XXXV : Parang wala

982 23 10
                                    


General

"Yung cellphone nga nagri-ring eh pero di naman sinasagot."problemadong sambit ni Archie habang patuloy na pina-pa-ring ang cellphone ni Vice.

"San naman pupunta yon ng gantong oras?"saad naman ni Buern na kapwa ay aligaga rin sa pagtatanong ng iba pang mga baklang pwede nyang pagtanungan kung nasaan ang huli.

"Sina kuya Vhong kaya? Baka na kina tiyang Amy? Tawagan nat---"

"Walang tatawag sa kahit na sino sa mga kasama namin sa showtime."putol ni Ion."Baka mag-panic lang at magkagulo at baka pare-pareho tayong mapagalitan ni direk."

"Tama hindi natin pwedeng sabihin. Dahil magtataka ang mga yon,at baka nga magalit pati sina Direk tsaka si sir Deo. Im sure dagdag na naman yon sa mga pinoproblema ni meme pag nagkataon."

Napabuntong hininga ang binata. Bagamat pagod mula sa biyahe ay mas nangingibabaw ang pag-aalala nya sa nobya.

Hindi nya na ito nadatnan dahil napakahaba rin ng oras ng biyahe at pagkatapos ay gabing gabi na sya nakarating. Hindi nya rin naman inaasahan na ang dadatnan nya ay ang mga baklang halos halughugin na ang buong bahay kakahanap sa bakla.

"Natutulog lang yon kanina dito sa sofa eh. Tapos pinalipat na namin sya sa kwarto nya para mas kumportable sya. Akala namin tulog na,nitong sinilip ko sya nawawala na pala."ani Budi.

"Bakit kaya hindi sumasagot 'yon?"tanong ni Archie at muli ay in-dial ang numero ng bakla bago tinapat ang cellphone sa tainga nya.

Maya maya ay nakarinig sila ng pagring ng cellphone at si kitty ang bumungad sa kanila habang iwinawagayway pa ang hawak.

"Bumalik ako sa kwarto nya."sambit nito."Nakita ko sa ilalim ng unan."

"Pano natin sya kokontakin kuya?"lahat sila ay nakatuon sa lalaking ngayon ay kapwa nagiisip rin.

"Kitty. Yung phone nya. Pakicheck nung mga messages."



-------

"Bakit hindi mo na lang sabihin sakin?"pagpipilit ng lalaki sa bakla.

"Hindi pwede."

Natawa naman ang lalaki."Pwede kang makipagkita sakin pero di mo pwedeng sabihin iyang pinagmumukmok mo?."

Inirapan lang sya ng bakla.

"Artista ka kaya. Basketball player ako,kung pwede nila tayong makitang magkasama edi dapat pwede mo rin sabihin sakin yang iniisip mo. Imposible naman kasing trip trip mo lang."

Tinignan sya saglit ng bakla ng may seryosong mukha bago bumalin sa ibang direksyon.

"Baka ma-guilty ka pag nalaman mo."

Kumunot ang noo nito."Bakit naman?"

"Nag-away kami bago pa tayo magkita rito last week. Hindi nya ko kinikibo dahil hindi ko sinabing ikaw yong nagpapadala sa akin at dahil na rin sa naglihim ako sa kanya. Hanggang ngayon di pa namin napapag-usapan."tugon ni Vice."Parati pa kaming nauuwi sa away. Tapos ewan. Parang nagbabago na kami. Alam mo yun?" tila walang emosyon nyang saad.

Natigilan sandali ang lalaki. Ilang minuto rin bago sya nakapagsalita.

"I dont know. Pero sorry kung ganon."

"No its okay. Nagkataon na lang siguro yon. Sumabay lang siguro,pero baka naman kasing nagsasawa na talaga sya sumabay lang."hindi umimik ang lalaki at tinignan lang ang baklang malapit na malapit na sa pagiyak."Sumabay lang kaya nakahanap sya ng pagkakataon para magkaroon ng dahilan. Siguro narealize nya na rin na hindi dapat ako yung kasama nya. Yung pinili nya. Kasi hindi naman ako babae. Hindi ko maibibigay sa kanya yung mga pangangailangan nya at mga dapat kong ibigay bilang kasintahan. Baka natauhan na siya."at doon nagsimulang dumaloy ang mga luha sa mata ng bakla.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now