bang iniisip nya? Na naaawa lang ako sa kaniya? Na nagtitiyaga lang ako pero ang totoo ay gustong gusto ko na talagang iwan? Yon ba? Kasi kung iyon ang dahilan, ang sakit naman.

Ang sakit naman pala.

Ang sakit naman, dahil alam ko namang lahat ay ginawa ko na para iparamdam kung gaano ko siya kamahal. Pinaramdam kong siya lang. At alam kung nagawa ko na lahat para mapanatag siya.

Pero kulang pa ba?

"Hindi ko rin alam na darating ako sa ganito. Na babalik ako sa dating ako na may pangamba, na may takot. Alam mo baka nga tama sila. Hahanap at hahanap ka rin ng tunay na babae na makakapagpasaya sayo. Na mamahalin. Na baka palabas lang pati pagluhod mo sa harap ko,at pagtatanong sa akin kung pwede mo ba akong makasama sa habang buhay mo."

Hindi totoo yan. Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal. Alam niya kung gaano ako katotoo sa pagmamahal ko sayo.

"Naisip mo talaga yon?"di makapaniwala kong sambit sa bakla.

"Hindi ba? Kaya nga kahit ilang buwan na ang lumipas hindi pa rin natin napapagusapan. Kasi ano? Kasi dala lang ng awa? Kasi nga umasa ako,at para hindi mapahiya sige pinatulan mo. Pero yung totoo,naawa kana lang talaga."

Hindi ko alam kung saan galing ang mga iyon ngunit parang nakakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nya. Ang bigat. Lalo nat parang siguradong sigurado siya sa sinabi niya.

"Sana pala hindi kana lang um-oo kung pinagdududahan mo lang ako. Sana pala hindi mo na lang ako tinanggap kung sasabihin mo lang iyan."lumuluha akong tumingin sa kanya. Pero muli nadurog ang puso ko dahil nakita ko ring umiiyak siya."Lahat ng offer sakin, tinatanggap ko. Kahit makukuha non yung karamihan sa araw na dapat kasama ko yung mahal ko. Malaki o maliit man kasi may pinagiipunan ako. Alam mo kung ano? Yung kasal ko. Yung kasal ko doon sa taong gusto kong makasama ko sa habang buhay. Pinag-tatrabahuhan ko yung bahay naming dalawa. Yung future namin. Yung -yung pinaka engrandeng kasal na pwede kong ibigay at iparanas sa kanya. Yung pinaghirapan ko, yung pinagpawisan, at pinagpaguran ko. Kasi naisip ko sa ganoong paraan maipaparamdam ko sa kaniya na karapat-dapat siya. Na kamahal mahal sya. Kilala ko kasi yong mahal kong yon eh." ibinalin ko sa sahig ang tingin dahil hindi ko na kayang tagalan pang titigan ang mga mata niyang umiiyak."Masayahin yon pero kapag tungkol sa kanya negatibo sya magisip. Gusto kong iparamdam sa kanya na gagawin ko rin ang lahat para maging karapat dapat ako sa kanya, na kahit hindi naman kailangan ng permiso ng mundo,gagawin ko yun eh. Gagawin ko.."

Unti unti akong bumaling ng tingin sa kanya at sinalubong ang kanyang mga mata."Kasi mahal ko siya. Mahal ko siya, kahit na ngayon na kinikwestiyon ko ang sarili ko dahil sa kanya. Mahal ko siya, kahit ngayon na madalas na nagkakamali na ako. Mahal ko siya, kahit na pinagdududahan nya yung pagmamahal ko. Mahal ko siya kahit itinutulak nya ako palayo. Mahal ko siya kasi wala akong ibang nakikita sa pang habang buhay ko kung hindi siya. Mahal ko siya, kasi sya yung dahilan kung bakit nandito ngayon. Mahal ko siya kahit kinukuwestiyon nya yung nararamdaman ko. Mahal ko sya kahit ang hirap hirap na. Mahal na mahal ko siya. At alam mo bang nasasaktan nya ako ngayon?"



NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now