XX: Unkabogable Day

942 33 16
                                    


General

"Madlang People,The Unkabogable Phenomenal Superstar,the birthday girl.'Vice Ganda'.."entrada ni Jhong sa katatapos na prod ng birthday girl.

Hindi nagkamayaw sa sigawan at palakpakan ang mga fans at madlang people.

"Happy birthday Vice!"sabay-sabay na turan nila.

"Thank you so much..Maraming salamat sa inyong lahat,unang una sa Panginoong Diyos,dahil sa pagpapala nya kaya umabot ako sa ganito,siya ang dahilan ng lahat ng to',"panimula nya."at syempre sa pamilya ko,nanay,mga kapatid ko,mga pamangkin ko at sa lahat ng pamilya ko,dito sa showtime,my ggv family,lahat-lahat kayo..Kasama ko kayong lahat dito,maraming maraming salamat,sa Abs,sa management sa mga bosses,kay direk.I love you,maraming salamat..Sa mga staffs,"nilingon nya ang mga ito.."at sa mga anak ko,To all my Little Ponies.."naghiyawan ang mga fans nito na nasa studio ngayon at sumusuporta sa kanya."Maraming salamat sa pananatili nyo,mula umpisa hanggang ngayon.Sa lahat ng nagmamahal sa akin,na tinatawag kong Little Ponies,mapa-official members man o hindi,basta lahat ng sumusuporta at nagmamahal sakin mahal na mahal ko rin kayo at alam nyo yan.Kayo yung mga taong hindi bumitiw sakin at hanggang ngayon ay sumusuporta pa din sa lahat ng mga tagumpay ko,at hindi ko maa-achieve ang lahat ng ito,kung wala kayo..Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo,Godbless you all and God knows how much i love you all.."nagpalakpakan naman ang lahat.Akmang magsasalita muli sya ng putulin sya ni Vhong.

"Brad!"

"Oh bakit?"

"Brad,alam naming birthday mo kaya gusto namin masaya ka,kaya naman narito ang mga gusto pang bumati sayo.."ani Vhong at nagsimulang lumabas sa screen ang mga pagbati mula sa mga kaibigan nya.Showbiz at non showbiz friend,Mula kay Maricel Soriano,Daniel Padilla,Billy Crawford,Anne Curtis,at marami pang iba.

"Maraming salamat po sa mga bumati,sa nanay ko,Inay Maricel I love you,Dj thankyou bisitahin mo naman ako,sa mga kaibigan ko,maraming maraming salamat sa pagbati,Anne..I miss you my sisterette',see you soon.Everyone,thank you so much.and---"

"Cutiepie,!at syempre,hindi naman natin makakalimutan,kahit wala sya dito ngayon," pinutol syang muli ni jhong at napatili ang madlang people sa sinabi ni Jhong na mukhang alam na nila kung saan papunta."Ipapaabot nya ang kanyang pagbati at pagmamahal sayo,kaya naman Vice,panoorin mo ito.."ani Jhong.

Maya-maya pa ay lumabas sa screen si Ion.May hawak itong mga litrato nilang dalawa na kasing laki lamang ng isang bondpaper,magkakapatong ang magkakaibang pictures nilang magkasama,at kasabay ng pagpapakita ng mga larawan nila ay ang pagbigkas nya ng mga tula para sa mahal na bakla.

"Hindi ako makahanap ng sapat na salita,katulad na lamang ng una kong naramdamdaman nung una nating pagkikita,sa harap ng madla."

Ipinakita nya ang sumunod na litrato nilang dalawa kasabay ng hindi mapawing hiyawan.

"Ikaw ang dahilan ng labis kong tuwa,at sa araw-araw mukha mo ang pinapangarap kong makita.."

Nakangiti lamang ang bakla habang pinagmamasdan ang nobyo.Kitang kita ang namumuong mga butil ng pawis sa noo nito.Natetense marahil ito.

"Hindi ko pinilit na itoy maramdaman,ngunit sa puso koy nakaukit ang matamis mong pangalan,gusto ko na sana,ay ikaw na sa walang hanggan,aalagaan kita kong akoy iyong pagbibigyan.."

The Madlang people cant help to shrieked in amusement.Her friends just smile in an astonishing way.

"Wala na kong hahanapin at mahihiling,pagkat hawak at abot ko na ang bituin kong pinakamaningning,mayron na lamang akong isang mahihiling,wag mo sanang tanggihan pag inalok kita ng singsing.."

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now