IX: Babawi (part2)

1.8K 53 26
                                    

Ion POV

Matapos ko syang tignan ay agad akong lumapit sa kanya para halikan sya sa pisngi. Hindi ko alam na magdidinner kami ngayon. Mabuti na lang pala ay nakaligo ako bago pumunta rito at maayos ayos naman ang suot ko.

Akala ko kasi totoong nagpunta na naman itong reyna ko dito nang mag isa, kaya naman ay agad akong nagmadali kasi baka maulit na naman yung nangyari sa kanya nong' isang gabi sa bar. Baka mabastos na naman sya, mahirap na, masyadong nakakaatract tong mahal ko kaya kung sino-sino gusto lumapit sa kanya. Naalala ko na naman yung lalaki na yon', buwiset sya. Pasalamat sya at di pa nagkukrus ang landas namin.

Ipinanghila ko naman sya ng upuan para makaupo sya. Naks, mukhang pinaghandaan nya yata ito, ayos na ayos eh.

Nang nakaupo na kami at nagkaharapan ay nagkaroon ng sandaling katahimikan. Pansin ko ang paggalaw ng mga daliri nya sa table kaya alam kong nagiisip sya ng sasabihin nya.

"Maganda rito. Pati tong mga bulaklak."saad ko. Tumingin naman sya sa akin sa mata.

"Sorry Lab. "Sambit Nya.Hinayaan ko muna siyang magsalita at hinayaan din ang sarili kong tignan muna sya. Ang ganda eh.

"Ang dami ko nang kasalanan sayo eh. Una, hindi ako nagsabing gigimik kami last night. Naisip ko kasi na, syempre nasa tarlac ka non' at alam kong pag sinabi kong magbabar ako, hindi mo ako pipigilan pero alam kong gugustuhin mo namang samahan ako at bantayan ako.. Pero yun na nga lang yong time na pwede mong ibigay sa pamilya mo ayoko namang pati yun makuha ko.."sambit nya at tumigil ng bahagya bago muling magsalita.

"Pangalawa,yung pagsusungit ko sayo..At tsaka maniwala ka sa akin. Wala akong balak uminom non' maling drinks lang naibigay sakin kaya siguro nasungitan din kita, di na ako nakapagisip ng matino eh. Pangatlo, yung.. Yung kanina, im sorry.. Nagselos na naman ako, akala ko lang kasi.... Basta sorry Love.Sana, sana di ka nagalit sa akin sorry."malungkot na sambit nya bago yumuko.

Inabot ko naman ang kamay nyang nakapatong sa lamesa kaya napaangat sya ng tingin.

Binigyan ko sya ng isang maliit na ngiti hanggang sa ngiting labas ang ngipin . Aasarin ko lang saglit..Naweweirduhan sya pag ganyan eh.

"Seryoso ako Ion. Bat mo ko ngini-ngisian? "Medyo nagtataray na sambit nya.Pikon na girlfriend, wala pa nga akong ginagawa eh.

Binawi ko naman kunwari ang pagkakahawak ko sa kanya."Nagsusungit na naman.."kunwaring nagtatampong sagot ko sa kanya.

Agad naman nyang binawi ang nakanguso nyang mukha saka inabot ang kamay ko. Ngayon maglalambing na yan.

"Sorry na Lab. Ikaw kasi nang aasar ka na naman eh." blanko ko lang syang tinignan at kitang kita ko sa mata nya ang lungkot. At dahil napatingin ako sa mata nya, talo na naman ako. Hinding hindi talaga ako mananalo sa reyna kong to. Hindi ko talaga sya matiis.

Ngumiti ako sa kanya at ako naman ang humawak sa kamay nya. Kalaunan naman ay napatayo sya at mabilis na lumapit sa akin.

Napangiti ako ng yakapin nya ako kaya ako napatayo. At syempre niyakap ko rin, ansarap kaya ng yakap nito..

"I mish You,.. "Sambit nya bago humarap sakin."Bati na tayo ha? "Nagisip naman ako kusnwari.

Ngumuso na naman sya kasabay ng pagkunot noo nya..

"Hindi pa.."

"Bakit? "Nginisian ko sya.

"Kiss mo muna ako.. "Itinuro ko ang pisngi ko..Natawa naman sya.

"Hoy napaka mo.. "Sambit nya at alam kong kinikilig yan nakakangiti na eh.

"Isa lang.. "Pagpipilit ko,joke lang naman, malay mo pumayag edi masaya.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now